Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 3

294K 7.5K 1.7K
                                    

Chapter 3

"Where are the things that you stole from me three years ago?"

Ano ba 'yan? Wala man lang introduction? Iyon agad-agad? Bigla akong napahawak sa tiyan ko nang maramdaman ko yung pagkulo nito. Gutom na ako. Hindi na ako nakapagmeryenda kanina dahil sa mga tauhan niya. Tapos binigyan nga ako ng isang saging, wala man lang pa-tubig.

"Ah, Boss, pwedeng manghingi ng pagkain? Gutom na kasi ako." Ngumiti ako sa kanya. Tiningnan niya lang ako nang seryoso. Pinigilan ko namang umirap. "Sabi ko nga hindi."

"Don't test my patience, woman. Answer my question, naaalala mo ba ako?" Ang sungit naman nito. Gutom na gutom pa naman ako. Hindi ba niya alam na hindi gumagana nang maayos ang utak ng mga babae kapag gutom? Paano ko siya sasagutin ng matamis kong oo?

"Ah... eh... ih—"

"Are you seriously gonna recite all the vowels in the alphabet?" iritang tanong niya. Vowels? Vowels pala 'yon? Elementary ko pa napag-aralan ang alphabet, eh. Nakalimutan ko na.

Hindi ko na naman alam ang isasagot ko. Sigurado ba akong ire-recite ko lahat? Baka ipa-recite pa niya ang consonant, hindi ko pa naman memorize 'yon. Ang dami kaya! "Oh... u—"

"Answer me! WHERE ARE THEY?" Napatalon naman ako sa gulat sa pagsigaw niya. Grabe naman. Ang hyper ng galit niya. Abot hanggang langit.

"Okay, okay. Chill lang," sabi ko habang iwinawagayway ang kamay ko. Tiningnan niya na naman ako nang masama. Kung nakakamatay ang tingin, malamang durog na ang katawan ko sa paulit-ulit niyang tingin sa akin nang ganyan.

"Uhm, ano kasi... isinangla ko na kasi ang mga 'yon," nagkakamot na batok na sabi ko sa kanya. Dumilim naman ang mukha niya—kung may ididilim pa.

"I knew it. Wala na akong mapapala sa 'yo," tiim-bagang sabi niya sa akin. "I need to report this to the police. Baka kung sino pang iba mong mabiktima."

Nataranta naman ako sa narinig kaya bigla akong napatayo at lumuhod sa harap niya.

"Boss, please naman. Maawa na kayo. Gagawin ko ang lahat ng gusto niyo. Ipaglalaba ko kayo, ipagluluto, kahit gawin niyo pa akong alipin habambuhay. Kahit ano, Boss, 'wag niyo lang akong ipakulong," pagmamakawa ko.

"I swear kapag hindi mo ako binitawan..." Pero umiling lang ako habang yakap ang binti niya. Ano na lang ang iisipin ni Tatay kapag nakulong na naman ako? Itatakwil ako n'on.

"Maawa na po kayo sa akin. Matagal na akong nagbagong buhay. Hindi na ako magnanakaw ngayon. Peksman!" pangungulit ko. Itinaas ko pa ang kanang kamay ko. Halos sipain na niya ako pero hindi ko pa rin siya binibitawan.

"Okay, fine! Just get off me." Bumitaw ako agad sa kanya at inayos ang upo ko sa sahig. Tinitigan niya ako kaya naman na-conscious ako at hinawi ang buhok ko at inipit sa likod ng tainga ko.

"Stand." Agad naman akong tumayo. Inayos ko rin ang suot kong damit. Nakapambahay lang akong short at isang t-shirt na sobrang laki sa akin dahil nanghiram lang ako kay Tatay.

Tiningnan ako ni boss poging masungit simula ulo hanggang paa, kaya naman nag-pose ako na parang pang-beauty queen. Malay mo talent manager pala 'tong lalaking 'to, or bakla? Grabe, 'wag naman sanang bakla! Sayang ang lahi niya. Gusto ko pa naman magpalahi.

Pagtingin ko sa kanya, nakakunot ang noo at seryoso siya kaya naman nawala bigla ang ngiti ko at sumeryoso rin ako.

Nakatitig lang siya sa akin. Ako naman, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang guwapo niya kasi, kinikilig ako. Ang ganda sana talaga ng mga mata niya kaso malamig kung makatitig. Parang may madilim na nakaraan. Walang duda, siraulo na ako. Kung ano-ano na ang iniisip ko.

Biglang tumunog ang cellphone niya. Lumayo siya sa akin at sinagot ang tawag. Hindi ko masyadong narinig kahit ano'ng pilit ko. Ang narinig ko lang 'what the fuck?' at 'You're not going to work?'

Narinig ko siyang bumuntonghininga pagkatapos ay naglakad pabalik sa akin. That's it, baby. Come to mama.

"Nakapag-elementary ka ba?" Napakunot-noo naman ako.

"Oo naman, Boss! Nag-high school at college rin ako. Dalawang taon nga lang sa college dahil—"

"I don't care." Inismiran ko siya. Humawak siya sa noo niya na para bang nag-iisip. "Do you know how to use a computer?" Gusto ko na siyang irapan, pero hindi ko na ginawa at tumango na lang. "Hindi kita isusumbong sa pulis."

Nanlaki ang mata ko at agad na lumapit sa kanya. "Naku, Boss pogi, salamat! Salamat nang marami. Kaawan ka nawa ng Diyos. Patnubayan—" Yayakapin ko na sana siya nang bigla ulit siyang magsalita.

"I'm not yet done," masungit na naman na sabi niya. Kailan kaya mawawala ang kasungitan nito? Magpapa-fiesta ako. "Hindi kita isusumbong sa pulis kung magtatrabaho ka sa 'kin nang libre sa loob ng isang buwan. Or until I find a new secretary."

Nanlaki ang mata ko. Magtatrabaho nang libre? Ano 'to, kawanggawa? Ako nga dapat ang binibigyan ng Sagip Kapamilya!

"Ay boss, no deal! May pangangailangan din ako. Hindi mabubuhay ang pamilya ko sa pagkakawanggawa." Ayan na naman, nakatingin lang siya sa 'kin. Akala ko ba bilyonaryo ang taong 'to? Eh, bakit ang kuripot? Naku, suggest ko nga mamaya kapag malamig na ang ulo na mag-Ariel siya. Para gaya ni Tito Boy, kuripot no more.

"Five thousand a month. Pero kailangan mong magtrabaho sa akin. You'll live here with me. You will cook my food, clean my unit. In short, you will be my maid, but you have to give me your legit resume. I'm warning you, if you ever try to steal any of my things again, I will not hesitate to call the police."

Katulong para sa limang libo? Ang kuripot naman ng lalaking 'to. Nagbilang ako sa utak ko. Pang-tuition ng pinsan ko, pang-gamot ni Tatay, pangkain nila araw-araw—siyempre makikilibre na ako ng foods dito.

"Boss, pwede gawing labing limang libo isang buwan? Tutulungan din kitang mahanap 'yong mga sinangla kong gamit mo noon. Ano deal or no deal?" He sighed.

"Fine. You'll start tomorrow. " Nanlaki ang mga mata ko.

"Pa'no yung trabaho ko ngayon?"

"Mag-resign ka na. I want you to concentrate on being my assistant from now on." Tumango na lang ako. Tutal naman nagtitiyaga lang ako sa pagdikit doon ng swelas at sa boss kong panot na lalaki nga, pero parang palaging menopause. At isa pa, mas mataas ng limang libo ang sahod ko rito.

"Pumunta ka rito ng 7 am bukas. Wear something decent. Take a bath, clean yourself. Ayaw ko ng madumi." Wow, ha? Ano ako, pulubi? Kung nagsabi siya na ipapa-kidnap niya ako e 'di sana nag-gown ako.

"Ang arte-arte," bulong ko sa sarili ko pagkatapos ay tumayo na ako at naglakad papasok sa kwarto.

"And Julian?" Humarap kaagad ako sa kanya.

"I really need my watch and ring back." Pagkasabi niya n'on ay pumasok na siya ulit sa loob ng isang kwarto. Sumunod sa kanya yung masungit na driver. Lumabas na rin yung isa, kaya kami ni Mang Tomas ang naiwan.

"Gano'n ba talaga si Boss?" Umiling si Mang Tomas.

"Masayahin 'yon dati si Demitri." Napansin kong medyo malungkot si Mang Tomas habang nagku-kwento. "Alam ko dahil ako ang pinakamatagal na nagtrabaho sa kanya. Naging gano'n lang siya noong—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil lumabas na yung driver at sinabing ihahatid daw nila ako sa bahay.

Aba eh, dapat lang! Wala akong kadala-dala maski piso dahil sa kanila. Nakapambahay lang din ako, 'no.

Habang nasa sasakyan, hindi ko mapigilang isipin ang sinabi ni Mang Tomas hanggang sa makarating kami sa bahay. Nagpaalam na sila, o baka mas tamang sabihin na si Mang Tomas lang dahil masungit yung dalawa.

Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko ang laptop ng pinsan ko. Anak ng! Babayaran ko pa ba 'to? Eh hindi ko naman nagamit! Lumapit ako roon. May pumasok na idea sa utak ko. Nag-type ako.

Demitrius Levin Crivelli

Lumabas 'yong page na tiningnan ko n'ong isa tungkol sa kanya. 'Yong iba, pare-parehas lang ang mga nakalagay. Ngayon ko nasisigurong pribadong tao si Demitrius.

Pumindot pa ako at may isang nakalagay roon na nakaagaw ng pansin ko. Pinuntahan ko ang link at nagulat ako sa nabasa ko.

Crivelli-Santiago Disaster Wedding

The sun was shining bright and the wedding bells were ringing. Everyone thought that the day would be the happiest for the two love birds, until the supposed-to-be groom, Demitrius Crivelli, walked out of the church in the middle of the ceremony leaving his bride, Gretchen Santiago, in front of the altar.

Some were speculating that Gretchen had an affair with the best man—Travis Crivelli (cousin of the groom)—making the groom leave his own wedding. While others thought that it was him—Demitrius, who had an affair with another woman after being seen in a bar with Diana Buendia a night before the wedding.

Who do you think committed an affair? Tell us what you think. Comment down below.

Nakalagay sa date na 3 years ago pa ang issue na 'to. Gusto ko sanang mag-comment ng 'Nakakaloka!'  kaso baka sabihin nila masyado na akong huli sa balita. Nasaan ba ako noong mga panahon na 'to at hindi ko man lang nabalitaan ang chismis na 'to? Tiningnan ko ulit ang date.

Aaah, ito yung mga panahong may sakit si Tatay at nawawala si Jude. Malamang, wala akong pakialam sa ganitong balita.

Tiningnan ko ang picture nina Gretchen at Demitrius na nasa gilid. Nakangiti na nakatingin si Demitrius sa babae habang nagte-text naman si Gretchen. Halata sa tingin ni Demitrius na mahal na mahal niya ang babae.

Ano kaya talaga ang tunay na nangyari? Kaya siguro naging cold blooded reptile ang guwapong 'yon dahil dito. Gumagana na naman ang pagiging tsismosa ko. Nahihiwagaan tuloy ako.

Making Deals with the Billionaire (LOB series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon