Kabanata 5

15 1 0
                                    

Nagising ako ng may maramdamang mainit na bagay na tumatama sa paa ko. Agad kong minulat ang mata ko at inilibot ang paningin sa kwarto ko!

Paano ako nakauwi dito?!

Agad akong napaupo at hindi ko man lang namalayan na katabi ko pala si mama.

"Anak! Ano okay ka na ba? May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ma paano po ako nakauwi kagabi?" Tanong ko sa kanya.

"Hinatid ka ni Jack kagabi at lasing ka raw muntikan ka pa nga raw marape buti na lang at nakita ka niya"

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa narinig ko. Bigla naman umiyak si mama kaya gulat akong napalingon sa kanya.

"Anak ano ba nangyayari sa iyo? Akala mo ba hindi ko nalalaman? Alam kong hindi ka na pumapasok sa school dahil dropped ka na sa lahat ng subjects mo. Ang hilig mo pa magpunta sa mga bar at magpaumaga ng uwi. Pinapabayaan mo na pag-aaral mo. Saan ba ako nagkulang anak? Lahat naman ginagawa ko para makapag-aral ka ng ayos pero ano itong ginagawa mo?" Lumuluhang usal niya.

Agad ako nagbaba ng tingin dahil ito ang isa sa mga bagay na hindi ko kaya. Ang makitang umiiyak ang mama ko.

"Anak sabihin mo sa akin ngayon bakit nagrerebelde ka na? Ano ba nagawa ko sa iyo para isukli mo to sa akin? Sa amin ng papa mo? Anak mahal ka namin at masakit para sa amin na makita kang napapariwara ng landas. Ang makapagtapos ka lang ang pangarap namin pero bakit ka nagkaganito? Hindi ka naman namin ganito pinalaki pero bakit ganito na sinusukli mo sa amin?"

Hindi ako nakasagot at lumuluha na lang na nakikinig sa kanya.

"Anak nasa huli ang pagsisisi tandaan mo yan. Kung hindi mo aayusin buhay mo ngayon ikaw ang kawawa. Andito lang kami para gumabay sa iyo pero ikaw pa rin ang pipili ng daan na tatahakin mo. Anak hindi pa huli ang lahat please wag mo sirain buhay mo dahil lang sa mga problemang nararanasan mo" pinunasan muna ni mama mga luha sa pisngi ko. Ngumiti siya sa akin pero makikita mo ang sakit sa mata niya tsaka siya lumabas ng kwarto at iniwan ako.

Naiwan akong humahagulgol mag-isa at nanumbalik sa pandinig ko ang mga salitang binitawan ni mama. Maya maya ay may kumatok sa pinto.

"Anak pwede ba kita makausap?" Tanong ni papa. Hindi naman ako sumagot.

Binuksan niya ang pinto at nakangiting tumingin sa akin. Isinara niya ang pinto at naupo sa tabi ko.

"Kamusta ka naman?" Tanong niya.

"Hindi ko po alam" malungkot na sabi ko.

"Alam mo ba noong ako ang nasa edad mo gustong gusto ko makapag-aral. Tuwang tuwa ang mga magulang ko noon kasi kahit mahirap lang kami gusto ko makapagtapos nakiusap sila noon sa kapatid ng lola mo para tustusan ang pag-aaral ko. Alam mo bang tuwang tuwa ako kasi makakapag-aral na ako noon. Ang saya ng buhay ko noon pero sinubok ako ng tadhana. Namatay lolo mo nasa 3rd year college rin ako. Napabayaan ko lahat sa akin noon kasi close na close ako sa tatay ko pero kinuha agad siya. Tumigil ako sa pag-aaral nun. Napabarkada ako, nagkabisyo, napariwara ang buhay ko" tumingin siya sa akin ng may malungkot na mga mata.

"Ano po nangyari?" Tanong ko.

"Pinagsisihan ko lahat ng yan nung nakilala ko mama mo. Nagsisi ako kung kelan huli na lahat kasi wala na tutustos sa pampaaral ko. Nasa ibang bansa na kapatid ng lola mo. Si nanay naman ay hindi pwede magtrabaho dahil may sakit siya at bawal mapagod. Pinagsisihan ko yan kasi wala ako maiharap sa magulang ng mama mo noon. Dahil doon lahat ginawa ko para mapatunayan sa kanila na gagawin ko ang lahat para sa mama mo. Nag-aral ako ng vocational course, naghanap ako ng maayos na trabaho. Nagsipag ako para sa kanya" nakangiting kwento ni papa.

"Bakit niyo po kinukwento sa akin yan?" Tanong ko sa kanya.

"Para sabihin sa iyo na hindi pa huli ang lahat para sa isang katulad mo. Alam ko yung mga problemang kinaharap mo ang naging dahilan kaya ka nagkaganyan. Sinabi ko to sa iyo dahil ayaw ko danasin mo ang naranasan ko kung saan pinagsisihan ko lang ang lahat kung kelan huli na" nakangitin sabi niya sa akin.

"Pasensya na po kung dinamay ko pag-aaral ko sa problema ng pamilya natin. Dumagdag pa tuloy ako sa isipin ninyo" umiiyak na sabi ko. Ngumiti ng malapad si papa at niyakap ako ng mahigpit.

"Patawarin mo rin ako anak dahil sa mga nagawa ko sa mama mo. Alam ko nakadagdag yung mga pagtatalo namin ni mama mo kaya ka nagkaganyan. Pero tandaan mo anak hindi pa huli para sa iyo. May next sem pa huwag mong hayaan na yung pangarap mo noon ay mawala sa isang iglap dahil sa isang maling hakbang"

"Opo papa. Salamat po ng marami"

"Mahal kita anak"

"Mahal din po kita papa"

Makalipas ang ilang minuto ay pinuntahan ko si mama sa kusina para kausapin. Niyapos ko si mama at bigla na lang ako naluha.

"Ma sorry po. Sorry po kasi naging pabigat po ako sa inyo ni papa. Imbis po na inayos ko na lang pag-aaral ko pinabayaan ko pa po ito. Ma sorry po talaga" umiiyak na usal ko.

"Ano ba kasi nangyari at ginawa mo yun?"

"Masyado po ako nagpadala sa inis ko. Kasi lagi ko po naririnig na mas napupuri niyo pa ibang tao kesa sa akin na sarili niyong anak. Tapos lagi pa kayo nag-aaway ni papa nung mga nakalipas na buwan tapos kagabi narinig ko pa kayo na nagsisigawan at nalaman ko na may babae si papa kaya hindi siya dito umuuwi nung mga nakalipas na buwan dagdag niyo pa po yung pakiramdam ko na wala kayo pakielam sa akin kasi hindi niyo man lang ako naasikaso" malungkot na sabi ko.

"Patawarin mo rin kami anak sa mga pagkukulang namin sa iyo"

"Naiintindihan ko na naman po kung bakit nawawalan kayo ng oras sadyang hindi ko lang po kayo inunawa dahil nasanay po ako na inaasikaso niyo ako"

"Huwag mo hayaan na masira ang mga pangarap mo dahil lang sa mga problema. Tandaan mo hindi lang yan ang problemang kakaharapin mo. Sa buhay ng tao marami kang pagsubok na dadaanan kailangan mo lagpasan ang bawat isa dahil ito ang magiging sandata mo sa mga darating pa" nakangiting sabi ni mama.

"Group hug naman dyan!" At naggroup hug kaming tatlo.

"Pero anak hindi mo ba talaga boyfriend si Jack?" Biglang tanong ni mama.

"Ma naman kaibigan ko nga lang yon hilig niyo magimagine" nakangusong sabi ko.

"Siguraduhin mo lang. At kung manliligaw man sila kailangan niya muna dumaan sa akin" sabi ni papa.

"Nako ewan ko sa inyong dalawa hilig niyo magimagine ng mga bagay bagay" bigla naman kami natawa.

Ang sarap pala sa pakiramdam na naaayos at napag-uusapan niyo ang problema. Akalain mo yung ilang buwan kong dinamdam ay maayos lang ng iilang minuto. Naayos na ang sa pamilya ko. Ngayon naman ay sa mga kaibigan ko.

Four SeasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon