Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Prologue

510K 9.3K 2.1K
                                    

Prologue



3 years ago...


"HANAPIN niyo bilis! Nandito lang 'yon," narinig kong sigaw ng isang guard habang inuutusan ang mga kasamahan niya na maghanap sa akin. Hawak-hawak ko ang wallet na ninakaw ko sa lalaking mayaman na kausap ko kanina. Masyadong malandi eh, hindi man lang napansin na kinukuha ko na ang wallet niya sa bulsa habang nakakadiri na nagpapa-cute sa akin.

Sumilip muna ako bago lumabas at tumakbo. Ang hirap pang gumalaw rito sa suot ko. Masyadong mataas ang heels ng sapatos. Paliko na sana ako nang bigla 'kong marinig na may nag-uusap na mga gwardya kaya tumalikod ako upang hindi nila mapansin. Eksakto naman na nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng uniform ng housekeeping na papalabas ng elevator. Agad akong pumasok doon nang makita na wala itong laman at natatarantang pumindot sa kahit anong floor button. Kagat ko ang mga kuko ko dahil sa sobrang kaba. Napaangat ang ulo ko mula sa sahig nang bumuka ang pinto ng elevator. Teka. Bakit isa lang ang pinto rito sa floor na 'to?

Napatalon ako sa gulat nang tununog ang elevator. Shit! May sasakay galing sa ibang floor. Baka 'yong mga guard na 'yon.

Tumingin ulit ako sa nag-iisang pinto sa harap ko at napansing nakabukas ito nang kaunti. Bahala na. Pasimple akong naglakad na para bang doon talaga ang punta ko at pumasok na akala mo ay may ibang nanonood sa 'kin.

Napanganga ako nang makita ang loob ng unit. Ngayon lang ako nakapasok sa sobrang laki at gara na kwarto. Halos buong floor na ng building ang okupado nito. Mukhang mayaman ang may-ari nito, ah. Halatang mga mamahalin ang mga gamit kahit simple.

Ma-check nga mamaya kung may pwede akong mabenta.

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa kaya agad akong pumasok sa isang kwarto nang hindi nag-iisip. Wow! Ang linis, ah. May malaking kama na halos kasinlaki na ng kwarto ko at may nakalagay na damit. May relo pa! Kung sinuswerte ka nga naman. Kukunin ko na sana ang relo nang biglang tumunog at gumalaw ang doorknob kaya naman nag dali-dali akong pumasok sa isa pang maliit na pinto.

Naipahid ko pa sa damit ko ang kamay kong namamawis dahil sa sobrang kaba na baka mahuli ng kung sino man ang may-ari ng unit. Basta lang ako pumasok dito nang hindi alam kung may tao ba rito.

Akala ko pupunta rito sa pinagtaguan ko kung sino man na Pontio Pilato 'yon, pero sa ibang pinto siya pumasok. Nakahinga ako nang maluwang. Narinig ko na may mga patak ng tubig sa kwartong pinasukan niya. Naliligo pala siya.

Tiningnan ko ang paligid ng kwartong napasukan ko. Teka, sandali. Nalaglag yata ang panga ko, pupulutin ko muna. Ang daming damit at sapatos! Para akong nasa mall!

Naglakad ako at may nakita pa akong isang hilera ng pabango, relo, panyo, necktie, at iba pa, pero napansin ko rin na puro gamit ng lalaki ang nandito.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Kumuha ako ng isang bag na nakita ko rin doon at inilagay ang mga relo. Siyempre 'yong mga type ko lang kahit na ibebenta ko lang din naman. Kumuha rin ako ng sapatos at kaunting damit. Pwede ko itong ibenta sa ukay-ukay. Ito 'yong para sa mga suki ko na alam kong may pera at hindi swapang na mahilig tumawad.

Nadako ang tingin ko sa isang relo at isang singsing na nakahiwalay. Kung lalaki ang nakatira dito, bakit pambabae itong singsing? Huh, para yata sa syota niya. Sorry, bro. Bili ka na lang. Mayaman ka naman, eh. Nilagay ko ang relo sa bulsa ko at tinitigan muna ang singsing. Ang ganda naman nito.

Kinagat ko pa para malaman kung totoo, at totoo nga! Akala ko mabubungi na ako sa tigas nito. Kung sinuswerte ka nga naman. Isinuot ko ang singsing at itinaas ang kamay ko sa ilaw. Bagay na bagay sa 'kin.

Narinig ko na naman ang mga yabag ng paa ng lalaki kaya sinilip ko mula sa mga pahabang butas ng pinto ang taong may-ari nitong unit.

"Wooow." Hindi ko napigilan ang mapabulong sa sarili ko. Anak ng tokwa! Totoo bang may lalaki na ganyan ang katawan? Ang macho naman niyan. Parang yung mga nasa poster na nakadikit sa kwarto ng kakilala ko na bakla.

Kaso... baka naman hipon 'yan? Hindi lang naman babae ang hipon, ah. May lalaki rin. Shit, sana naman hindi. Sayang kasi. Ano kayang itsura niya? Ipinunas ko sa damit ang namamasa kong mga palad. Excited akong makita.

Tumunog ang cellphone niya kaya naririnig ko rin ang boses niya habang nagpupunas ng basa niyang buhok gamit ang isa pang tuwalaya. Idinikit ko ulit ang tainga ko sa pinto.

"Yes. I'll be there in a bit," narinig kong sabi niya. Pati boses, macho. "I cancelled my appointment. I will attend the league's meeting... Alright."

Hindi ko na narinig na nagsalita siya kaya sumilip na ulit ako. Nakita kong nagsusuot na siya ng pantalon. Sayang, hindi ko nakita yung ano. E 'di sana sa machong lalaki ang first time ng mata ko.

Isa-isa na niyang isinuot ang mga damit na nasa ibabaw ng kama. Titig na titig lang ako habang pinapanood ang bawat galaw niya. Grabe. Tayo at galaw pa lang niya, lalaking-lalaki na. Ang brusko!

"Shit!" bulong ko nang mapansing papalapit sa akin ang lalaki, kaya naman pumunta ako sa kasulok-sulukan at nagtago. Pumikit ako at tahimik na nagdadasal sa utak ko. Lord, please lang. Last na 'to. Huwag lang akong mahuli ng machong lalaki na 'yan. Baka pagsamantalahan niya ako. Maganda ako, eh.

Click!

Ano 'yon? Hindi ako gumalaw ng ilang minuto hanggang sa marinig kong nagsarado ang pinto ng kwarto. Naghintay pa ako ng limang minuto—sa dami ba naman ng relong dala ko, hindi ko pa mabilang—bago tumayo at naglakad upang lumabas dito sa malaking closet. Sumilip muna ako at siniguradong wala na ang lalaki. Whew. Akala ko katapusan ko na talaga.

Tinulak ko ang pinto pero hindi ito bumubukas. 'Yon pala yung narinig kong tumunog! Ni-lock niya. "Anak ng! Utang na loob naman, oh! Bumukas ka na!"

Sinubukan kong itulak, sipain, suntukin, pero wala talaga. Tang na eight o'clock nga naman! Naubos na yata ang lakas ko kaya tumigil na ako at umupo. 'Langyang buhay 'to.



"WHAT the fuck?!" Naalimpungatan ako sa narinig kong boses ng lalaki. My goodness. Ang aga-aga, mura agad ang narinig ko? Umupo ako sa position na Indian seat. Hindi ko maibuklat ang mata ko sa sobrang pagod. Ni hindi ko nga namalayan na sa sahig pala ako nakatulog.

"Ano ba naman 'yan, 'Tay? Kay aga-aga, nagmumura agad kayo. Kailan pa kayo naging sosyal sa pagmura?" sabi ko habang nagtatanggal ng muta. Itinaas ko ang mga kamay ko at nag-unat ng katawan.

"Who the hell are you?!" Natigil ako sa paghikab. Tumingin ako sa paligid at bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Shit! Nakalimutan kong nasaraduhan nga pala ako rito sa loob ng closet. Sa panaginip ko ay nakauwi na ako. Tumingin ako sa lalaki—uy pogi—at ngumiti nang alanganin.

"Ah, he he. Good morning?" sabi ko habang kumakaway. Nakita ko ang seryosong mukha niya at bigla akong natakot. Grabeng mga mata 'yon, nakakapangilabot. Ang lamig tumitig. Nagpalipat-lipat naman ang tingin niya sa akin at sa bag na nasa sahig. Nanlaki ang mga mata ko at itinago 'yon sa likod ko.

"I'm calling the police." Pulis? Oh nose! Ayaw ko nang bumalik sa new bilibid prison. Okay joke, hindi naman talaga ako nakulong doon. Sa kulungan lang naman sa barangay namin, overnight.

Sa sobrang taranta dahil sa sinabi niya, hindi ko na namalayan ang sunod kong ginawa. Sinipa ko siya sa parteng pinakaiingatan niya at tumakbo palabas. Naririnig ko pa siyang sumigaw habang tinatawag ako ng hey! pero wala na akong pakialam. Mabuti kung hey ang pangalan ko... or kung tinawag niya ako ng babes o kaya naman baby. Hmph, hindi siya marunong maglambing kaya naman tumakbo na ako palabas.

Haaaay! Last na talaga 'to. Hindi na ako magnanakaw, Lord. Maghahanap na talaga ako ng matinong trabaho. Promise!

Matagal-tagal din bago ako tumigil sa pagtakbo. Napamura ako sa isip ko. 'Langya. Uhaw na uhaw na rin ako at gutom.

Lumapit ako sa isang tindahan at kinapa ang laman ng bulsa ko upang maghanap ng limang piso pambili ng kape sa vending machine. Kumunot ang noo ko nang iba ang mahawakan ko. Nanlaki ang mga mata ko. 'Yong relo... may kuminang pang isang bagay at syete, 'yong singsing!

Natulala pa ako ng sandali bago gumalaw at naghanap ng isang pawnshop upang magsangla. Hindi lang gamot ni Tatay ang mabibili ko!

Making Deals with the Billionaire (LOB series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon