Tinignan niya ako na parang naghihintay ng sagot.
"About last night sana" panimula ko. Nakatingin lang siya na parang naghihintay pa sa sasabihin ko kaya ipinagpatuloy ko.
"Thank you kagabi kasi niligtas mo ko dun sa lalaki na balak ma gawing masama sa akin. And thank you na rin nung nakaraang araw na sinama mo ko sa tabing dagat nakatulong talaga sa akin yon" seryosong sabi ko.
"Would you mind if I ask bakit ka naglasing kagabi?" Seryosong tanong niya. Bumuntong hininga naman muna ako bago sumagot.
"Kasi nagalit ako kay papa. Nalaman ko kasi na may babae siya kaya hindi siya umuuwi sa amin. Kahit na ganito ako na pasaway ayaw ko rin naman na nakikitang umiiyak si mama. Gusto ko makalimot kagabi dahil doon kaso hindi ko inaasahan na kamuntikan na ako mapahamak dahil sa ginawa ko kaya thank you at sorry din sa abala"
Ginulo niya buhok ko dahilan para taka akong mapatingin sa kanya.
"Basta para sa iyo lahat gagawin ko" matamis na ngiting sabi niya. Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko!
"Ha?" Gulat na usal ko. Tinawanan naman niya ako.
"Hindi ko hahayaang masaktan ka ng kung sino lang. Hindi kita pababayaan kahit saan ka naroon babantayan kita huwag ka lang mapahamak" nakangiti munit seryosong sabi niya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi mahal kita" nakangiting sabi niya.
Para namang huminto ang paligid at tumigil ang oras. Hindi nawala ang tingin namin sa isa't isa. Nagpaulit ulit sa pandinig ko ang katagang binitawan niya at agad na tumagos sa puso ko. Napalunok na lang ako at hindi makapagsalita.
"Mahal kita at masakit para sa akin na makita ka na pasan ang mundo at binabaliwala ang mga importanteng bagay makalimutan lang ang pinagdadaanan mo" dagdag pa niya.
"Sus. H-Huwag ka nga m-magbiro ng ganyan" pilit na tawang sabi ko.
"Hindi ako nagbibiro. Totoo to. Sa loob ng maikling panahon nagawa kitang mahalin. At mas minahal kita ng makilala at makita ko ang totoong ikaw at handa akong patunayan sa iyo na ang nararamdaman kong to ay hindi biro. Seryoso to"
"Nako pagod na ako makinig sa mga salitang wala namang kasiguraduhan gawin mo na lang" seryosong sabi ko sa kanya.
"Gagawin ko talaga. Lahat gagawin ko maging masaya ka lang" at niyakap niya ako ng mahigpit!
"Aayyiieee!" May bigla namang sumigaw sa likod ko kaya natulak ko si Jack ng malakas!
"Alam mo panira ka ng moment!" Inis na sigaw ni Jack kay Jade.
"Sorry kuya di ko lang napigilan kilig ko hahaha" nagpeace pa siya sa kuya niya. Abnormal talaga kahit kelan hahaha.
"Tara kain muna tayo"
"Ay sige tara kuya tutal matagal mo kami pinaghintay kailangan mo talaga kami pakainin" biro ni Jade.
"Eh kung pauwiin kaya kita mag-isa?"
"Alam mo kuya tara na nga gutom lang yan" biglang pumasok sa kotse si Jade.
"Let's go" nakangiting baling niya sa akin. Tinanguan ko lang siya at sumunod na papunta sa kotse niya. Sa passenger seat niya ako pinaupo.
Dahil sa kadaldalan ni Jade panay naman kwento niya sa kuya niya tungkol sa napag-usapan namin kanina at ayaw talaga niya paawat sa pagsasalita! Puro tawanan at asaran tuloy ang nangyari sa amin habang nasa byahe papunta sa kalapit na kainan. Medyo malapit sa bahay namin yung kainan na pinili ni Jack.
"Bakit dito mo naisipan kumain?" Tanong ko sa kanya pagkapasok namin sa karinderya.
"Masarap luto nila dito at gusto ko ipatikim sa inyo yon" masayang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Four Seasons
Historia CortaLife is full of ups and downs as you walk down the road you are taking. But what if your life is full of downs and the wheel never went up?? Would you give up living your life or would you create a reason to survive?? This is a story of life and fri...