[A R K I S H A]Pagkalabas ko mula sa pisteng bahay na yun ay napag-isipan kung maglakad-lakad muna sa may dalampasigan.
Pinagsisipa ko naman ang bawat maapakan ko habang naglalakad ako. Arggh! Nakakainis sila, pinagkakaisahan nila ako! Bwesit kasi ang travis na yon!
Padabog naman akong umupo sa isang patay na kahoy malapit sa dalampasigan. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar. Bakit parang pamilyar ang lugar na ito. Bigla kong naalala ang lalaking iyon, atsaka bakit parang magkamukha sila ni Travis.
[F L A S H B A C K]
Minsan kasi ay umaahon ako sa dagat, pangarap ko kasing makaapak man lang sa lupa. Noong araw na iyon ay umahon ako sa dagat at may nakita akong isang napakalaking bagay na nakalutang sa dagat at ang tawag nang mga tao dito ay yati.
Sa yati ay may isang lalaki at babae, para silang magkasintahan dahil ang lagkit ng tinginan nila at nagsusubuan pa sila. Minsan ay naririnig ko silang nagsasalita ng English kaya pinagpraktisan ko ito kaya kahit papaano ay may alam akong mga salita ng mga tao kagaya ng I love you at iba pa dahil sa tulong nila.
Araw-araw na akong umaahon sa dagat para makita sila, pero nung araw na yon ay alam ko na may paparating na bagyo pero umahon parin ako. Pag-ahon ko, natamaan ng kidlat ang yati at nahati ito. Sa isang parte ay yung babae, wala na itong malay at unti unti na itong lumulubog. Sa isang parte naman ay ang lalaki na wala na ding malay, agad ko syang sinalo bago paman sya mahulog sa yati.
Agad ko syang dinala sa may dalampasigan. Pagkarating namin sa may dalampasigan ay ihiniga ko sya, pinagmasdan ko muli ang kanyang maamong mukha. Naalerto ako ng umungol at gumalaw sya. Pero bago paman ako makalangoy pabalik sa dagat ay nagsalita sya. Ang mga katagang kanyang binitawan, para nitong dinurog ang aking puso. "I love you Irene!" Pinahidan ko ang mga luhang tumakas sa pisngi ko, bakit ba ako umiiyak. Mahal ko na ba sya?
Lumangoy ako pabalik sa dagat ng hindi man lang tinapunan ng tingin yung lalaki. Mula noon, ay hindi na ako umahon pang muli sa dagat at wala na akong balita tungkol sa lalaki kung okay na ba sya. Mas mabuti na rin iyon para makakimutan ko na itong nararamdaman ko!
[E N D O F F L A S H B A C K]
Di ko namalayang umiiyak na pala ako, pinahidan ko muna ang luhang tumakas sa pisngi ko at kumuha ako ng maliit na bato at ibinato iyon sa dagat. Pagbato ko, may napansin akong kumikinang sa may palasingsingan ko. Kumikinang ito dahil natatamaan ito ng konting sikat ng araw, palubog na kasi ang araw kaya medyo madilim na sa kinaroroonan ko.
Tinignan ko ng mabuti ang bagay na nasa palasingsingan ko. Napasinghap naman ako ng mapagtanto ko kung ano iyon, hindi nga ako nagkakamali! Ang bagay na nasa may daliri ko ay ang singsing na bigay sakin ni ama noong koronasyon. Nandoon pa rin sa singsing ang kagandahan nito, kulay asul pa rin ito na napapalamutian ng mga kulay asul at maliliit na mga perlas. Kay gandang pagmasdan!
Kumusta na kaya sina ama't ina, sana nasa maayos na kalagayan sila.
May napansin naman akong may gumagalaw sa dagat di-kalayuan sa kinaroroonan ko. Nanginginig akong lumapit doon sa may gumagalaw. Habang papalapit ako, mas lalo ko itong naaninagan, patalon-talon ito sa dagat na parang gusto nitong lumapit ako dito. Huminto ako sa may malapit sa may tubig. Mas okay na yung malayo ako sa tubig, ayokong mabasa yung paa ko at baka anytime ay maging sirena ako. Lumangoy naman yung bagay na patalon-talon kanina. Papalapit ito sa kinaroroonan ko at bigla itong nagsalita.
"Reyna Arkisha."masayang bati sakin ni dolly at iniluwa nang tubig ang nakangiti nyang mukha. Oo, si dolly lang naman yung gumagalaw sa may tubig, akala ko kung sino na. Si dolly ay ang kaibigang isda ni Arianna. Isa syang Clown Fish at lolo nya si Nemo. Yeah! Sikat ang pamilya nila sa buong Oceana dahil isang Hollywood Actor ang kanyang lolo at nasa dugo na nila ang pagiging artista. Ewan ko lang kay dolly?
"Bakit dolly, anong problema? Atsaka kumusta ang Oceana."tanong ko rito at ang kanina'y nakangiti nyang mukha ay naging malungkot. Kinakabahan ako sa kanyang isasagot.
"Ikinalulungkot ko Mahal na Reyna. Pero tuluyan nang nasakop ni Iceana ang buong Oceana, ang lahat ng mga sirenang hindi naging yelo ay ginawa nitong mga alipin mapa-bata man o matanda. Sya ngayon ang namumuno sa Oceana at ang tatlo nyang mga alipores ang humalili sa kanya at naging Reyna ang mga ito ng Timog, Silangan at Kanluran."mahihimigan sa boses ni dolly ang pagkalungkot sa sinapit ng Oceana. Napakuyom naman ako ng aking kamao, babalik ako balang araw at ililigtas at ibabangon ko ulit ang Oceana.
"Bakit ka napunta rito dolly? Nakatakas ka ba? Hindi ka ba pinahirapan ni Iceana?"pag-iiba ko ng topic. Hindi ko na kasi kayang marinig pa ang tungkol sa Oceana at kung paano ito bumagsak sa mga kamay ko. Wala man lang akong nagawa bilang reyna nila.
"Ikinulong nya ang lahat ng mga nasa palasyo na hindi naging yelo. Nakatakas ako mula sa pagkakakulong, hinabol ako ng mga kawal ni Iceana at nasugatan ako pero di nila ako naabutan."mahabang litanya nito at bakas sa kanyang tinig ang pagkalungkot. Ipinakita nya sakin ang malaking hiwa sa may tagiliran nya at halos mapuno na ng dugo ang tubig sa kinaroroonan niya. Namumutla na din sya at anytime ay pwede na syang mahimatay.
Natataranta naman akong naghanap ng bagay na pwedeng paglagyan kay dolly. Kailangan kong bilisan at baka maubusan sya ng dugo at maaari nya itong ikamatay.
May nahulog naman na isang supot sa may di-kalayuang puno, may naaninagan naman akong anino doon. Mamaya ko na usisain iyon, ang mahalaga ay ang madala ko si Dolly kay Agatha para magamot. Mabilis naman akong nagsalok ng tubig sa supot at pinatalon doon si dolly.
Tumakbo naman ako papuntang Ancestral House habang dala-dala ang supot na puno ng tubig at nandoon si dolly na ngayo'y wala nang malay.
Sinipa ko ang pintuan upang mabuksan iyon. Nasira ang pinto at bumagsak ito sa sahig. Iniluwa naman ng pinto ang shocked nilang mga mukha, dahil siguro sa pagsipa ko sa pintuan kaya ganyan mga mukha nila. Ang eepic eh!
Pero wala na akong pakialam doon at hindi ko na sila pinansin. Hinila ko si Agatha na ngayo'y nakatulala pa rin at pumasok kami sa banyo. Nilock ko muna ang pinto at mabilis na inilagay sa may BathTub si dolly.
"Dolly?" di-makapaniwalang saad ni Agatha na ngayo'y bumalik na sa kanyang ulirat.
"Anong nangyari sa kanya?" Nag-aalalang tanong ni Agatha habang sinusuri si dolly na wala pa ring malay."Mamaya ko na ipapaliwanag. Ang importante ay magamot mo sya."natatarantang saad ko. Hinawakan naman agad ni Agatha ang sugat ni dolly at kumanta.
"Wae jakku chyeodaboni wae e e🎶🎵🎶. Hmm-Hmm-Hmm🎶🎵🎶~." she sings her sacred weapon, to heal wounds. Lumiwanag naman ang mga sugat ni dolly at mabilis itong naghilom. Pagkatapos nyang kumanta ay bigla syang nahimatay. Normal lang yun dahil hindi pa naman nya masyado nakakabisado ang kanyang kapangyarihan.
Lumabas ako ng pinto at iniwan sina Dolly at Agatha na wala pa ring malay. Hinila ko naman sina Ana at Ari habang yung tatlong lalaki ay nakatingin lang sa amin. Hinila ko silang dalawa sa may banyo at agad na nilock ang pinto.
Sisigaw sana si Ana sa kanyang mga nasaksihan ng mabilis kong takpan ang kanyang bibig habang si Ari ay mabilis na pumunta sa kinaroroonan nina Dolly at Agatha.
"Anong nangyari?" nagtatanong ang mga matang tanong ni Ana sakin.
"Mamaya ko na ipapaliwanag. Ang importante ngayon ay kung paano natin sila maipunta sa dagat ng hindi tayo nakikita nung mga lalaki upang bumalik na ang kanilang malay."i said with a high pitch tone. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Buhay nila ang nakataya dito, kapag hindi ko sila agad naibalik sa dagat, may possibilities na mamatay sila. Marahan naman akong napasabunot sa buhok ko. What should i do?
"Hey! Stop messing and pulling your hair. Listen sisters, look may naisip na ako." Ana snorted at lumiwanag naman ang mukha ko at napalingon naman si Arianna.
YOU ARE READING
Mermaid: The Land Adventure
FantasíaMermaid: The Land Adventure -------------- In just a blink of an eye, me and my sisters as a mermaid turned into human. Our beautiful tail turned into some sort of a human's feet. Just wow! Right? And also in just a blink of an eye as easy as 123. O...