Chapter 1: Relationships

9.6K 147 9
                                    

FNGT (Book 4): TAMING MR

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FNGT (Book 4): TAMING MR. PERFECT

PART 1: IRREPLACEABLE BONDS

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

CHAPTER 1

RELATIONSHIPS

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

NAGISING si Crystal dahil sa ingay ng alarm clock. Inabot n'ya ito mula sa side table at pinatay. Nagkukusot ng mata niyang tiningnan ang oras, alas-otso pa lamang ng umaga.

Napabuntong hininga s'ya. Nakalimutan n'yang tanggalin ang alarm ngayong araw dahil kanselado ang pasok niya sa unibersidad. Mas matagal at masarap sana ang kanyang tulog kung hindi n'ya nakalimutan iyon.

Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap sa kanyang baywang at napangiti. Ibinalik niya ang kanyang cellphone sa mesa at lumingon sa kasama.

Pikit pa ang kanyang kasama at magulo ang itim na buhok nito. Kita n'ya ang haba ng pilik mata nito, matangos na ilong at manipis at mapula na labi.

It is her beloved fiancée, Quel Ymannuel "Eman" Fuentes, 21, hugging her close. Si Ymannuel ang kasintahan at fiancé n'ya simula noong bata pa sila. They've been together for years and are still going strong... to the point that they're living together in the States.

"Baby, you should wake up already. May klase ka pa." She shook his shoulder even knowing that he's awake already.

"Mmmm..." Mas inilapit ng binata ang dalaga sa kanyang katawan at isiniksik ang ulo sa may leeg nito.

Dahil sa sobrang lapit, naaamoy ni Crystal ang mabangong kasintahan. She could feel him up close. Nakasando at boxer shorts si Ymannuel samantalang naka-bistida naman siya.

Hindi na naalis ang ngiti ni Crystal. Naglalambing na naman ang binata. Niyakap niya rin ito at hinaplos haplos ang malambot at makintab nitong buhok. M

"Quely talaga. Male-late ka ulet n'yan. Sesermunan ka nina Prof Jackson."

"Hayaan mo sila, babe. I just want to stay here," antok na antok na bulong ni Ymannuel habang mariin ang pikit ng mga mata.

"Oo na po, Mr Fuentes."

Ipinikit ni Crystal ang kanyang mga mata habang patuloy sa paghaplos sa buhok ng kasintahan.

It's been a long time.

Four years old pa lamang siya noong nakilala niya si Ymannuel sa kinder. Busy kasi sa trabaho ang mga magulang n'ya sa ibang bansa kaya iniiwan doon kahit ito ang pinakabata. At dahil pinakabata, hindi s'ya ang gustong kalaro ng iba dahil iyakin daw ito.

FNGT 4: Taming Mr. Perfect [COMPLETED/REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon