Simula

65 7 0
                                    

Panibagong araw na naman ng walang kwentang buhay. Nagising ako na mabigat ang nakadagan sa aking dibdib. Hindi na naubusan ng dahilan para makalimutan ko ang pagngiti ng natural muli.

By the way let me introduce myself. I'm Crystal Dela Cruz, 3rd year college studying at South Eastern College taking up Bachelor of Science in Accounting Technology.

Bumangon agad ako sa higaan at pumasok na sa banyo. Mahirap ng masigawan ng tigre kong nanay baka masira pa pinto ng kwarto ko. It has been 2 weeks since our class started at marami rami ng pinapagawa sa amin kaya kailangan ko rin talaga magdouble time sa pagkilos.

"Crystal lumabas ka na dyan at kakain na! Bilisan mo at baka malate ka!" Maya maya ay sigaw ni mama habang kinakatok ang pinto.

"Pababa na po ako!" Sigaw ko pabalik.

Inayos ko agad ang mga gamit ko sa bag. I double checked the whole room before heading downstairs. Nasa kusina na agad si mama at papa kumakain ng sinangag at itlog.

"Good morning po" bati ko sa kanilang dalawa.

"Good morning din anak kumain ka na at baka malate ka sa school" si mama lang ang bumati. As usual busy si papa sa paghahanap ng trabaho.

Umupo agad ako at nagsimula na kumuha ng pagkain ko. Inantay ko lang matapos yung sinaing ni mama at naglagay na rin ako ng pagkain sa aking baunan. Hindi kami mayaman gaya ng ibang estudyante sa SEC, nakakuha lang ako ng scholarship kaya nakakapag-aral ako doon at malaking tulong na yun sa pamilya dahil kung hindi ako nakakuha ng scholarship hindi na ako makakapag-aral ng college.

"Mama! Papa! Papasok na po ako" paalam ko sa kanila matapos ayusin ang iba pang kailangan ko.

"Sige anak mag-iingat ka"

"Nakuha mo ba ang baon mo Crystal??" Biglang tanong ni papa bago ako tuluyang makalabas ng pinto.

"Opo pa. Sige po una na ako baka po malate ako magrereview pa ako" kumaway na ako sa kanila at nagumpisa na bumyahe.

Its been 2 week since our class started but it feels like hell. Ang dami kailangan gawin. Tambak na naman ang mga quizzes and reportings then ang dami rin assignments. Kailangan ko magsipag dahil hindi biro ang makapag-aral ng libre. Kailangan ko pagbutihin ang pag-aaral ko para lang hindi ako mawalan ng pangtustos sa mga gastos ko sa eskwelahan.

Nagmamadali ako pumasok sa room namin para makapagbasa. 20 minutes bago magsimula ang unang klase namin ay nagbasa ako dahil may quiz kami don. Patayan na 50 items quiz yon.

"Crystal ready ka na ba sa quiz??" Tanong ni Jade.

"Hindi ko alam. Basta nagreview ako sana ay makapasa"

"Makakapasa ka niyan may tuwala ako sa iyo" nakangiting sabi niya.

Si Jade Villanueva ay ang nag-iisa kong kaibigan sa room namin. Hindi naman sa ayaw ko makipagkaibigan sa iba, nadala lang ako sa mga tao na kaya lang lumalapit sa akin ay dahil lang may kailangan sila.

Natahimik kami ng biglang pumasok ang propesor. Ramdam ko ang kaba sa bawat isa sa amin. Siya ang pinakamahigpit naming propesor sa semester na ito.

"Keep everything away except for your pens we will start the quiz"

Tahimik ang buong klase sa nakalipas na isa at kalahating oras. Lahat ay naging abala sa pag-iisip sa mahirap na pagsusulit.

"Grabe sumakit ulo ko kanina ah" sabi ni Jade. Papunta na kami ngayon sa canteen para sa break namin.

"Sinabi mo pa. Parang wala ata sa libro yung mga nasa quiz kanina"

"Ay true yan friend. Sana makapasa tayo jusko"

"Tiwala lang makakapasa tayo" pagpapalakas ko ng loob niya.

Naging abala ang buong araw namin sa klase. Maraming pinapagawa at mga takdang aralin. Hindi na namin alam ano ang uunahin.

"Ingat ka pag-uwi Crystal"

"Ikaw din"

Nagsimula na ako bumyahe pauwi sa bahay. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay rinig ko na naman ang sigawan nila.

"Ano ba naman yan Jayme naghahanap ka ba talaga ng trabaho o ano?!" Mula sa labas ay rinig ko na sigawan nila mama at papa.

"Hoy Krista huwag na huwag mo ko pag-iisipan na hindi ako naghahanap ng trabaho!"

"Nako Jayme malaman ko lang na nagbibisyo ka na naman ay may kakalagyan ka talaga sa akin!"

Wala nang bago sa eksenang ito. Kada uuwi ako ay lagi ko sila naririnig na nagtatalo. Nakakasawa na dahil imbis na magawa ko ng ayos ang mga dapat kong gawin ay nauudlot dahil baka magkasakitan pa silang dalawa.

Nagkulong ako sa kwarto at doon lumuha. Ilang taon ko ng tinitiis ang ganyang sitwasyon nila pero nakakapagod din naman umintindi sa kanila. Hindi na ako nakakagawa ng mga bagay na gusto ko dahil sa kanila.

"Hi Crystal" nakangiting bati sa akin ng isang babae. Nasa library ako ngayon at naisipan ko na dito na lang mag-aral kesa sa bahay.

"I'm Pat by the way" pakilala niya sa akin. Tinignan ko lang naman siya.

"Ano kailangan mo?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Gusto kita maging kaibigan. Well dati pa kaso ang iwas mo kasi sa tao kaya hindi kita matyempuhan para makausap"

"Hindi ko gusto ko makipagkaibigan sa iba" seryosong sabi ko sa kanya.

"Crystal malinis ang intensyon ko. Noon pa man ay nais na kita maging kaibigan kahit itanong mo pa kay Jade. Nabanggit niya kasi na siya lang talaga kaibigan mo dito sa campus since kaibigan ko naman si Jade gusto na rin kita ituring na kaibigan"

Tinignan ko siya ng mabuti. Mukha namang seryoso at totoo siya sa sinasabi niya.

"Okay"

"Okay meaning friends na tayo??" Nakangiting tanong niya.

"Oo" pilit ang ngiting sagot ko.

Kasama na ako sa squad nila Jade simula ng kaibiganin ko na rin si Pat. Nalaman ko sa kanila na nahiwalay pala si Jade sa kanila dahil mas gusto ako kasama ni Jade.

"Alam niyo minsan hangout tayo para naman makarelax tayo masyado tayong busy sa school" suggestion ni Mika.

"Ay oo nga lalo ka na Crystal masyado kang masipag kailangan mo rin magrelax relax"

"Nako hindi kasi ako pwede umalis ng bahay. Mapapagalitan ako ng magulang ko"

"Hindi yan ipagpapaalam ka namin"

"Nako hindi na. Wala rin naman kami pera kaya huwag na lang tsaka hindi rin ako mahilig sa mga ganyan"

"Ano ka ba masaya to promise. Besides gusto ka namin makasama bilang part ng squad na to"

"Nako hindi ko talaga alam kung papayag magulang ko"

"Ganito pupunta kami sa inyo tapos ipakilala mo kami bilang kaibigan mo at ipagpapaalam ka namin sa kanila"

"S-Sige na nga. Pero uunahan ko na kayo hindi maganda ang bahay namin dahil hindi naman kami mayaman"

"Okay lang yon ano ka ba wala sa amin yon"

Ang sarap pala sa pakiramdam na marami kang nakakasama at kaibigan ang turing sa iyo. Nasanay ako na mag-isa lang ako o hindi kaya ay iilan lang ang sinasamahan ko.

Lumipas ang ilang mga araw at panay ang paggala namin kapag walang pasok. Marami na rin ako sinasamahan na grupo bukod sila Jade. Natuto na ako mag-ayos at magpunta sa mga bar kapag naisipan ko na umalis sa bahay dahil sa walang tigil na pagtatalo nila mama at papa.

"Huwag mo sana pagsisihan ang mga ginagawa mo ngayon"

May biglang nagsalita sa likod ko. Nakita ko si lola na nakaupo sa karton at may lata sa kanyang harap. Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy lang ako sa aking pupuntahan.

Four SeasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon