Chapter 1
Idinikit ko ang swelas ng sapatos na hawak ko. Empleyado ako ng Chichiwa. Isa itong Chinese company na nagbebenta ng mga sapatos—na isang gamitan lang sa tag-ulan, sira na agad. Hindi ito gano'n kalaki at hindi rin ito gano'n kakilala. Tatlong taon na rin akong nagtatrabaho sa company na 'to. Hindi kalakihan ang sweldo pero kasya na para mabuhay at mapag-aral ang tatay at pinsan ko.
"Jules, pinapatawag ka raw ni Mr. Pascual," sabi ng isa kong kasama sa trabaho. Tumango lang ako sa kanya at naglakad papunta sa office ni Mr. Pascual.
I knocked twice then opened the door. Nakaupo lang siya sa swivel chair niya habang nakakunot ang noo na nagbabasa ng kung ano sa laptop niya. Si Mr. Pascual ang head ng human resources department ng company namin.
"Sir, pinapatawag niyo raw po ako?" Sumulyap siya sa akin, pagkatapos ay tumingin ulit sa laptop na nasa harap niya.
"Ms. Tezan." Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "You may sit down." Tinuro niya ang upuan sa harap niya. Umupo ako.
Naghintay pa ako ng isang minuto bago niya inalis ang tingin sa laptop at ibinaling sa akin. Kung sa ibang pagkakataon, pwede kong isipin na crush niya ako. Pero nakakadiri kaya 'wag na lang.
"I'm giving you a promotion," bigla ay sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko.
"P-po?" gulat na sabi ko. Tinanggap ko na kasing hanggang dito na lang ako. Tatlong taon na akong nagtatrabaho sa kompanyang 'to pero hindi man lang nila ako napapansin. Sabagay, hindi naman kasi ako pabibo kagaya ng iba riyan. Pero ano raw? Bibigyan nila ako ng promotion? Hihimatayin na yata ako, Lord.
"I'm giving you a promotion kung..." Sumimangot ako bigla. Akala ko pa naman promoted na talaga ako. Bwiset na panot 'to, paasa. "Magpe-present ka sa board ng Crivelli Company at papayagan nila tayong magtayo ng branch sa mall nila."
Ang Crivelli Company ay isa sa pinakamalaki at sikat na kompanya sa buong Asia. Pagmamay-ari din nito ang pinakamalaking mall dito sa Pilipinas.
Sinasabing hindi basta-basta ang mga kompanyang pinapayagan nilang kumuha ng pwesto sa loob ng mga mall na pagmamay-ari nila. Karamihan kasi ng mga paninda sa loob ng building na 'yon ay mga mamahalin at kilala sa buong mundo.
Mas lalo akong sumimangot. Pa'no ko naman gagawin 'yon eh sa lugar lang yata namin kilala itong kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Isa pa, haler? Ang mumurahin kaya ng sapatos namin kumapara sa mga tinda ng mall na 'yon. Mga sosyalin na rich kid lang yata ang bumibili roon.
Noong isang beses na sinubukan kong pumasok doon, may nakita akong isang tindahan ng mga damit ng aso. Halos masuka ako sa mahal ng mga kapirasong tela na 'yon. Kahit ako, kaya kong magtahi ng mga gano'n.
"Sir naman. Masyado naman yatang mahirap 'yang pinapagawa niyo. Hindi ho ba pwede yung sisiw lang?"
"That's my condition, Ms. Tezan. Biglaan ang pag-alis ni Faye at bukod sa kanya, ikaw ang may pinakamatagal na experience rito sa kompanya natin. Isa ka sa mga unang empleyado noong nagsisimula pa lang ito. You know this company very well."
Si Ms. Faye ang supervisor manager namin dito. Mabait siya at maalaga kaya mahal na mahal siya ng mga empleyado rito. Siya rin ang pinakamalapit kong kaibigan sa trabaho.
"You will be presenting to the Crivelli Corporation's board in 3 weeks." Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya.
"Tatlong linggo?! Sir naman! Ang bilis naman yata." Mabuti kung school report ang gagawin ko na pwede ko lang basahin ang nasa libro. Eh, ibang level 'to! Pangkabuhayan level!
"That's the only available time for that company. Masyadong busy ang Crivelli kaya mahirap magpa-schedule sa kanila. It's a once in a lifetime chance for a small business like ours na nagbigay sila ng ganitong promo. Mabuti na nga at may nag-back out kaya naibigay sa atin ang pwesto," seryosong sabi nito. "Prepare yourself. This is something big."
"Pero, Sir, hindi ko kaya 'yon. Alam niyo naman na hindi ako nakapag-graduate ng college," pagmamaktol ko. Tumaas lang ang isang kilay niya.
"I don't disagree with you Ms. Tezan." Wow, pinapababa ba niya lalo ang self confidence ko? Hindi obvious, ha. "But Faye told me that you are smarter than you look. Hindi rin ako sigurado na kaya mo ito, but if Faye believes that you can do it, then I think I should give you the benefit of the doubt."
Sa mga sinabi niya, parang lumakas ang loob ko pero hindi 'yon dahil sa mga papuri na sinabi ni Ms. Faye. Sa paraan kasi ng pagkakasabi ni Mr. Pascual, parang bobo akong tao. Hindi ako nakapagtapos ng college pero hindi ako tanga. Dahil lang sa hirap ng buhay ang pagtigil ko sa pag-aaral.
Dahil sa panlalait niya, lumakas ang loob ko na tanggapin ang bagay na 'to.
"I accept the task, Sir," determinadong sabi ko. "And I'm taking a leave for three weeks to prepare my presentation."
Ilang segundo rin kaming nagtitigan bago siya sumagot. "If you must."
Lumabas na ako ako at agad na pumunta sa pinakamalapit na computer shop. Pinindot ko ang lumabas na information sa Wikipedia.
Crivelli Corporation
Is a private company owned by Demitrius Levin Crivelli. It is considered as one of the successful companies in Asia. It is known to have almost a hundred malls in the continent including the biggest mall in the Philippines.
Marami pang mga nakalagay tungkol sa company. Kung paano ito nagsimula, kung saan ang main building ng company at iba pa. Nalaman ko rin na grandparents ng CEO ngayon ang nagtayo nito. May picture din sa gilid ng logo ng company nila.
Pinindot ko ang link ng pangalan ng makakaharap ko sa board. Kung magpe-present ako, dapat kilala ko kung sino ang kaharap ko.
Demitrius Levin Crivelli
28 years old. Eldest son of Dr. Victoria and Damascus Crivelli. He is the present Chief Executive Officer of the Crivelli Company.
Iyon lang? Eh, alam ko naman na 'to, maliban sa edad niya. Hay! May nakita lang din akong isang litrato ng lalaki sa gilid na may nakasulat na pangalan sa baba.
Demitrius Levin Crivelli (photo credit: Gretchen Santiago, 2013)
Last year pa pala kinuha ang picture na 'to. Sa picture, nakangiti siya sa camera habang nakasuot ng itim na 3-piece suit.
Parang totoong-totoo ang ngiti niya sa litratong to. Ang guwapo niya at mukha siyang mabait. Napangiti ako, may bago na yata akong crush. Excited na akong makita siya.
BINABASA MO ANG
Making Deals with the Billionaire (LOB series #1)
Ficción GeneralLeague of Billionaire series #1 Breadwinner Julian Tezan gets the biggest twist of her life when she unexpectedly crosses paths again with billionaire Demitrius Crivelli, the guy she robbed three years ago. *** Willing to do everything for her famil...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte