B3: Chapter 2: Family Time

145 10 0
                                    

Robin's POV

Dahil off work ako ngayon, bonding time muna with my family kahit alam kong mahirap pa rin ang pinagdadaanan ng barkada dahil hanggang ngayon di pa rin namin natatagpuan sila Josh at Bambi...

"Daddy?" bumalik ako sa realidad ng kalbitin ako ni JJ

"Oh nak bakit?" sabi ko while nanunuod kami ng movie syempre..bonding ng mag ama

"San nyo po nakuha ang pangalan ko?" sabi nya

"Well, John Joshua, yung John, syempre sa bible yun, alam mo naman para maging mabait kang bata.." paliwanag ko

"Mabait naman po ako Daddy eh!" sabi nya, hay manang mana sa ina sa kabaitan ang batang to..

"Mana ka kasi sa Mommy mo, mabait tapos yung medyo pagkapilyo alam mo na kung kanino.." sabi ko sa kanya

"Syempre! Sayo Daddy, pilyo kasi kayo nung kabataan.." aba talagang batang to

"Kanino mo naman nalaman yan.." sabi ko 

"Kay Ninong Christian po.." sabi nya, naku Christian..tsk!

"Talagang yang ninong mo yan.." sabi ko

"Mukhang interesting ang pinag uusapan nyong mag ama ah! Share naman dyan!" biglang sulpot ni Kara galing kusina

"Mommy! tinatanong ko kasi kay Daddy kung saan po nyo nakuha name ko?" say ni JJ sa mommy nya

"Ah, ganun ba..mukhang alam mo na naman siguro kung saan eh.." sabi ni Kara sabay upo sa tabi namin

"Yung John, alam ko na po kung saan, sabi po ni Daddy sa bible daw po..pero ang Joshua?" tanong niya

"Uhm..anak, tama Daddy mo,sa bible nga galing ang John, ang Joshua, actually sa bible rin yun, pero ang deep meaning kung saan namin kinuha ang Joshua, is may malapit kaming kaibigan ng Daddy mo, kaso wala sila ngayon, hinahanap pa namin sila.." paliwanag ni Kara

"Asan po sya?" tanong ni JJ

"Di namin alam anak eh, pero hinahanap namin sila.." sabi ni Kara

"Ano pong pangalan nya mommy?" so ang mommy nya ngayon kinakausap

"Actually, sya si Engr. Ralph Joshua Diones, anak! Kung makikita mo sya kamukhang kamukha nya ang Daddy mo.." sabay tingin sakin ni Kara

"Alam mo ba anak, yung girlfriend ni Engr. Josh, kamukha kamukha sya ng Mommy mo rin, parang pinagbiyak na bunga sila, ang pangalan naman ng girlfriend ni Engr. Josh ay si Barbara 'Bambi' Fortez, yan ang girlfriend ni Engr. Josh..malapit samin ang dalawang yan..kaso pareho silang wala ngayon sa atin, sila sana ang ninong at ninang mo kaso wala eh.." pagkukwento ko kay JJ

"Sayang naman po, pero siguro makikita nyo rin po sila soon.." sabi ni JJ

"Hopefully anak!" sabi ni Kara

"JJ, tignan mo mommy mo nag eemote na naman oh.." tukso ko kay Kara

"Di ah! Grabeh ka!" sabi ni Kara

"Mommy talaga!" natatawang sabi ni JJ

"Naku JJ! manang mana ka talaga dyan sa Daddy mo.." sabi ni Kara

"Syempre mommy! sa kapilyuhan kay Daddy po, pero ang kabaitan sayo po!" say ni JJ, matured ng mag isip kahit 3 years old palang

"Naku! nambola pa ang anak ko!" say ni Kara kay JJ

"Mana kay Daddy.." pagmamalaki ni JJ, naku batang to!

"Ayan! ikaw kasi, kung ano anong kalokohan kasi itinuturo mo sa anak mo..ayan tuloy.." tukso sakin ng misis ko

"Sorry na!" sabi ko, wala pagdating sa misis basag ang pogi points ko, tiklop

"Daddy, sira pogi points mo kay Mommy!" aba batang to, bata pa mind reader na, wala tinawanan lang ako ng mag ina ko, kaya love ko tong dalawang to eh!

Meanwhile..(Vancouver)

Bambi's POV

Gosh! Ang boring na talaga dito! Ni hindi ka makalabas, laging bantay sarado ng mga panget na alipores ni Alexa, sobrang puti ko na kaya, lalong maiinlove sakin si singkit! Charot! Speaking of singkit, kumusta kaya sya? Naku! masasabunot ko talaga ang Alexa yan kapag nagkita kami! Pikon na pikon na ako sa kanya, I hate her! Dapat masaya na kami ni Josh, kasal na sana, may anak na sana..Kumusta na kaya sila Robin? Siguro may anak na yung dalawang yun..Cute siguro kung boy yun..

Josh's POV

As usual, nandito pa rin ako sa lungga ng masamang hangin..Daig ko pang preso na sinentensyahan ng habang buhay na pagkakakulong..Di makalabas, ni magpa araw di ko magawa, grabeh kasi magbantay ang kontrabida sa love life namin ni Bambi..Hay! sana kasal na kami, sana may mga anak na kami, sana namumuhay na kami ng maayos kasama ang sarili naming pamilya at ang barkada..

"Josh!!!!" speaking of the masamang hangin

"Problema mo?" wala kong sa mood na sabi

"IKAW!!! Kailan mo ba ako papakasalan!?" aba, manigas ka dyan..

"Asa ka pa!!!" sabi ko

"Josh naman eh!!! mahigit 5 years na tayo nagsasama.." eto na naman tayo..

"So ano ngayon..tsaka di ako basta basta magpapakasal sa isang taong sinira ang buhay at ang love life ko.." paliwanag ko

"Ugh!!! I will never gave up on you Josh!! Hanggang sa makasal tayo!!" bahala ka sa buhay mo

"Bahala ka sa buhay mo!!! Maghintay ka sa wala!!" sabi ko sabay labas sa veranda nila

===========================================

Family Bonding ang Perez Fam..Samanatala ang JoshBi, hanggang kailan kaya sila malalayo sa isa't isa?

  = Zel_25= 

November 13, 2018  

Tween Barkada: The Reunion  [Book 1, 2 & 3]Where stories live. Discover now