Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 4

305K 7.2K 995
                                    

Chapter 4

Gumising talaga ako nang maaga ngayon. Naligo ako at siniguradong walang libag na matitira sa kahit na anong parte ng katawan ko. Pasigurado lang, malay mo may clean detector pala si Boss. Mahirap na.

"Aga mo yata ngayon? Saka bakit parang ang ayos ng itsura mo?" tanong sa akin ni Jude paglabas ko ng kwarto. Kumakain siya ng almusal.

"May trabaho ako," proud na sabi ko sa kanya.

"At kailan ka pa nag-ayos ng sarili para sa pagdikit ng swelas ng sapatos?" Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi. Hindi ko na siya nahintay at nakatulog na ako nang dumating siya kagabi.

"Nag-resign na ako ro'n. Bago na ang trabaho ko." Napansin kong napatingin siya sa akin. Nabigla rin siguro siya dahil basta ko lang ipinasa sa email 'yong resignation letter ko. Sa day off ko na lang ipapasa ang physical letter.

"Ano'ng maayos na trabaho ang tumanggap sa 'yo maliban sa pagdikit ng sapatos?" Ngumiti ako sa kanya.

"Assistant. Hulaan mo kung saan."

"Sa tayaan ng lotto?" Binato ko siya ng pandesal na hawak ko. Nasalo naman niya at kinagat.

"Sa Crivelli Corporation," pagmamayabang ko sa kanya. Napanganga siya sa narinig. Alam ko talaga na ganyan ang magiging reaction niya.

"Crivelli Corporation?! Niloloko mo ba ako? Kailan sila nag-hiring? Kailan ka pa nagpasa ng resume roon?" Nginitian ko siya ng malapad at taas-noong sumagot.

"Nope. At take note, yung CEO mismo ang boss ko." Nag-flip pa ako ng buhok at iniwan siyang nakanganga roon.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Tatay. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog.

"Gagawin ko ang lahat gumaling lang kayo. Mahal na mahal po kita." Hinalikan ko si Tatay sa noo pagkatapos ay lumabas na ulit sa sala.

"Ate Jules, seryoso? Yung CEO ang boss mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Jude. Hindi ko siya pinansin. Tumingin ako sa orasan.

"6:30 na pala. Aalis na ako baka mahuli pa ako. Ikaw na ang bahala kay Tatay. Babush!"

Iniwan ko na ang pinsan ko na nakanganga at tulala sa akin kaya napatawa na lang ako. Ito na yata ang simula ng magandang buhay ko.




"What are you wearing?!" bungad agad sa akin ni Boss pagpasok ko sa condo unit niya.

Ano'ng masama sa maong na pantalon, blouse, at sapatos ko? Ito na ang pinakamatinong damit na meron ako. Sa sapatusan nga, halos magpambahay lang ako. Namomroblema nga ako sa isusuot ko sa mga susunod na araw tapos ganyan pa siya? Kung hindi ko lang siya boss, naku! Nakatikim na sa 'kin 'to... ng halik.

"Boss, ito na ang pinakamaayos na damit na meron ako," pagdadahilan ko. Huminga siya nang malalim at napahilot pa siya sa sentido niya.

"Get inside that room. May mga damit doon. I think there's also a corporate attire. Pumili ka at siguraduhin mong maayos ang itsura mo paglabas mo."

Napasimangot naman ako. Ano ba 'yan? Ang aga, ang sungit-sungit. Pumasok na ako sa kwartong itinuro niya kanina.

Wow! Ang ganda naman dito. Bakit kaya may pambabaeng kwarto si Boss? Halos lahat ng nandito, favorite color ko. Violet! Napatingin ako sa pinto. Hindi kaya stalker ko si Boss?

Dumeretso na ako sa isang cabinet at may nakita akong kaunting mga damit na pambabae. Kahit naman paano, alam ko ang corporate attire kaya 'yon ang hinanap ko, kaso puro bestida ang nandito.

Halos lahat naman ng nandito, mukhang disente. Kumuha na rin ako ng isang doll shoes na nakita ko at nagsimulang magbihis. Pati sa dresser, may mga gamit din ng babae gaya ng pabango, suklay, at iba pa.

"Jules!"

"Ay kabayo!" Ano ba naman 'yang si Boss kung makasigaw naman ito parang nasa mountains. Narinig ko na naman siyang tinawag ng pangalan ko. Napairap at buntonghininga ako.

"Nandiyan na po, Boss!" Nagmamadaling itinali ko na ang buhok ko pagkatapos ay lumabas ng kwarto.

"Ilang beses na kitang tinawag," iritang sabi nito habang may binabasa sa cellphone. "Ano bang pinagkakaabalahan mo sa loob at ang tagal—" Natigil siya sa pagsasalita nang humarap sa akin.

Siyempre nagpa-cute naman ako. Kaya pinagdikit ko ang mga binti ko at yumuko habang nagbu-beautiful eyes sa kanya.

"What are you doing?" kunot-noong tanong niya, pagkatapos ay umiling. "Whatever. We're heading to my office today. Keep close to me. I'm telling you, don't try to steal anything, anywhere."

Gusto ko sana sumagot ng Sir ga'no ka close?  Yung mala-John Lloyd-Sarah. Kaso ang sungit, hindi ako makasingit.

Pinagbuksan siya ni Mang Tomas ng pinto ng kotse. Pasakay na rin sana ako nang biglang nagsalita si Boss Pogi.

"What do you think you are doing?" Nalito naman ako. Kanina pa 'to tanong nang tanong sa ginagawa ko, ah. Akala ko ba sasama ako sa kanya? "Seat in front. Beside the driver," sabi nito pagkatapos ay binuksan ang laptop niya at nag-concentrate roon. Napairap ako. Sarap sakalin ng guwapong 'to.

"Musta, Kuya? Guwapo mo, ah," biro ko kay Mang Tomas. Ngumiti naman siya sa 'kin.

"Ganda mo ngayon. Parang hindi ikaw yung musmusin na kinaladkad ko kahapon," pang-aasar niya.

"Ganyan talaga ang beauty ko, paminsan-minsan lang lumilitaw. Kapag feel niya lang." Natawa naman si Mang Tomas.

"What now? Magdadaldalan na lang kayo?" Nagulat kami parehas ni Mang Tomas nang marinig ang iritang boses ni Boss.

Nagmadali namang pumunta sa driver's seat si Mang Tomas, ako naman sa passenger. Buong biyahe, may kausap si Boss sa likod gamit ang cellphone niya. Maya-maya, noong sinilip ko, nagta-type siya habang may earphone na nakasaksak sa tainga niya. Ang seryoso naman talaga ng taong 'to. Parang pasan ang mundo.

"Mang Tom," tawag ko. "Ganyan ba talaga si Boss Pogi kapag umaga? Pagkasungit-sungit? Parang laging may dalaw."

"Ganyan lang 'yang si Sir. Pero mabait talaga 'yan." Sinilip ko si Boss sa rearview mirror.

Mabait ba 'yan? Mata pa lang malamig na, kilay pa lang masungit na, kutis pa lang maarte na, at mukha pa lang pogi na. Teka, parang OP yung last na sinabi ko, ah. Hindi bale na nga, totoo naman.
Tagal-tagal pa, tumigil ang sasakyan sa isang malaking building. Halos napanganga ako dahil sa labas pa lang, halatang mayaman na ang may-ari.

Lumabas na si Boss Pogi ng sasakyan. Sumunod naman ako sa kanya. Napansin kong binati siya ng guard pero hindi man lang siya namansin. Pang-isang libong beses ko na yatang sasabihin 'to, ang sungit. Kaya ako na ang bumati kay kuya guard.

"Good morning din, Kuya." Ngumiti naman sa akin ang guard. Kumaway na ako sa guard at tumingin sa harap. Muntik pa akong mabunggo sa likod ni Boss nang bigla siyang tumigil sa harap ng reception.

"Kayla," tawag niya sa babae sa reception. "She's my temporary PA. Give her ID."

Iyon lang at nagsimula na ulit siyang maglakad. Inabot na sa akin ng babae 'yong temporary ID ko raw. May nakalagay roon sa taas na Crivelli Holdings at may logo na kagaya sa nakita ko sa labas. Sa gitna naman, may nakalagay na Employee tapos may nakasulat sa baba na Temporary ID.

Humarap ulit ako sa ateng nasa receptionist.

"Miss, may girlfriend ba 'yang si Boss?" Nagsu-survey lang ako. Tiningnan ko si Boss na may kausap na lalaki habang nakakunot ang noo. Gusto kong plantsahin ang noo niya.

"Ha? Si Sir Demitri? Wala nga, eh. Swerte mo girl!" kinikilig na sabi ng ate.

"Julian, are you coming or what?" iritadong tanong ni Boss Dem. Napatayo naman nang tuwid ang receptionist. Halatang natakot.

Swerte? Ano'ng swerte sa guwapong boss na menopausal?

"Coming, Boss!" Napatakbo ako papunta sa likod ni Boss nang magsimula siyang maglakad papunta sa elevator.

Biglang nagsilabasan lahat ng empleyado na nasa loob nang makita siya at bumati sa kanya ng good morning. As usual, seryoso lang siya. Ni hindi man lang tumango. Hmph! Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Demitrius, parang, Demonstrous. 

Pumasok na kaming dalawa sa loob. Pinagtitinginan pa ako ng ibang empleyado pero wa-care ako. Siguradong nagagandahan lang sila sa 'kin. 'Langya, tiba-tiba pala ako sa bagong boss ko. Mayaman na, pogi pa. Masungit naman. 'Yon lang.

"This table outside my office is your desk. You will update me about my schedule. In 5 minutes, tatawag ang dating secretary ko para sabihin sa 'yo ang mga dapat mong gawin." Tumingin siya sa relo niya pagkatapos sa akin. Tumango naman ako sa mga sinasabi niya. "I want my coffee on my desk in 5 minutes."

Dere-deretso siya papasok ng opisina niya. Napasimangot naman ako. Ano ba naman 'yan? Paano ko makakausap ang sekretarya niya kung nagpapatimpla siya ng kape?

Agad na tumayo ako at nagtimpla ng kape. Mabuti na lang mahilig din nito si Tatay kaya kabisado ko na. Pagkatapos ay kumatok ako ng dalawang beses. Wala akong narinig na sagot kaya sumilip ako. Busy siya sa laptop niya habang nakakunot noo na naman. Baka naman permanent na 'yon? Baka trip niyang ipa-tattoo.

Pumasok na ako at naglakad palapit sa lamesa niya.

"Sir, yung coffee niyo po." Hindi siya sumagot. Inilagay ko na lang ang kape sa lamesa niya. Agad niya naman itong kinuha at ininom. Tumingin siya sa baso. "Wala po 'yang lason."

Ngumiti ako nang matamis sa kanya pero tiningnan niya lang ako bago ibinalik ang mata sa laptop niya. Huminga ako nang malalim at naglakad paalis. Never mind.

Pag-upo ko, sakto namang tumunog ang telepono.

"Hello?"

"Hi! Ikaw ba ang temporary secretary ni Sir Demitrius?" Ang bait ng boses na nagsasalita sa kabilang linya at ang lambing.

"Ako nga! Ikaw yung orig na secretary niya? Naku, mabuti na lang hindi ka eksatong limang minuto tumawag baka hindi ko nasagot tawag mo." Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

"Alam ko kasing adik si Sir sa five minutes. 'Yon lang palagi ang palugit niya. Ako nga pala si Lia."

Sinabi na sa akin ni Lia ang mga dapat at hindi ko dapat gawin sa opisina. Gaya ng dapat daw 15 minutes bago ang naka-schedule ni Boss na meeting, sinasabihan ko na siya. Eh kung 5 minutes lang kaya? Tutal atat siya sa five minutes.

"Okay, salamat, Lia. Naku, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko roon kay Boss Demonyo." Tumawa siya.

"Mabait naman minsan si Sir sa mga empleyado at ia pa, mataas siyang magpasahod. Kadalasan nga lang, masungit."

"Mabait?" Tumingin ako sa pinto ng opisina niya. "Hindi halata. Parang walang kabait-bait sa taong 'yon. Kuripot pa."

"Pero aminin mo, ang guwapo niya, 'no?" Ako naman ang natawa sa kanya.

"Oo na, guwapo na. Pero masama naman ugali."

"'Pag nakilala mo siya, mabait siya, promise. O, sige na. May meeting si Sir ng nine ngayon at saka kailangan na ako ng kapatid ko. Good luck."

"Salamat. Lia, magiging okay rin ang lahat."

"Thanks, Jules." Halata ang lungkot sa boses niya nang sinabi niya 'yon. Ibinaba na namin ang telepono.

Naikwento kasi sa akin ni Lia na may sakit ang kapatid niya. Kidney cancer stage 3, kaya kinakailangan niyang bantayan ito. 'Yon din ang hiling ng kapatid niya, na makasama ang kapatid niya sa mga huli nitong araw dahil tanggap na raw nito na hindi na siya gagaling.

Naalala ko si Tatay noong lumala ang sakit niya. Hay! Tumingin ako sa relo. 15 minutes na lang , nine na. Tumayo na ako. Kailangan ko nang ipaalala kay Boss Demonster ang meeting niya.

Making Deals with the Billionaire (LOB series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon