Chapter 6
"Hi Jules!" bati sa akin ni Kayla. Siya ang isa sa mga receptionist dito sa building. Naging close kami noong isang beses na nagkasabay kaming kumain sa canteen.
"Kayla, break mo na?" Tumingin siya sa relo niya bago sumagot sa akin.
"5 minutes pa." I rolled my eyes.
Sa isang buwan na pagtatrabaho ko rito, purgang-purga na 'ko sa limang minuto na 'yan. Kung hundi lang kasalanan ang manakal ng tao na maririnigan ko ng 5 minutes, baka naubos na ang empleyado rito kasama na ang nagpauso na nasa boss level na si Demonstrous. Lahat yata sila nahawa sa taong 'yon. Hihingi ng palugit, 5 minutes. May kailangan na files, 5 minutes. Tatawag sa telepono, 5 minutes. Nakakaloka!
"Hoy! Tara na," pag-aya sa akin ni Kayla. Kung makapag-hoy akala mo siya yung naghintay ng 'langyang 5 minutes na 'yan bago pumunta ng canteen. Halos ito na ang naging routine namin—hihintayin ko siya or hihintayin niya ako tapos sabay kaming kakain ng snacks.
"Tigil-tigilan mo nga ako sa limang minuto na 'yan at naiirita na ko."
"Eh, may limang minuto pa naman talaga. Hindi ako aalis ng desk ko hangga't hindi ko pa break time baka mamaya, bawasan pa ang sahod ko."
"Ang OA mo naman. 'Yon lang, babawasan agad? Saka malaki naman ang sweldo mo, eh," sabi ko. Nalaman ko kasing 35k ang sweldo ni Kayla sa isang buwan. Wala naman nga siyang ibang ginagawa kundi ang tumayo at ngumiti ng pang-beauty queen, samantalang ako all-around yaya at sekretarya.
Nakapila na kami ngayon para bumili ng pagkain. Gutom na gutom na ako dahil kagaya ng ibang mga araw, hindi ako masyadong nakakain nang maayos kanina. Ikaw ba naman may gano'n kasungit na boss.
"Ano ka? Nagpapa-laser ako ng kilikili ko kaya mahal 'yon, 'no. Saka nagpapa-good shot ako kay Sir para makita niyang girlfriend material ako," kinikilig na sabi niya napairap naman ako.
"Yuck. Kung alam mo lang ang feeling ng araw-araw mong kasama ang gano'n kasungit na lalaki baka kainin mo 'yang mga sinasabi mo."
"Kung gano'n kaguwapo ang makikita ko araw-araw, baka siya mismo ang makain ko. Yummy!" Nakakagat labi pa talaga siya niyan.
"Eww. Push mo 'yan." Ewan ko ba sa babaeng 'to, ang lakas ng tama kay Demitri. Guwapo lang naman 'yon, pero ang sama ng ugali. Hinding-hindi ako magkakagusto roon.
"Arte-arte mo, ah. Maganda ka? Kung makareklamo ka kay Sir Demitrius."
"Hindi ako maganda, pero din hindi yaman at itsura ang gusto ko sa lalaki. Ugali. At hindi gaya ni Sir Demi ang type ko," sabi ko sabay subo ng spaghetti.
"Una, 'wag mo ngang tawaging Demi si Sir Demitrius. That nickname is so gay. Pangalawa, wow may type ka rin pala sa lalaki? Akala ko tibo ka at crush mo ako kaya palagi mo 'kong hinihintay." May pa-flip hair pang nalalaman ang babaeng 'to.
"Una..." Ginaya ko ang maarteng pagsalita niya. "Ang haba po kaya ng Demitrius, nakakatamad. Pangalawa, alam mo, Kayla, maganda ka sana kaso feelingera ka."
"Then call him Demitri, not Demi," mataray na sabi niya. Napailing na lang ako. "At malay ko ba. Sa ganda ko ba namang 'to? Kaya mas lalong bagay kami ni Sir. Magandang maghalo ang lahi namin. We will make the perfect children!"
Pagkatapos naming kumain ni Kayla, bumalik na kami sa mga trabaho namin. Sakto naman na pinatawag ako ni Sir Demitrius.
"Yes, Boss, may kailangan kayo?" nakangiting bati ko sa kanya pero hindi man lang ako tiningnan.
"Ito na ang sweldo mo para sa buwang ito." Itinuro niya ang isang puting sobre na nasa lamesa pero hindi pa rin naaalis ang mata niya sa harap ng laptop niya.
Kinuha ko naman agad yung envelope. Wala na akong pakialam kung tingnan niya ako. Same lang kami ng nararamdaman, hindi rin naman siya magandang tanawin. Siyempre binilang ko rin muna kung kumpleto ang sweldo niya sa 'kin baka mamaya, maduga pa ako ng taong 'to at kulang ang ibigay sa 'kin.
Bago ako nagsalita ulit at magbalak humigi ng isang pabor kay Boss Demitri, pinagmasdan ko muna ang itsura niya kung good mood ba siya o hindi. Kaso mukhang permanent na talaga yata ang mukhang 'yan ni Boss dahil kahit good or bad mood, walang pagbabago. Huminga ako nang malalim. Bahala na si Captain Barbel.
"Uhm, Boss?" Hindi yata ako narinig dahil hindi tumingin sa 'kin kaya inulit ko. "Boss, yuhoo!"
"Stop shouting, Julian." Napangiwi naman ako nang iritableng tumingin sa 'kin si Demitri. "What do you want?"
"Uh, Boss, magpapaalam lang ho sana ako na kung pwede uuwi muna ako sa 'min. Uuwi lang po ako mamayang gabi. Tapos ko na po lahat ng pinapagawa niyo at—"
"Go," sabi niya sabay balik ng tingin sa laptop. Natigilan naman ako sa sagot niya. Tama ba ang narinig ko?
"Po? Pwede po akong umuwi sa amin?" Naninigurado lang baka mamaya, mali ang narinig ko tapos bigla na naman siyang mag-transform sa pagiging Demonstrous niya.
"I said, go." Seryoso? Ilang araw din akong nag-practice ng mga sasabihin ko tapos gano'n lang pala?
"Thank you, Demonstrous! Maraming salamat! Pagpalain ka nawa!" tuwang-tuwang sabi ko sa kanya.
"What did you just call me?" bigla ay tanong niya.
Patay! Bulong ko sa sarili ko.
"Sabi ko po Sir Demitrius. Salamat po, Sir. Aalis na po ako. Bye!" Dali-dali akong lumabas ng pinto. Baka magbago pa ang isip ng taong 'yon, mahirap na. Hinatid na ako ni Mang Tomas papunta sa amin at agad kong pinuntahan si Tatay sa kwarto niya.
"Tatay! Miss na miss na kita." Napansin ko agad ang pagkinang sa mga mata ni Tatay nang makita ako at halos maluha ako nang marinig ko ang ungol niya.
Mag-aapat na taon na simula noong atakihin sa puso si Tatay dahil sa naluging negosyo na naipundar nila ni Nanay. Halos ikamatay ni Tatay nang malaman niyang niloko siya ng partner niya at tinangay ang lahat ng pera.
"Tatay, may dala akong prutas. Nakuha ko na ang unang sweldo ko ngayon. Labinlimang libo, 'Tay! Akalain mo 'yon? Hindi ko na kailangang kumuha ng maraming trabaho para makakuha ng ganitong sweldo. Makakapag-ipon na ako ng pang-tuition ni Jude."
Nagkukwento lang ako kay Tatay habang pinagbabalat ko siya ng mga dala kong prutas.
"Sayang nga 'Tay kasi pansamantala lang 'tong trabaho na 'to. Kaya kong magtiyaga kahit masungit ang boss ko basta makapag-ipon ako ng pampagamot niyo. Pero 'wag kayong mag-alala, gagawa ako ng paraan para gumaling pa kayo."
Tumalikod ako sa kanya para hindi niya makita ang luha ko. Alam kong ayaw ni Tatay na nakikita akong umiiyak dahil simula bata pa lang ako lalo nang mamatay si Nanay, ayaw niyang nakikitang malungkot ako.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at paggising ko, 9pm na. Agad akong tumayo. Napapikit ako nang makitang may 8 missed calls at 2 messages ako mula kay Demitri.
Where the fuck is my dinner?
Go home. NOW.
Hindi mahilig mag-text si Boss at palagi lang siyang call. Nakalimutan kong nilagay ko sa silent mode ang phone ko kanina nang makatulog si Tatay dahil ayaw kong maistorbo siya.
Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad kong sinagot.
"Hello, Boss?"
"Where the fuck are you? You didn't cook my dinner," malamig na sabi niya sa 'kin.
"Sir, sorry nakatulog kasi—"
"Nakatulog? What a fucking great excuse. Kailangan ko na bang tingnan kung may nawawala akong mga gamit dito? Get back here. Now."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig kong sinabi niya. Gusto kong magalit pero hindi pwede dahil baka tanggalin niya ako sa trabaho. Ngayon pa naman na kailangan ko ng pera dahil graduating na si Jude.
"Sorry po. Babalik—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ang linya. Napabuntonghininga na lang ako. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at nakita ko ang pinsan ko na kumakain habang nagla-laptop.
"Oh, Ate Jules, aalis ka pa? Dito ka na matulog. Galing ako sa labas at mukhang uulan nang malakas ngayon."
"Hindi pwede. Kailangan ko nang bumalik. Pakisabi na lang kay Tatay. Hindi na ako nakapagpaalam, natutulog na kasi siya. Ikaw na ang bahala sa tatay ko, ha?" Tumango na lang si Jude at nagsabi na mag-iingat daw ako. Iniwan ko na rin sa kanya ang sweldo ko. Kumuha lang ako ng tatlong libo para sa pang-gastos ko sa isang buwan.
Naglakad na ako palabas ng kalye namin at nag-abang ng jeep. May isang huminto na may dalawang pasahero kaya sumakay na ako. Pero sa malas ko, nasiraan ang jeep na sinasakyan namin. Kanina pa ako balisa habang pabalik-balik na tumitingin sa relo at cellphone ko. Kinakabahan ako na baka tumawag na naman si Demitri at hindi ko masagot.
"Sorry, ho." Agad akong tumingin sa driver. "Nasiraan tayo. Mag-abang na lang kayo ng ibang jeep, matatagalan po kasi." Mukha namang dismayado ang lahat ng pasahero pero wala na kaming magawa pa kundi ang bumaba.
Kung akala ko wala na akong imamalas pa, nagkamali ako dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti na lang at mabait ang isang babae na kasama ko kanina sa jeep dahil pinasilong niya ako sa payong niya at naglakad kami papuntang waiting shed para mag-abang ng sasakyan. May mangilan-ngilan ding tao na nandoon at sumilong.
Pero anak lang ng kalabaw! 20 minutes na, wala pa ring dumadaan na jeep. Ang lamig pa naman at ang lakas ng ulan. Ang ibang pasahero, nagpasundo na.
"Jules, gusto mong sumabay sa 'min?" tanong ng babae na nagpasukob din ng payong sa akin kanina. Mabuti pa siya sinundo ng tatay niya. Sigurado kung si Tatay walang sakit, ihahatid pa ako n'on kahit saan.
"Sige pero sa may kanto na lang ako kasi nakakahiya naman sa inyo." Magkaiba naman kasi ang daan ng bahay nila sa bahay ni Demitri.
"Sigurado ka? Pwede ka naman naming ihatid na. Mukhang wala pang balak tumigil ang ulan ngayon," tanong sa akin ni Ana nang makarating kami sa may kanto. Umiling na lang ako.
"Hindi na. Malapit na lang naman dito yung uuwian ko. Kaya ko na 'to. Thank you, ha?" Pinahiram na rin ako ni Ana ng payong niya. Kinuha ko na kahit nakakahiya. Nagpaalam na ako sa kanila at nagpasalamat. Mabuti na lang at may mga mababait pa ring tao sa mundo.
Wala na masyadong sasakyan na dumadaan kaya naman nagsimula na akong maglakad papunta sa condo ni Demitri. Malayo pa talaga rito iyon kaso nakakahiya kung magpapahatid pa ako. Basang-basa na ako ng ulan. Parang wala ring kwenta yung payong dahil sa lakas ng ulan at hangin.
"Oh, Jules, ano'ng nangyari sa 'yo? Basang-basa ka na," nag-aalalang tanong sa akin ni kuya guard. Siya ang night guard dito at medyo naging close na rin kami.
"Ganyan talaga, Kuya. Ang lakas ng ulan, eh. Bumaliktad pa itong payong na dala ko." Natatawang pinakita ko sa kanya ang payong na nasira. Umiling lang sa akin si Mang Bart. "Kuya, kumain na po ba si Sir Demitrius? Nagpa-deliver po ba siya ng pagkain?"
"Ay kalalabas lang ni Sir mga sapung minuto na nakakalipas. Hindi ko alam kung saan pupunta."
"Gano'n po ba? Sige po, maraming salamat. Papasok na ako." Tumango naman siya sa akin.
Umakyat na ako ng kwarto. Nakita kong 10:30pm na pala, hindi ko namalayan ang oras. Sa sobrang pagod din, hindi na ako naligo. Nagbihis na lang ako at natulog. Gigising na lang ako nang maaga para makabawi kay Demitri.
BINABASA MO ANG
Making Deals with the Billionaire (LOB series #1)
General FictionLeague of Billionaire series #1 Breadwinner Julian Tezan gets the biggest twist of her life when she unexpectedly crosses paths again with billionaire Demitrius Crivelli, the guy she robbed three years ago. *** Willing to do everything for her famil...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte