Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 7

247K 7.2K 666
                                    

Chapter 7

"I need a recap of the meetings from last week."

"Okay, Boss."

"I want the list of the people who will be presenting to the board for this month."

"Yes, Boss."

"Tell the marketing head that I want the result of the sales for this month before the end of the day."

"Opo, Boss."

"Give me an update on finding the ring and the watch that you stole from me."

"Areglado, Boss."

"I want my coffee in five minutes." Pagkatapos niyang sabihin lahat ng utos, lumabas na ako ng office niya para ipagtimpla siya ng kape para masimulan nang gawin ang mga inutos niya.

Matapos ang ilang oras, habang nakatingin ako sa monitor ng computer ko, naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko at parang bumibigat na rin ang mga talukap ng mata ko. Tiningnan ko ang bag ko kung may gamot pero wala. Tatayo na sana ako upang magtanong sa iba kung meron silang gamot nang bigla akong tawagin ni Boss kaya agad akong pumasok sa opisina niya.

"Yes, Sir?" tanong ko pagkapasok ko. As usual, hindi niya man lang ako tinitingnan.

"Buy me lunch today. Hindi ako makakalabas, I'm busy."

"Sige po," malumanay na sabi ko at saka dere-deretsong lumabas at pumunta sa restaurant kung saan palaging kumakain si Sir. Mabuti na lang at walking distance lang ito sa office.

I ordered the food pagkatapos ay naglakad na pabalik nang hindi sinasadyang mabunggo ako nang malakas sa isang tao.

"Oh, sorry!" narinig kong sabi ng lalaki ngunit hindi ko na siya napansin dahil nandilim na ang paningin ko.


Dahan-dahan kong binuklat ang mga mata ko na sobrang bigat at agad na napaupo pagkakita ko sa hindi pamilyar na paligid. Hindi ko maintindihan kung nasaan ako. Ang daming pictures ng mga hayop, pero para akong nasa nursery room.

Napalingon ako nang marinig na bumukas ang pinto.

"Good. You're awake." Natulala ako sa guwapong lalaki na nasa harap ko.

"Nasaan ako? Bakit ako nandito? Ano'ng ginawa mo sa 'kin? Tulong! Tul—" Nagpumiglas ako dahil biglang tinakpan ng lalaki ang bibig ko gamit ang kamay niya pero ang lakas niya.

"Please, do not overreact. Hindi kagaya mo ang gusto ko sa babae." Aba antipatiko. Sa ganda kong 'to? Sa sobrang inis ko, siniko ko siya sa may sikmura kaya nabitawan niya ako. Umuungol siya ngayon sa sakit. Buti nga sa 'yo.

"Sino ka ba?!" Nahilo ako kaya napaupo ako bigla.

"There. I brought you here because you passed out on the street. You've been asleep for an hour. Tapos ito pa ang igaganti mo sa 'kin?" sabi niya habang nakahawak pa rin sa tiyan niya. Napakamot naman ako sa ulo.

Oo nga parang naaalala ko na na nahihilo ako kanina habang naglalakad. Naawa tuloy ako sa taong tumulong sa 'kin. "Pasensya na. Eh, masama kasi ang pakiramdam ko kanina."

"Malamang dahil inaapoy ka na ng lagnat." Naglakad siya palapit sa 'kin at itinaas ang isang kamay kaya bigla akong pumosisyon ng pang-self-defense.

"Ano'ng gagawin mo?" Inirapan niya lang ako.

"I am going to check your temperature." Idinikit naman niya ang kamay niya sa noo ko. Pero hindi ko pa rin inaalis ang self-defense position ko. Mahirap na. "Okay, your temperature went down, maybe because of the medicine that I gave you an hour ago."

Tumalikod siya at parang may kinukuha sa isang cabinet. Nagdududa ako rito baka mamaya baril na 'yan o kaya kutsilyo. Paano kung serial killer pala 'to? Oh my! Bigla kong inayos ang position ko at ready na sana akong makipaglaban nang humarap sa 'kin.

"Can you stop doing that? You're really scaring me, para kang amasona. Here." Kinuha niya ang isa kong kamay at may nilagay sa palad ko. "Gamot 'yan. Effective. Inumin mo mamaya para gumaling ka kaagad."

Tinitigan ko nang mabuti ang gamot na sinasabi niya baka mamaya makatulog ako at bigla niya akong dalhin sa ibang bansa para ibenta. Balita ko uso pa naman 'yon ngayon. Sasabihin ko na lang na hindi ako magaling sumayaw.

"Kung iniisip mo na illegal drugs 'yan, nagkakamali ka." Aba'y magaling, nabasa ang nasa isip ko.

"Sino ka ba talaga, ha?" tanong ko dahil ngayon, busy na siya sa kakalikot sa mga gamit niya pero hindi siya humarap sa 'kin at itinuro niya lang ang lamesa niya.

Dr. Terrence Rei Zuowen
Veterinarian

"Veterinarian ka?" Tumango naman siya sa 'kin. Hindi ba sa hayop ang mga vet? Paano kung gamot pang hayop ang ibinigay sa 'kin nito?

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Bigla akong napatakbo sa isang sulok. "Hala napaka-cute naman ng asong 'to!"

"That's actually a cat." Lumingon ako kay Terrence.

"Pusa ba talaga 'to?" Hindi ako makapaniwala. May ganito palang klase ng pusa? Ang kapal ng mga balahibo at ang cute. Nakipaglaro ako sa pusa. Ang cute niya, grabe!

"You didn't tell me your name," narinig kong sabi ni Terrence. Magsasalita na sana ako nang bigla kong maramdaman ang cellphone ko sa bulsa.

"Shit!" Napamura ako nang makitang tumatawag si Demitrius. Sasagutin ko na sana kaso biglang nawala. Wala pa naman akong load. Shit talaga!

5 missed calls. Galing lahat kay Demitrius.

3 messages. Isa galing na naman sa kanya at dalawa din galing kay Kayla. Inuna kong basahin ang message ni Kayla.

From: Kayla
Girl wru na? Omg, nakailang tanong na sa akin si Sir kung nakabalik ka na! Halos hindi na nga ako makaalis dito sa pwesto ko para umihi dahil baka tumawag ulit si Sir. Bumalik ka na rito. ASAP!

Kinakabahan na ako. Baka ang sunod na message, ibabalita na niya sa 'kin na wala na akong trabaho. Binuksan ko na ang isang message galing kay Kayla.

From: Kayla
Hoy! Sasabog na ang pantog ko, bumalik ka na! Btw, haba ng hair mo. Mukhang nag-aalala sa 'yo si Sir. ;)

Nakahinga naman ako nang maluwang. Masasabunutan ko 'tong si Kayla mamaya dahil pinakaba niya 'ko. Sunod kong binasa ang message ni Demitrius.

From: Bossing
Where the hell is my lunch?!

Napangiwi ako nang mabasa ang message ngunit hindi pa lumilipas ang kaba ko, bigla na namang tumunog ang cellphone ko na nagsasabing may text sa akin si Demitrius.

Napapikit ako nang mariin at nagsimulang banggitin ang mga santo sa kalangitan.

"What's happening?" narinig kong tanong ni Terrence sa likod ko. Tiningnan ko lang siya.

"My death is happening. Papatayin ako ng boss ko." Ito na 'yon. Sigurado ang sunod na message ay nagsasaad na wala na akong trabaho.

From: Bossing
Julian, you are making me worry. Where are you, woman? Are you alright?

Ang paggunaw ng mundo, inasahan ko pa, pero ito? Itong nababasa ko ngayon ang isang bagay na hindi ko inaasahan sa buhay ko. Ano'ng nangyari? Si Demitrius ba talaga ang nag-type at nag-send nito? Parang hindi ako makapaniwala dahil unang-una, ang haba ng tinype niya. Pangalawa, ermegherd! Siya ay nagwo-worry daw sa akin! Ang ganda ko talaga, kinikilig ako!

Pero wait. Pause muna sa kilig. Chineck ko ang number kung siya nga ang nag-text baka mamaya, assumer na pala ko.

O my, siomai! Siya nga! Number niya nga. Pwedeng-pwede na ulit akong kiligin.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Gelailah, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Gelailah
@Gelailah
League of Billionaire series #1 Breadwinner Julian Tezan gets the big...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 36 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Gelailah.
Making Deals with the Billionaire (LOB series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon