B2: Chapter 34: Home Visit

177 9 0
                                    

3 days After the Kampo Trexo Escapade....

Diones Residence..

Josh POV

3 days na pala since nagcamping kaming apat sa Kampo Trexo sa Tagaytay..Medyo marami rami na rin ang naaalala ko pero di pa lahat.. Ng..

"Josh! " sigaw ni Bambi sa baba..BTW dito pa rin sya tumutuloy, eversince bumalik si ate ng states..

"Pababa na! " daig pa nanay ko kung makasigaw tong babaeng to

Ng makababa na ako.. Aba! May buysita este bisita pala kami.. Sino pa ang dakilang magjowa, si Chris at Aya..

"Oh Josh! Good morning bro! " bati sakin ni Chris na nasa hapag kainan na

"Tara na Josh kumain ka na! " yaya sa akin ni Aya

"Teka Chris..Akala ko ba may work ka na? " sabi ko

"Well, alam mo naman extended ng another day ang Team building ng company namin kaya eto.. " ibang klase rin tong si Chris

"Hoy! Joswe! Abay kumain na at may pupuntahan pa tayo.. " speaking of daig pa nanay ko.. Si Bambi

"Teka saan naman ang punta ngayon? " tanong ko

"Abay syempre! Sa amin! " si Bambi

"Dadalawin natin Bro ang soon to be mother-in-law mo! " masayang sabi ni Chris at binatukan namam sya ni Bambi na ikinatuwa pa ni Aya

"Aray naman! Bambi! Totoo naman ah! Bebe girl bat ka natawa? " malungkot na sabi ni Chris

"Tumigil tigil ka dyan Soriano ah"si Bambi after batukan ni Bambi

"Daldal mo kasi bebe boy eh! " ngiting sabi ni Aya

At nagsikain na muna kami...

Fortez Resindence... (Philippines)

Nandito na kami ngayon sa bahay nila Bambi...

"Oh anak! Napadalaw ka! " sabay yakap ni Bambi sa Mommy nya

"Hi po tita! " bati nila Chris at Aya

"Oh Chris, Aya nandito rin pala kayo.. " masayang bati ni Tita kila Chris

"May nalulungkot dyan isa? " tukso sakin ni Chris

"Syempre naman, makakalimutan ko ba ang lalaking talagang kinunsinti ng anak ko dahil sobrang mahal nya to.. " sabay yakap sakin ni tita.. Ganun ba ako kaloko..

"Mommy naman! " nahihiyang sabi ni Bambi

"Sya! Pasok muna kayo ng makapagmiryenda.. " sabi ni tita

Habang nasa sala...

"Josh! " si Chris

"Oh? " sabi ko

"Tulala ka dyan? " tanong ni Chris

"Wala to! " simple sabi ko

"Weh! Iniisip mo no yung sinabi ni tita kanina.. " actually kanina ko pa talaga iniisip yun

"Naku Josh! Kunsinti kunsinti ka dyan kay Bambi, naging kayo nga noon ng patago eh! " sabi ni Aya.. Naging kami noon?

"Hah? Talaga? " sabi ko

"Tsk..Oo nga bro! Tinago nyo nga rin samin non eh.. " say ni Chris

"Wala talagang nakaalam? " tanong ko

"Actually meron, si Ian lang.. " say ni Chris

"Si Ian? " tanong ko.. Sorry na may amnesia

"Oo bro..si Ian dating karibal ko kay Aya at katokayo ni Aya sa environment things.. " sabi ni Chris

Tween Barkada: The Reunion  [Book 1, 2 & 3]Where stories live. Discover now