Chapter 23: Angel

1.2K 58 4
                                    

This chapter is dedicated to leeminhoaddict!! Thank you for your support! 😊😊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This chapter is dedicated to leeminhoaddict!! Thank you for your support! 😊😊

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 23

ANGEL

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

HABANG tinatahak ni Crystal ang daan patungo sa building nina Ymannuel ay kumakain siya ng kanyang paboritong caramel lollies. She really loves the mixture of sweet and salty on her mouth.

Lumiko siya sa pasilyo at malapit na siya sa building. Doon nila napagkasunduang magtatagpo upang dumiretso sa ospital para sa kanyang check-up. Malapit lamang din ang pinaradahan ng sasakyan.

Hindi naman naging matagal ang kanyang paghihintay. Maraming estudyante na ang nagsisilabasan sa pintuan. May kanya-kanyang mundo. Pero nang lumabas na si Ymannuel ay pinagkakatinginan na ng ibang kababaihan at maging pusong babae.

Ymannuel was walking casually. Wearing his casuals, aakalain na isa siyang modelo. Hindi maiikaila ang kagwapuhan ng binata. At kung tutuusin ay maganda ang pamilya ni Ymannuel kaya't minsan ay nai-insecure ang dalaga kahit na pinaalalahanan na siya ni Ymannuel na hindi nito kailangang maramdaman ang ganoon.

Siguro noon ay makakaramdam si Crystal ng selos. Ngunit sa tagal na ng kanilang relasyon ay hindi na siya ganoon kadali magselos.

"Baby," pagtawag ni Ymannuel at nag-jogging palapit sa kanya.

Binigyan niya ng isang halik ang labi niya bago sa noo. Madalas ay sa noo labi lamang ang iginagawad na halik ng binata pero ma dumalas na ang paghalik nito sa kanyang noo. Nonetheless, she felt important. She felt loved.

"Kumusta ang klase?" Nakangiti niyang tanong na hindi iniisip ang ibang tao sa paligid nila na iba-iba ang tingin na ibinabato sa kanilang direksyon— inggit, selos, saya, at kung anu-ano pa. Basta para kay Crystal ay si Ymannuel ang mahalaga.

"Okay lang naman," nakangiti niyang sagot.

"Crystal!"

Napalingon si Crystal wa pinagmulan ng boses at nakita ang isang pamilyar na babae. Napa-isip siya at agad naalala ang pangalan ng babae na kanyang nakilala sa rooftop ng ospital ilang araw na ang nakakalipas.

"Angel, right?" Nakangiting tanong ni Crystal sa dalagang nakatayo na sa kanilang harapan.

"Oo! It's nice to see you!" Masaya nitong sagot.

"'By, si Angel. Na-meet ko s'ya sa Pinas nung na-discharge ako."

"Angel nga pala," inilahad nito ang kanamg kamay upang makipagkamay sa binata.

FNGT 4: Taming Mr. Perfect [COMPLETED/REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon