[A G A T H A]"Ang pangatlo naman ay ang Distrito ng Silangan. Ang Distrito ng mga Sirenang tagapangalaga at tagapagbantay ng ating mga Korales."pahayag ni ama at nagsipalakpakan naman ang lahat ng mga nandirito.
May lumangoy naman na isang sireno papuntang gitna, maskulado at gwapo ito. Ang kanyang buhok at buntot ay kulay kahel kagaya ng akin ngunit ang sa kanya ay mala-elegante at mapapansin mo talagang sya'y hari at napapalibutan din ang kanyang buntot at katawan ng samu't saring mga korales ng dagat.
"Ako si Haring Irvin ng Distrito ng Silangan. Ang Distrito ng mga Sirenang tagapangalaga at tagapagbantay ng mga Korales. Ito na siguro ang araw upang maghalal na naman ng bagong pinuno upang pamunuan ang Distrito ng Silangan. At ang pipiliin ko upang umupo sa aking trono at pamahalaan ang Distrito ng Silangan ay walang iba kundi si Prinsesa Agatha."naghiyawan naman ang mga sirena ng distrito ng silangan, parang ipinapahiwatig nila na nagugustuhan nila ako bilang reyna nila.
Lumangoy naman ako papuntang gitna at binati si Haring Irvin. May inilagay naman syang kwentas sa leeg ko. Otomatikong lumiwanag ang kwentas at naging korona ito at pumunta sa ulunan ko. Napalitan din ang kasuotan ko. Ang buntot at katawan ko ay napapalibutan ng mga korales. Para na talaga akong reyna!
"Ang bagong reyna ng Distrito ng Silangan."pahayag ni Haring Irvin at itinaas pa ang kanang kamay ko kagaya ng ginawa kina Arianna. Nagsipalakpakan at naghiyawan ang mga sirena ng Silangan pati na ang taga-ibang distrito ay nakipalakpak na din.
[A R K I S H A]
"Ito na ang pinakahihintay natin sa lahat. Ang maghalal uli ng bagong pinuno ng buong oceana. Upang mapangalagaan hindi lang ang mga nasasakupang mga sireno't sirena kundi pati na rin ang dagat. Yung pinunong hindi lang sarili ang iniintindi kundi ang kanyang mga nasasakupan, yung pinunong kayang ibuwis ang kanyang buhay upang maprotektahan ang buong dagat at ang lahi ng mga sirena." mahabang pahayag ni ama at nagsipalakpakan naman ang lahat ng mga nagsidalo. Napatingin sa gawi ko si ama at ngumiting may ipinapahiwatig. Kumunot naman ang noo ko dahil sa tinuran ni ama.
"Upang ipagpatuloy na ang aking nasimulan, ang aking ilalagak upang maging bagong pinuno ng Oceana ay walang iba kundi ang aking nakatatandang anak na si Prinsesa Arkisha." litanya ni ama at lahat ng nandito ay napapalakpak at napangiti dahil sa pasya ni ama.
Lumangoy naman ako papunta sa gitna at nginitian si ama. "Salamat sa pagpili sakin ama."maluha-luhang sabi ko at napayakap sa kanya. Lumapit naman sina ina at ang mga kapatid ko at nakiyakap na din.
Pagkatapos ng aming yakapan, may inilagay si ama sa daliri ko na isang singsing. Kulay asul ito na napapalamutian ng mga maliliit at kulay asul din na mga perlas. Otomatiko itong umilaw at nagliwanag. Lumipat ito sa ulunan ko at naging kulay asul na korona. Nag-iba din ang kasuotan ko.
"Ang bagong reyna ng Oceana."pahayag ni ama at itinaas ang kaliwang kamay ko. Nagsihiyawan naman ang lahat ng mga sirena't sireno, pati na ang mga isda.
[S T I L L A R K I S H A]
Nagkakasiyahan ang lahat matapos ang koronasyon. May mga nagsasayaw sa gitna at may mga kumakanta, may mga lumalamon naman sa may gilid.
Busy ako sa pakikipag-usap sa aking ama tungkol daw sa aking pagiging reyna at ang pamumuno sa Oceana.
Napatingin naman ako sa gawi ng mga kapatid ko. Si Agatha ay nasa may sulok lang, malalim ang iniisip na wari'y may masamang mangyayari anumang oras. Si Anastasia naman ay busy sa pakikipaglampungan sa mga sireno, haay! Ano pa bang maaasahan natin sa babaeng yan. Si Arianna naman ay nakikipaglaro sa kanyang alagang isda na si dolly.
YOU ARE READING
Mermaid: The Land Adventure
FantasyMermaid: The Land Adventure -------------- In just a blink of an eye, me and my sisters as a mermaid turned into human. Our beautiful tail turned into some sort of a human's feet. Just wow! Right? And also in just a blink of an eye as easy as 123. O...