Kabanata 1

19 3 0
                                    

"Miss isang bote pa nga ng alak" agad naman akong inabutan ng babae sa counter.

Madaling araw na at nandito pa rin ako sa bar. May pasok pa ako kinabukasan pero hindi ko na inisip pa iyon. Mas kailangan ko makalimot sa mga problema ko ngayon.

"Hey Crystal andito ka pa rin pala?"

"Hey Kate! Long time no see"

"Gosh nag-iba ka na ah. Lalo ka yatang gumaganda"

"Well ganon talaga hahahaha"

Kate Salvador is a friend of mine. Nagkakilala kami dito sa bar nung time na dito ginanap ang party ni Pat. They were childhood friends. Si Pat ang nagpakilala sa amin sa isa't isa hanggang sa naging close na rin kami.

"Where have you been?" Tanong ko sa kanya.

"Well kakauwi ko lang galing States I need to unwind myself you know hahaha too much stress na nasasagap ko doon"

"Hindi halata ah. You still look blooming as always" papuri ko sa kanya.

"Nako huwag na tayo magbolahan pa hahaha"

We stayed a few more minutes then decided to go home.

"Thanks for the ride"

"Anything for you friend"

"Ingat sa byahe. Beep me when you got home okay? Bye"

"Okay. Bye"

Tinanaw ko na lang ang sasakyan niya paalis bago ako pumasok sa loob ng bahay.

"Saan ka nanggaling?" Bungad ni mama sa akin pagkapasok ko.

"Galing ako kila Kate may tinapos kaming project na ipapasa next week" malumanay na sabi ko.

"Siguraduhin mo lang na project yang ginagawa mo Crystal"

"Aakyat na ako sa kwarto ko maaga pa ako bukas"

Hindi ko na siya pinansin at nagdirediretso na ako sa kwarto ko. Nagpahinga lang ako sandali at nagshower para presko bago matulog.

Kinabukasan

"Uugghh" sakit ng ulo ko badtrip!

"Anak bangon na baka malate ka pagpasok" sigaw ni mama pagkatapos katukin ang pinto.

"Wala kami pasok ma. May meeting mga professors ngayon"

"Sigurado ba yan?"

"Oo nga!"

"Sige. Aalis na ako at sayang naman kikitain ko sa bakery"

Hindi na ako umimik pa at bumalik na lang ako sa pagtulog.

"Anak tanghali na bangon na! Kakain na tayo"

"Susunod na po ako dyan!" sigaw ko.

Narinig ko naman na pababa na ang mga yabag ni mama. Nagpaalis muna ako ng antok tsaka bumaba para kumain.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo?" Maya maya ay biglang tanong niya.

"Okay naman. Medyo busy" walang ganang sagot ko.

"Pagbutihin mong maigi para maganda magiging trabaho mo kapag nakatapos ka na"

Hindi na lang ako umimik. Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ako open kay mama sa mga bagay bagay. Mas gusto ko na kaibigan ko lang nakakaalam ng mga pinagdadaanan ko dahil mas naiintindihan nila ako kesa sa kanya.

Buong araw lang ako naglalagi sa bahay. Lalabas lang kapag kakain tapos magkukulong na ulit. Ayaw ko ng lagi nila ako kinakausap at ayaw ko rin kapag kinakamusta nila pag-aaral ko.

------------

"Ma aalis ako birthday ni Jasmine invited ako overnight kami sa kanila"

"Sige mag-iingat ka ah magtext ka kapag nakarating ka na sa kanila"

"Okay"

"Are you ready?" Masayang bungad sa akin ni Kate.

"I always am hahaha"

Sumakay na ako sa kotse niya at sabay kami na nagpunta sa bahay nila Jas.

"Welcome girls! Come in. Feel at home" nakangiting bungad sa amin ni Jas.

"Happy Birthday girl!" Bati naming dalawa.

"Thank you akala ko hindi kayo makakapunta" nakangusong sabi niya.

"Hindi naman pwede na hindi kami makaattend dito sa party mo" sabi ko sa kanya. Nagyakap kaming tatlo at sabay na pumasok sa loob.

"Kain muna kayo maya maya start na ang program"

Dumulog muna kami sa kusina at nagkipagbatian sa magulang niya.

"Hi tita!" Masayang bati namin.

"Crystal and Kate buti nakarating kayo"

"Syempre naman po tita malakas po anak niyo sa amin hahaha" biro ko sa kanya.

"Nako ikaw talaga hahaha. Kain muna kayo may pagkain na dito. Matagal yung program mamaya ng party niya kaya damihan niyo kain ah"

"Opo tita" sabay naming sagot.

"Oh siya maiwan ko muna kayo dyan at sisilipin ko kung nakaayos na ba ang lahat. Jasmine samahan mo naman ako"

"Sige po. Girls samahan ko muna si mama ah" baling niya sa amin.

"Sige" sagot ni Kate. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Grabe ang bongga ng party niya ano?" Pagbubukas ko ng pag-uusapan.

"Ganyan talaga kapag mayaman bongga kung maghanda"

May maliit na stage sa garden nila. May nakalagay na Jasmine @18 sa baba nito. Black and red ang theme ng debut niya. I wore a black tube dress na above the knee at may pouch din ako na black na dala. I braid my hair pero nakalugay ang kalahati.

"Crystal! Kate! Dito na kayo pumwesto malapit na magstart ang program"

Pumwesto kami sa table na inilaan ni Jasmine sa amin. Matagal nga ang program ng party niya. Hinatiran kami ng foods sa table namin para habang on-going pa ay hindi kami magugutom. Simple lang ang party pero ang ganda at ang saya.

"Guys may drinks maya maya ihahatid na lang sa table niyo" sabi ni Jasmine sa lahat. Kakatapos lang ng party at iilan na lang ang natira.

"Crystal! I want you to meet Jack" biglang sumulpot si Jas kasama ang isang lalaki.

I look at him from head to foot. Well he is handsome at hindi ko maitatanggi yan, malaki ang katawan, matangkad at sumisigaw ang karangyaan sa itsura at postura pa lang.

"Nice to meet you" nakangiting sabi sa akin ni Jack. Inabot ko naman kamay niya.

"It's nice to meet you too" pilit ang ngiting sabi ko.

Sa amin muna sila pumwesto at nakipagkwentuhan. Masayang kasama si Jack. Masarap kakwentuhan. Maya maya ay pumunta na rin sa amin mga kaibigan ni Jack. Magkakasalo na kami sa kwento at katuwaan. Sa sandaling oras nakilala namin ang isa't isa.

"So how's life?" Baling sa akin ni Ken.

"Same old shit hahaha"

"Would you mind sharing us your story tutal halos lahat ay nagkwento na"

"Sorry but I prefer keeping those things to myself. Hindi ko ugali ikwento mga bagay na dapat ay para lamang sa sarili ko sana ay maintindihan niyo" malumanay na sabi ko sa kanila.

"We understand" nakangiting sabi ni Jack.

"Nako ganyan talaga yang si Crystal. Sa lahat ng naging kaibigan ko siya ang pinakamalihim sa lahat. Hindi mo yan basta basta mapapagkwento kaya kapag nagkwento yan tutukan niyo dahil malamang matagal bago maulit yon" singit naman ni Jasmine.

Nginitian ko lang sila at hindi na muling umimik pa. Nakinig na lang ako sa kwentuhan nila paminsan ay nakikitawa at nakikiasar din naman pero mas lamang ang pananahimik ko kasama sila.

Pasensya na hindi ko kaya ikwento ang buhay ko dahil alam ko iiwan niyo ko kapag nalaman niyo ang istorya ng buhay ko. Time will come doon ako magkukwento tungkol sa buhay na mayroon ako.

Four SeasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon