"Masarap ba mga pinili kong pagkain?" Maya maya ay tanong niya. Nakaupo kami sa swing sa may harap ng dalampasigan, medyo malayo sa resto niya.
"Oo naman nabusog nga ako hahaha"
"Crystal ayos lang ba kung itatanong ko kung bakit ayaw ko ng nagkukwento sa mga personal na bagay sa buhay mo?" Seryosong tanong niya.
"Kasi ayaw ko ng may namamakielam sa mga desisyon ko sa buhay. Ako kasi yung tipo ng tao noon na puro aral lang para walang masabi magulang ko sa akin. Kaso nakakapagod din pala pilitin yung mga bagay na alam mo na kaya mo lang ginagawa ay dahil para sa iba. Gusto ko mapasaya magulang ko, dahil doon nakakalimutan ko na pasayahin sarili ko, pero hindi naman sapat lahat ng ginagawa ko para sa kanila kasi para sa kanila failure pa rin ako" malungkot na sabi ko. Napabuntong hininga muna siya bago nagsalita.
"Hindi ko akalain na ibabahagi mo sa akin ang kwnento ng buhay mo. Hindi man lahat pero nagkwento ka pa rin sa akin" ngumiti naman ako sa kanya.
"Hindi ko rin alam hahaha. Pakiramdam ko kasi ang gaan ng loob ko sa iyo. Sa totoo lang sa iyo ko pa lang nasasabi ang mga bagay na ganito. Pakiramdam ko kasi na sa sobrang lakas ng tingin sa akin ng mga tao walang handang makinig sa akin kapag nanghihina ako"
"Ngayon may handa nang makinig sa iyo. Kapag may problema ka sabihan mo lang ako makikinig ako kahit abutin pa yan ng magdamag" biro niya.
"Baka magsawa ka kakapakinig puro drama pa naman yon"
"Hindi ako magsasawa makinig mailabas mo lang lahat ng sakit at bigat na dinadala mo"
"Thank you Jack" nakangiting sabi ko.
"Anything for you hahaha"
Nagpalipas lang kami ng mga ilang oras pa na puno ng kwentuhan at asaran. Nang magdilim na ay nagyaya na ako umuwi dahil may aayusin pa ako sa bahay.
"Thank you ulit" sabi ko sa kanya. Nasa tapat na kami ngayon ng bahay.
"Anytime. Basta kapag kailangan mo ng makakausap text or tawagan mo lang ako pakikinggan kita" niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko.
"A-Ah hehe nadala lang ng tuwa hehe" naiilang na sabi ko sa kanya.
"Wala yon haha nabigla lang ako"
"Ingat ka pag-uwi"
"Sige bye"
Tinanaw ko ang kotse niya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
"Sino yun?" Nagulat ako ng biglang magsalita si mama!
"Ano ba yan ma! Bakit nanggugulat ka?!"
"Sino yun?" Nginuso pa niya yung daan na tinahak ng kotse ni Jack.
"Si Jack po kapatid ng kaibigan ko"
"Ah boyfriend mo?" Nanalaki naman ang mata ko sa tanong niya.
"Ma anong boyfriend?! Kaibigan ko lang yun okay? Malisya to!"
"Nagtatanong lang naman ako, oo at hindi lang naman ang sagot"
"Hindi ko siya boyfriend! Makapasok na nga sa loob. Gumagana na naman imagination niyo" inis na sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam ano nakain ni mama at naisipan ako biruin ngayon. Hindi niya ugali na magbiro ng ganyan kaya naman nakakapanibago talaga. Iniwan kong bukas ang kwarto ko at kinuha ang paboritong libro ko at nagsimula na magbasa. Maya maya ay nakarinig ako ng ingay sa baba. Isinara ko ang libro ko at lumapit sa may pinto para makita sino ang nandon.
"Naisipan mo pa bumalik dito?!" Sigaw ni mama sa baba.
"Patawarin mo ko Krista. Nagkamali ako. Pinagsisisihan ko na mga ginawa ko nung mga nakalipas na buwan. Krista patawarin mo ko" humahagulgol na sabi ng ang aking ama.
"Bakit mo kami nagawang lokohin ng anak mo?! Alam mong hirap na hirap ako sa kakatrabaho tapos ikaw nagpakasasa sa pagpapasarap?! Sana hindi ka na bumalik!! Doon ka na sa babae mo!" Sigaw na naman ni mama.
Nagulat ako sa narinig ko! Kaya pala ilang buwan nang hindi umuuwi si papa ay dahil may babae siya?! Hayup!
"Krista patawarin mo ko. Babawi ako sa inyo ni Crystal mapatawad mo lang ako" pagmamakaawa ni papa.
"Pasalamat ka Jayme mahal kita. Kahit ilang beses mo na ako sinasaktan tinatanggap pa rin kita. Pero nakakapagod din magtiis sa sakit. May hangganan ako sana alam mo yun! Hindi porket mahal kita ay aabusuhin mo na yon!"
"Babawi ako sa inyong dalawa. Patawarin mo lang ako. Hindi na ako mambababae pangako" pagsusumamo ni papa.
"Huwag ka na lang magsalita. Gawin mo na lang dahil nakakapagod maniwala sa mga salitang binibitawan mo nang wala naman kasiguraduhang mapapanindigan mo"
Agad kong isinara ang pinto ng kwarto ko at umupo sa kama. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Akala ko kaya siya hindi umuuwi ay dahil nagpapakahirap siya sa pagtatrabaho iyon pala may babae lang siya?! Letseng buhay to!
Pinakiramdaman ko muna sa baba ng bahay kung may tao pa. Nag-ayos na ako para mamaya ay aalis na lang ako. Nang wala ako marinig na ingay ay unti- unti akong lumabas at agad na tinahak ang daan palabas ng bahay. Agad akong pumara ng taxi. Gusto ko muna makalimot sa mga nalaman ko kanina.
"Kuya sa The Chillz po" sabi ko sa driver.
Medyo may kalayuan ang mga bar sa bahay namin kaya kailangan pa talaga magcommute bago makarating doon. Agad akong pumasok sa loob at nagpunta sa bar counter para makainom.
"Kuya isang bote please" sabi ko sa bartender.
Inilibot ko ang paningin ko sa mga tao na nandoon. Karamihan sa kanila ay mga nagsasaya, mukhang ako lang ang may pinagdadaanang hindi maganda. Agad kong ininom ang alak pagkaabot sa akin nito. Gusto ko lunurin ang sarili ko para naman kahit papaano ay mawala kahit sandali lang yung sakit dahil sa nalaman ko.
Nakakarami na rin ako ng inom at ramdam ko na may tama na ako ng may biglang tumabi sa akin.
"Hi miss" nakangiting bati niya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at iniwas ko na sa kanya paningin ko.
"Ang sungit mo naman"
"Ganon talaga ako sa mga taong hindi ko kilala" pagsusungit ko pa sa kanya.
"May kasama ka ba miss?" Biglang tanong niya.
"May nakikita ka bang kasama ko?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Sungit mo talaga"
"Wala ako pakielam!" Sigaw ko sa kanya.
Tumayo na ako at handa na sa pag-alis ng bigla niya hawakan ang kamay ko.
"Miss baka naman pwede mo muna ako samahan?" Sabi niya habang unti unti akong niyayapos.
"A-Ano ba!" Sabay tulak sa kanya palayo.
Pero hinigit niya ako pabalik sa kanya!
"Bitiwan mo nga ako!"
Hinila niya ako papunta sa may bandang likod ng bar!
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Tulong! Tulungan niyo ko!" Sigaw ko pa! Panandaliang nawala ang epekto ng alak sa katawan ko.
Bigla niya ako hinalikan sa leeg habang hinahaplos ang braso ko!
"Lumayo ka sabi sa akin!" Sabay tulak ng malakas!
Napabitaw siya kaya nakatakbo ako ngunit naabutan niya ako! Akma niya ulit ako hihilahin ngunit may lalaki na biglang sumulpot at binanatan siya!
"Jack?!" Gulat na usal ko ng maaninag sino ang lalaki na tumulong sa akin.
Pakiramdam ko ay nahirapan ako huminga dahil sa pagtakbong ginawa ko hanggang sa naramdaman ko na lang na nawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Four Seasons
Short StoryLife is full of ups and downs as you walk down the road you are taking. But what if your life is full of downs and the wheel never went up?? Would you give up living your life or would you create a reason to survive?? This is a story of life and fri...