Chapter 5
Maaga akong nag-ayos upang ipagluto ng breakfast ang amo kong masungit na pinaglihi yata sa sama ng loob.
Kinuha ko ang China phone ko at nagsaksak sa tainga ko ng earphones at nagpatugtog ng kanta ni Beyoncé para naman ganahan ako. Kumuha na ako ng itlog at hotdog sa ref at nagluto. Nagtimpla na rin ako ng kape dahil nalaman ko rin na adik pala sa kape si Boss Demitri. Maya-maya lang, narinig ko na ang pagbukas ng pintuan ng kwarto niya. Tamang-tama at kakatapos ko lang mag-ayos ng lamesa.
"Good morning, Bo—woah." Nag-malfunction yata ang lahat ng body organs at neurons ko dahil sa nakita ko. Oh my goodness! Napaka-yummy naman ng agahan na alay sa akin ni Boss.
"'Yang laway mo tumutulo." Agad naman akong natauhan sa sinabi ni Sir at nagpunas ng bibig ko. Wala naman, eh.
"Si Boss talaga feelingero din," sabi ko sa kanya habang inaabot ang kape. Bigla naman niya akong tiningnan nang masama kaya nginitian ko na lang siya.
As usual, nauna na siyang kumain pagkatapos ay naligo. Kaya naman kagaya rin ng lagi kong ginagawa, binilisan ko ang pagkain. Pagkatapos ay inayos ko na ang mga ginamit sa pagkain pagkatapos ay naligo na rin ako. Mabuti na lang parang babae si Sir sa pag-ayos ng sarili kaya nahahabol ko pa rin siya sa pagligo. Grabeng libag siguro ang meron siya kaya matagal maligo. Biro lang. Pambawi ko lang sa kanya dahil hindi pa ako nabusog sa almusal dahil sa kanya. Napapagastos tuloy ako sa snacks sa canteen. Kainis na lalaki 'to.
Nag-shopping na rin ako noong nakaraang araw ng dalawang itim na slacks at tatlong blouse na pang-opisina. Bumili rin ako ng itim na sapatos na may takong pero 2 inches lang. Hindi ko keri ang mga gaya sa ibang nasa opisina na 4 inches. Halos magkandadapa naman. Nagpasama ako sa pinsan kong si Jude. Nailibre ko pa tuloy siya ng isang McFlurry tapos sa akin yung ube ice cream in cone lang. Sayang sa pera, eh.
Pagdating namin sa opisina, kaliwa't kanan ang utos sa 'kin ni boss. Dapat talaga mahaba ang pasensya mo sa taong 'to dahil kung hindi, baka itinapon mo na at sinunog ang lahat ng papeles na nandito at saka magsabi kay Boss ng "I quit!" with matching walk out effect pa.
May mga mababait din namang empleyado rito na nakikingiti sa akin. Meron ding mga insecure sa kagandahan ko kaya naman palaging nakataas ang kilay. Pero pake ko ba sa kanila.
Iniisip ko na lang na hindi para sa akin ang pagtrabaho ko rito kundi para sa Tatay at sa pinsan kong si Jude. Kumpara sa pagtatrabaho ko sa sapatusan—na walang kwenta, dito na lang kahit mala-impyerno. Hindi na nakabalik yung totoong sekretarya ni Boss kaya feeling ko—feeling ko lang naman—permanent na talaga 'to. Itinadhana na ang bituka ko na maging katulong ng Demonstrous na 'to.
"Jules, Tomas wants to talk to you. Tatanungin ka yata niya tungkol sa sinanglaan mo ng mga ninakaw mo sa 'kin noon. Go." 'Yon lang ang sinabi ni Boss pero hindi siya sa 'kin nakatingin. Ganyan siya palagi, ayaw niya yatang nasisilayan ang ganda ko dahil baka mabighani pa siya. For sure, basted 'to sa 'kin.
Nakita ko naman si Mang Tomas sa waiting area malapit sa lamesa ko. Pwede naman palang puntahan na lang ako ni Mang Tomas bakit kailangan pa akong kausapin ni Boss? Sabi na eh, may HD 'yon sa 'kin. Hay! Sorry na lang siya, hindi ko type ang masusungit.
"Hoy!" Bigla naman akong binatukan ni Mang Tomas.
"Mang Tomas naman, eh. Kung makabatok ka riyan. Babae ako, o. I'm a lady, ya know."
"Ayos lang 'yan. Sa tigas ba naman ng ulo mo, hindi tatalab ang pambabatok ko sa 'yo." Inirapan ko na lang siya. Sa lahat talaga, si Mang Tomas ang pinakanaging close ko dahil siya rin ang pinakabata sa kanilang tatlo.
"Ano ba kasing mga itatanong mo sa akin? Kay aga-aga, pineperwisyo mo ako." Tinawanan naman niya ako. Alam niya kasing nagbibiro lang ako.
"Itatanong ko lang sana kung saang banda yung sanglaan na sinanglaan mo ng mga ninakaw mo kay Sir noon at kung magkano mo binenta." Napaisip naman ako.
"Ang natatandaan ko lang ay sa may bandang eskenita ng eskenita sa eskenita. Tapos paliko sa kalyeng may palikuan at may susuksukan—aray naman! Mang Tomas, nakakadalawa ka na." Umamba ako na susuntukin si Mang Tomas pero inirapan niya lang ako.
"Umayos ka kasi. Papahalikan kita kay Sir Demitri, sige ka." Tumingin siya sa 'kin nang nakakaloko. Napangiwi naman ako.
"Nge? Kadiri ka. Hindi ko na matandaan, e. Basta ang alam ko lang, may kalbo rin doon. Teka, aalalahanin ko." Napahawak naman si Mang Tomas sa buhok niya—este sa ulo niya. Wala pala siyang buhok.
"Umayos ka talagang bata ka." Itinaas ko ang isang palad ko sa harap sa niya.
"Sandali nga, nag-iisip ako. Parang Sanglaan ni Kalbo yata 'yon, eh." Nag-poker face naman sa 'kin si Mang Tomas. Natawa naman ako sa itsura niya. Parehas lang naman kaming may trust issues sa isa't isa dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala na kaming ibang ginawa kundi ang mag-asaran. "Seryoso kasi ako."
"Talaga? Hindi mo ko inaasar?" Mas lalo akong natawa pero iniling ko ang ulo ko.
"Seryoso nga kasi. Sanglaan ni Kalbo ang pangalan. Naibenta ko 'yon ng 350,000 Pesos." Biglang nabilaukan yata siya ng sarili niyang laway nang marinig ang sinabi ko.
"Anak ng tinapa! 350,000 lang? Juskong bata ka. Ang gano'ng alahas, milyon ang halaga!"
"Eh, malay ko. Matindi pangangailangan ko noong mga panahong 'yon. Wala na akong pakialam sa halaga ng isang bagay." Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang maalala ang madilim na parte ng buhay ko. "May ibang mas mahalaga sa 'kin na kailangan kong pagtuunan ng pansin noong mga panahong 'yon."
Parang nainitindihan naman ako ni Mang Tomas kaya nagpaalam na siya sa 'kin at sinabing hahanapin daw muna niya ang sinabi kong sanglaan at mag-iimbestiga.
Sana mahanap na nila ang singsing. Sana gumaling na ang tatay ko. Sana makapagtapos na ng pag-aaral si Jude. At sana mawala na ang kasungitan ng amo kong unggoy. Yung huli, mukhang imposible. Hindi bale na nga, hindi naman ako habambuhay na magtitiis sa ugali niya.
BINABASA MO ANG
Making Deals with the Billionaire (LOB series #1)
Fiksi UmumLeague of Billionaire series #1 Breadwinner Julian Tezan gets the biggest twist of her life when she unexpectedly crosses paths again with billionaire Demitrius Crivelli, the guy she robbed three years ago. *** Willing to do everything for her famil...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte