[T H I R D P E R S O N]
"Yung mga kabibe at iba pang mga pagkain, nakahanda na ba?" tanong ni Haring Sharkano sa isa sa mga sirenang naatasang maghanda sa gaganaping piging ng kaharian.
"Tapos na po at nailagay na po namin sa mesa, mahal na hari." sagot naman ng sirena sabay yuko bilang pagbigay-galang sa mahal na hari at umalis. Matiim namang tinignan ng hari ang pagdadaosan ng piging kung maganda at maayos na ba ito.
"Aking mahal, wag ka munang mag-alala tungkol sa piging dahil alam kung magagawa at maaayos iyan ng ating mga naatasang sirena." paunlak ng reyna sa hari habang lumalangoy ito papalapit sa kinaroroonan ng kanyang asawa.
"Sinisigurado ko lang na maganda at maayos ang gaganaping piging na ito, dahil dito idadaos ang paghahalal ng mga bagong pinuno para sa iba't-ibang mga distrito at mamimili ako sa isa sa mga anak natin upang mamuno sa buong oceana." mahabang litanya ng hari sabay yakap sa kanyang asawa.
"Sana mapili nila ang tamang pinuno sa iba't-ibang mga distrito. At sana mapili mo ang tamang pinuno para sa Oceana. Halika na't maghahanda pa tayo para sa ating susuotin."litanya ng reyna at hinila ang hari papunta sa kanilang kwarto upang maghanda para sa piging.
[O N T H E O T H E R S I D E]
"Nalalapit na ang piging." tili ni Prinsesa Ana (Anastasia) habang sinusuklay ang kanyang kulay dilaw na buhok. Napatakip naman sa tenga sina Prinsesa Arkisha at Agatha habang napalangoy naman papalayo ang mga isdang sanay lalapit kay Prinsesa Arianna.
"ANA/ATE ANA!!" sabay na sigaw ng tatlong Prinsesa at pinandilatan pa ng mata ang Prinsesa Ana na ngayo'y nakatakip na din sa tenga nya dahil sa sigaw ng mga kapatid.
"Paumanhin." panghihingi nya ng paumanhin sa kanyang mga kapatid sabay ngiti ng pilit. Hindi naman sya pinansin ng mga ito at pinagpatuloy ang kani-kanilang mga ginagawa.
Tahimik na ang buong silid ng biglang napabuntong hininga si Prinsesa Agatha. Nakapukaw naman ito ng atensyon sa mga kapatid na ngayo'y napahinto sa kanilang mga ginagawa at nagsilapitan kay Prinsesa Agatha.
"Bakit? Ano bang problema Agatha?" Nag-aalalang tanong ng nakatatandang kapatid na si Prinsesa Arkisha. Sumang-ayon naman ang natitirang dalawang kapatid.
"Wala. Wag nyo na akong pansinin. Mag-ayos nalang tayo dahil malapit nang magsimula ang piging, baka mahuli pa tayo."depensa naman ni Prinsesa Agatha at wari'y ngumiti ng peke. Napanatag naman ang loob ng kanyang mga kapatid at nagsibalikan na sa kani-kanilang mga ginagawa.
Ang totoo'y may naramdaman si Prinsesa Agatha na masamang mangyayari sa gaganaping piging. Ang nasabing piging ay para sa mga reyna at hari ng iba'-ibang mga distrito. (Distrito ng Timog, ang Distrito ng mga Hayop. Distrito ng Kanluran, ang Distrito ng mga Sirenang tagapagbantay at tagapangalaga ng Perlas. Distrito ng Silangan, ang Distrito ng mga Sirenang Tagapangalaga at Tagapagbantay ng Korales. At ang huli, ang kaharian ng Oceana, ang kabisera ng dagat. Sakop nito ang Tatlong nasabing distrito at ito ay nasa hilaga ng dagat.)
[A G A T H A]
Bakit ba kinakabahan ako? May masama kayang mangyayari? Wag naman sana.
Papasok na kami sa pinto ng pinagdausang piging dito sa loob ng kaharian. Nakasuot kami ng mga eleganteng mga kasuotang pang-prinsesa na gawa ni Ana dahil sa tulong ng kanyang mga perlas.
Nakapasok na kami sa loob ng bulwagan at tumambad sa amin ang napakaraming mga sirena at mga isdang nagsidalo mula sa iba't ibang distrito. Lahat sila'y nakangiti sa amin ng matamis at biglang nahati ang daan at animo'y pinapadaan nila kami.
"Maligayang araw mga prinsesa!"
"Ito na ang pinakahihintay nyong araw, mga Prinsesa."
"Ang gaganda nyo sa mga suot nyo."
"Sana'y gamitin nyo sa tama ang inyong makukuhang kapangyarihan." Yan ang nga bati samin ng mga isda't sirena bawat lagpas namin sa kanila. Pawang lumambot naman ang puso ko sa mga narinig ko galing sa kanila. Ang saya pala ng ganitong pakiramdam, na tinatanggap ka nila ng buong-buo.
[A R I A N N A]
Lumangoy na kami papunta kina ama at ina. Niyakap naman nila kami at sabay hinalikan sa pisngi.
"Masaya ako para sa inyo mga anak."maluha luhang pahayag ni ina at lumangoy naman si ama papunta sa gitna.
"Aking mga nasasakupang mga nilalang ng dagat. Ito na ang ating pinakahihintay sa lahat, ang muling maghalal o maglagak ng mga bagong pinuno ng ating iba't ibang mga distrito."pahayag ni ama at napahiyaw naman ang lahat ng mga sirena't isda.
"Unahin natin ang Distrito ng Timog, ang Distrito ng mga Hayop."pahayag ni ama at lumangoy naman papuntang gitna ang isang Dolphin na kulay berde at may suot itong kulay berde din na korona.
"Ako si Dolpina. Ang reyna ng Distrito ng Timog, at ang ilalagak ko sa aking pwesto upang pangalagaan at pamunuan ng maayos ang Distrito ng mga hayop ay walang iba kundi si Prinsesa Arianna."pahayag ni Reyna Dolpina at pumalakpak naman sa tuwa ang mga isda pati na rin ang mga sirena.
Lumangoy ako papuntang gitna at ngumiti ako kay Reyna Dolpina.
"Maraming salamat po sa pagpili sakin."pagpapasalamat ko sa reyna at ngumiti naman sya sa akin.
"Walang anuman, mahal na prinsesa. Alam ko, alam ng aking mga nasasakupang mga isda at alam mo na ikaw ang nararapat sa trono upang pamahalaan ang lahi ng mga hayop na nabubuhay dito sa tubig."mahabang litanya ng reyna at napayakap naman ako sa kanya. Matapos ang yakapan,may inilagay sya sa ulo ko na isang kulay berdeng suklay. Otomatikong naging korona ang suklay at nagbago ang aking kasuotan na para talaga akong reyna.
"Ang bagong reyna ng Distrito ng mga Hayop." Pahayag ni Reyna Dolpina at itinaas pa ang kanang kamay ko. Naghiyawan at pumalakpak naman ang lahat ng naririto pati na ang aking pamilya.
Bumalik naman ako sa inuupuan ko kanina at binulongan naman ako ni Ate Ana. "Yiieh! Reyna na ang bunso namin." bulong nya at sinundot sundot pa ang tagiliran ko. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa inasal ng kapatid ko.
[A N A S T A S I A]
"Ang pangalawa naman ay ang Distrito ng Kanluran. Ang Distrito ng mga Sirenang tagapangalaga at tagabantay ng perlas." pahayag ni ama at nagsipalakpakan naman ang lahat ng nandirito.
May lumangoy naman papuntang gitna na isang sirena. Napakaganda nya at napapalibutan ang kanyang katawan at buntot ng perlas.
"Ako si Reyna Perla. Ang Reyna ng Distrito ng Kanluran, ang Distrito ng mga Sirenang Tagapagbantay at Tagapangalaga ng mga Perlas. Ito na ang aking pinakahihintay sa lahat, ang maghalal uli upang pangalagaan ang aking mga nasasakupang mga sirena at lalo na ang mga perlas. At ang pinipili ko ay si Prinsesa Anastasia." pahayag ng reyna at napatingin pa sa gawi ko at ngumiti.
Para naman akong bangag at lutang na lumapit sa gitna, ang pinapangarap kung maging Reyna ng Kanluran ay natupad na.
"Maraming salamat po, mahal na reyna." maluha luhang sabi ko at napayakap pa sa kanya.
"Ikaw ang nararapat para sa tronong ito, iha." nakangiting sagot ng reyna at may inilagay sya sa kamay ko na isang pulseras na perlas. Otomatiko itong lumipat sa ulunan ko at naging isang korona. Nagbago din ang aking kasuotan at napapalibutan ako ng mga perlas.
"Ang bagong Reyna ng Distrito ng Kanluran."pahayag ng reyna at itinaas pa ang kaliwang kamay ko. Napahiyaw naman ang mga sirena ng Kanluran dahil may bago na silang reyna. Jusq, nakakahiya.
YOU ARE READING
Mermaid: The Land Adventure
FantasyMermaid: The Land Adventure -------------- In just a blink of an eye, me and my sisters as a mermaid turned into human. Our beautiful tail turned into some sort of a human's feet. Just wow! Right? And also in just a blink of an eye as easy as 123. O...