♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 34
IN THE WRONG
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
"NABABALIW ka na, Angel," hindi mapigilang sabihin ni Angel sa kaniyang sarili.
It has been a little over a month since the nice dinner with Ymannuel. Away from university stress and away from the momentary sadness and pain.
Mariin niyang tinitigan ang repleksyon. Lumilipad ang kanyang isipan sa kung ano-anong mga bagay. But it was mostly occupied with thoughts about Ymannuel and Crystal.
Ilang beses na niyang pinagmasdan si Ymannuel habang pinupunasan ang mala-porselanang kutis ng minamahal. His eyes were showering her with love and respect. He was waiting for her.
Crystal is beautiful and a loving person. Hindi na nakapagtataka kung bakit marami itong kaibigan. She was the sunshine, not only of his life, but of everyone who knows her.
At mula sa couch na parati niyang inuupuan, saksi siya kung gaano kamahal at kaimportante ni Crystal kay Ymannuel. And even though she knew she shouldn't, she was starting to bore feelings for him.
Alam niyang mali. Alam niyang bawal. But staying beside them was both pleasure and torture at the same time. Masaya siya na kasama ang unang mga naging kaibigan niya pero nasasaktan siya dahil naaalala niyang may nararamdaman siya kay Ymannuel.
Alam ni Angel na may choice siya na umalis. She could do it anytime pero mas pinili niyang huwag umalis. Of all the time in the world, ngayon mas kailangan ni Ymannuel ng kasama. Oo, naro'n ang mga magulang ng binata at iba nilang mga kaibigan ngunit may oras lang na maaari silang makadalawa. Samantalang parati siyang nakabibisita ro'n dahil na rin sa isa siyang med student.
Umilaw ang kanyang cellphone at nakita niyang may mensaheng dumating. Sinilip niya ito at galing sa iba niyang kaklase na nagyayang mag-clubbing sila. It'd be the first time for her.
Sinilip niyang muli ang sarili sa salamin. Naka-suot siya ng itim na bodycon dress at heels. Kinulot rin niya ang kanyang buhok na unti-unti na ring humahaba. Nang masiguradong ayos na ay kinuha niya ang clutch bag at lumabas na ng boarding room.
Sa tuwing naaalala niya na nakatulog siya sa hotel ng mga Fuentes noon ay napangi-ngiti siya. Matagal na siyang nakalipat sa boarding house pero bahagi na ng kanyang alaala ang pag-stay ro'n na hindi niya talaga inaasahang mangyayari... all because she became friends with Crystal.
Matapos mag-ayos ay lumabas na si Angel ng boarding house at kinita na ang mga kaklase para pumunta sila sa Knights at magpakasaya. For once, she wanted to forget about her feelings for Ymannuel... feelings that should have never existed.
BINABASA MO ANG
FNGT 4: Taming Mr. Perfect [COMPLETED/REVISING]
RomanceEngaged lovers Ymannuel Dominique Fuentes and Crystal Amethyst Rodriguez have been together for more than a decade. But is their relationship strong enough to withstand the test of life? FKA Taming the Guy That She Owns (2019) ---------- From a...