B2: Chapter 39: Back to Business

127 12 0
                                    

Josh POV

1 week later..

Sa wakas pabalik na kami ng U.S kasama syempre ang aking Sweetheart and soon to be Wifey, matagal pa yun wag kayong atat darating rin tayo dyan..

Airport....

"Oh pano.. Mag-iingat kayong dalawa don hah? " si Tita Irene.

"Syempre naman mommy! Kami pa ba, tsaka kawawa naman si Ate, walang kasama magpatakbo sa company natin doon sa States.. " say ni Bambi

"Okay, Oh Josh iho..Ingatan mo ang bunso ko hah?" payo sakin ni tita

"Sure tita! Love ko kaya tong bunso nyo! Lagi ko po syang babantayan! " ngiti kong sabi sabay akbay kay Bambi

"Weh? Diba may trabaho ka sa New York? Pano mo ako babantayan? " tanong ni Bambi

"Well, di mo lang alam na may expansion company kami sa California malapit sa Company nyo kaya sinabi ko kay Ate nung tinawagan ko sya na don muna ako sa expansion company na yun, syempre as a head engineer pa rin..kaya Bambi, I'll be watching you!" kindat ko kay Bambi

"Naku, naku nagagawa talaga ng pag ibig.. " say ni tita

"Grabeh ka..di ko alam na may expansion company kayo sa Cali.. " say ni Bambi

"Syempre para mabantayan kita ng maayos.." sabi ko

"Alam mo ikaw..Wala ka talagang sinasayang na araw para makasama ako! " say ni Bambi sabay kurot sa ilong ko

"Tita oh! " nagsumbong ako kay tita, parang bata lang

"Naku Bambi, tignan mo ginawa mo pulang pulang ang ilong ni Josh.. " sabi ni Tita

"Masakit ba? " nang asar pa si Barbara

"Ano sa tingin mo? " say ko habang hinhimas ang nose kong pulang pulang sa kurot

"Tsk..kayo talagang mga bata kayo oo.. " si Tita

"Anong gusto mong gawin ko? " say ni Bambi

"Ikiss mo to para mawala sakit.. " lungkot lungkutan kong sabi

"Wow..neknek mo..iisahan mo na naman ako.." asar pa more Bambi

"Bunso, pagbigyan mo na, sige ka lalong sasakit yang ilong ni Josh kapag di mo sinunod ang gusto nya.. " thank you Tita, ang supportive nyo po

"Mommy naman! Sige na nga! " sabay mabilisang kiss sa ilong ko ng aking prinsesa

"Masaya ka na.. " tanong nya, syempre di ako papahuli noh! Kiniss ko sya sa noo, ako pa ba!

All passenger flight for California please be on board in 10 minutes...

"Oh tama na yang lambingan na yan..sumakay na kayo baka maiwan pa kayo ng eroplano.. " and we said goodbye to Tita Irene..

End POV

California (Day of Arrival)

Fortez Residents

Jacob POV

Sa wakas nakapov ulit ang iyong lingkod..Well, nandito kami ngayon sa Bahay nila Bel, kasama ang TA barkada at syempre sila Leslie, Luisa, Rick for the Welcome back surprise sa dalawang bida bida este sa pinakbatang loveteam ng barkada..

"Jess, okay na ba ang mga pagkain? " tanong ni Bel kay Jess

"All set Bel! Nothing to worry.. " say ni Jess, katulong nya sila Kara, Ashlee at Chloe

"Eh ang Welcome banner? " tanong ni Bel ulit

"Okay na Bel, nakaset na sa garden pati ang mini stage at dalawang upuan.. Okay na! " assured ni Christian kasama sila Robin, Diego, Jepoy at Maximo

"Teka, asan sila Leslie? " punong abala talaga ang future wife ko

"Chill ka lang Bel, nandon na sila sa garden inaayos ang decoration.. " sabi ko, parang birthday party lang ang peg..

Ding dong*

"Guys lights off! They're here! " I said at nasitago kaming lahat

End POV

Bambi's POV

Sa wakas after almost one day of flight, nandito na kami sa tapat ng bahay namin sa California, well may kasama akong sabit este poging nilalang..

Niring ko ang doorbell..

"Teka? Wala bang tao sa loob? " pagtataka kong tanong

"Alam ba ni Bel na ngayon balik natin? " tanong ni Josh

"Oo, sinabi na natin diba.. " sagot ko

"Baka may spare key ka dyan.. " suggest nya

"Ay oo nga pala! Meron ako" sabi ko sabay kuha ng susi sa bag ko then binuksan ko ang pinto

"Ang dilim naman.. " reklamo ni Josh

"Nasaan kaya si Ate.. " sabi ko, teka parang may ilaw sa may garden

"May ilaw don oh! " turo ni Josh, nilapag namin ang gamit namin sa sala at dumeretso sa garden

Garden...

"SURPRISE!! WELCOME BACK JOSHBI!!" aba! Ano to!!? Nandito silang lahat sa amin

"Wow! Guys pano? " speechless ang ate nyo

"Syempre sis! Pinaghandaan namin to dahil nandito na kayo at syempre nagbalik na rin ang memories ng iyong soon to be hubby! " teka lang ate hah..

"Hubby agad?" protesta ko

"Bakit may problema ba dun my soon to be Wifey? " humirit na si singkit

"Ayiiiiiehhhhhhhh! " umirit pa tong mga to

"Grabeh kayo hah! Namiss ko kaya kayo! " nangiyak ngiyak ko sabi

"Uhhhh! Namiss rin namin kayo! " duet pa silang lahat

"Sayang wala sila Chris at Aya.. " sabi ko

"Dont worry sis, nagwowork naman yunh dalawang yung para sa future nila.. " sabi ni Ate sakin

"Ano bang balita sa TA barkada? " tanong ko

"Well eto! Matatag pa rin, lalo na kami ni Ashlee ko! " akbay ni Diego kay Ashlee

"Da moves! " asar ng TA boys

"Mga loko! " si Diego na ikinatawa ng lahat

"Eh kumusta naman ang tweeny namin.. " say ko sabay tingin kila Robin at Kara

"Going strong kami Bambs! Ang bait kasi ni Kara eh! " say ni Robin sabay backhug kay Tweeny ko

"Sira! Pasalamat ka L kita" si Kara

"L? " tanong ni Chloe

"Love kita! " duet namin ni Josh

"Marunong na kayo nyan hah! " si Jacob

"Syempre naman! " sabi ni Josh

"Ano? Magkekwentuhan na lang tayo? " sabi ni Jess

"Ano guys? " simula ni Rick

"Let's Eat!!" sigaw naming lahat

"Wait! Bago yan..ano muna?" Josh naman gutom na us eh

"Ano na naman yan?" reklamo ni Maximo

Pumwesto pa sa gitna at sinama pa ako...

"GROUP HUG!! " yun naman pala eh! At nag group hug na kaming lahat..

End POV

Meanwhile....

"Boss ano bang ipapagawa nyo samin? " tanong na isang lalaki

"Isang malaking laro ang gagawin natin.. " say ng pinuno

"Ang laro naman yun? " kamot ulo ang isa pang lalaki

"Just wait and see!" isang nakakatakot na tawa ang isinalaysay ng pinuno ng lalaki

=====================================

Ooopps! Sino kaya itong nilalang na ito? Abangan mahaba pa ito.. Tweeners..

=Zel_25=

September 27, 2018

Tween Barkada: The Reunion  [Book 1, 2 & 3]Where stories live. Discover now