B2: Chapter 44: Biglaang YES at I DO!?

143 12 0
                                    

Author's POV

Busy si Kara sa kanyang online Shop, nasa California sya ngayon, sa condo binili nya doon ng dumalaw si Bambi at Aya sa kanya..

*ding dong

"Sandali lang.." say ni Kara, ng mabuksan nya angpinto tumambad si Bambi at Aya

"Hi Bess.."bati ni Bambi kay Kara

"Oh..Bambi, Aya..napadalaw kayo?" si Kara

"Syempre, gusto lang namin makita ang bagong condo mo..syempre para kumustahin ka.." say ni Aya

"Okay..sige pasok kayo.." at pumasok sila sa loob

"Ganda naman ng condo ng tweeny ko, asensado na.." puri ni Bambi

"Sakto lang naman para sa akin.." say ni Kara

"Asus..pa humble pa.." biro ni Bambi

"Aya, kumusta na ba ang bagong engaged?" tanong ni Kara kay Aya

"Okay naman, lalong nagiging sweet si Architect Chris Soriano.." masayang sabi ni Aya

"Wow naman, compliment.." sabi ni Bambi

"Eh ikaw naman..Ms. Barbara Fortez, anong balita?" say ni Kara

"balita saan?" si Bambi

"Natural sa love life at yung sa death threat.." si Kara

"Anong gusto nyong unahin?" tanong ni Bambi

"Death threat muna.." say ni Aya

"Uhm..nagpapadala pa rin sya ng death threat at di pa rin sya nagpapakilala, di na nga nagsawa eh.." kwento ni Bambi

"Ano ang latest Death threat nya?" tanong ni Kara

"Uhm..'I'm your worst enemy, BAMBI, magpakasaya ka lang! malapit lapit na ang sorpresa ko sayo.." kwento ni Bambi

"So, it means na sayo pinapatama lahat ng threats na yan?" tanong ni Kara

"Tama.." simpleng sagot ni Bambi

"Anong say ni Josh?" si Aya

"Well, alam mo naman si Joswe daig pang gwardiya sa kababantay sa akin, laging nakabuntot, buti na lang natakasan ko ngayon.." say ni Bambi

"Teka eh sa Love life naman.." sabay na tanong ni Aya at Kara

"As usual, sweet pa rin at vey gentleman naman si Engineer, minsan tinotopak pero kadalasan malambing sa nag iisang Prinsesa nya.." kinikilig na sabi ni Bambi

"Harot!!!!!" say nila Aya at Kara sabay kurot kay Bambi sa tagiliran, literal na sabay dahil nasa gitna si Bambi nila Aya at Kara

"Aray naman!!! Ang sakit hah!! talagang sabay, ganon?" protesta ni Bambi

"GANON!!!!" sabay na sabi ni Aya at Kara

"Nasaan nga pala si Josh, Bambi? Akala ko ba nakabuntot lagi sayo..?" ask ni Kara

"Asan nga ba?" denial na sabi ni Bambi ng..

*Ring..

"Hello?" si Kara

"Kara, si Josh to!" si Josh sa kabilang linya

"Oh Josh, napatawag ka?" si Kara

"Si Robin, nasa Ospital!" nanginginig na sabi ni Josh sa phone

"ANO!!!??? Anong nangyari kay Robin, Josh!!? sabihin mo sa akin.." ninenerbyos na sabi  ni Kara

"Naaksidente sya!! 50/50 na ang tyansa na marevive sya.." say ni Josh

Tween Barkada: The Reunion  [Book 1, 2 & 3]Where stories live. Discover now