Matapos kumain ng almusal ay nag-ayos agad ako para pumasok sa SEC. Kailangan ko makausap si Jade. Naghintay ako sa labas ng room hanggang sa magbreak time na sila.
"Pwede ba kita makausap?" Salubong ko kay Jade. Nagulat ako ng bigla niya ako yakapin!
"Crystal miss na kita! Bakit ngayon ka lang dumating ulit dito?" Naluluhang bungad niya sa akin.
"Pwede ba tayo mag-usap sa kubo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman bili muna tayo ng makakain para di naman ako gutumin" hinila niya agad ako papuntang canteen!
Kahit kailan ang lakas talaga manghila ng babaeng to amp!
Bumili lang kami ng tinapay at juice at agad kami nagpunta sa kubo.
"Oh ano sasabihin mo??" Agad na sabi niya.
Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.
"Gusto ko humingi ng... Sorry. Sorry kasi nilayuan kita dahil ayaw ko na may nakikielam sa desisyon ko. Sorry kung pinakita ko na malakas ako kahit na ang totoo hinang hina na ako sa mga pinangdadaanan ko. Sorry talaga kasi lumayo ako sa iyo" nakatungong sabi ko.
"Ano ka ba wala sa akin yon" nakangiting sabi niya.
Napatitig naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Alam ko may dahilan ka bakit ka lumayo. Kilala kita at alam ko hindi mo lang ugali magsalita pero sa loob loob mo kinikimkim mo lahat. Alam ko pinipilit mo lang pagmukhaing masaya ang sarili mo pero kitang kita ko pano mo tinatago ang lungkot sa mga mata mo. Hindi ka marunong magsinungaling. Ang tagal na natin magkaibigan hindi ka na makakapaglihim sa akin. Si kuya nga nahalata ka kahit di pa kayo magkaibigan ako pa kaya na matagal mo ng kaibigan? Hahaha"
"So hindi ka galit sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit naman ako magagalit sa iyo? Kilala nga kita at alam ko may dahilan bawat kilos mo pero sana sa susunod huwag ka na magpanggap na malakas ka kahit na nanghihina ka na. Andito ako willing na damayan ka. Alam mo naman na para sa iyo lagi ako may oras na nilalaan. Tsaka siguro nagtampo lang ako sa iyo kasi umiwas ka ng walang dahilan"
"Sorry talaga. Ayaw ko lang kasi maguluhan sa mga desisyon ko at ayaw ko kasi na sasabihan ako sa mga bagay na kailangan at dapat kong gawin. I know I'm selfish kasi ginusto ko na pasayahin naman sarili ko despite the problems that came pero ang nangyari napabayaan ko na ang mga bagay na importante" nakatungong sabi ko.
"Pwede ka naman maging masaya ng hindi pinapabayaan pag-aaral mo. At pwede mo ayusin ang mga problema mo ng hindi rin pinapabayaan pag-aaral mo. Life is a battle ground, and problems are our training ground. It is our key to survive life's circumstances. Always remember if you feel alone God is with you. People may leave for no reason or make you feel alone but He will never let you feel those things" napatingin ako sa kanya matapos magsalita. Niyakap ko naman siya at umiyak ako sa balikat niya.
"Thank you for still being a good friend of mine even if I'm the worst friend you ever have"
"You're still my bestfriend no matter what happen or will happen I will never leave your side I'll be with you walking down the rocky road as you reach for your goals in life" napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Uhm nasa bahay niyo ba kuya mo?" Tanong ko naman sa kanya.
Bigla naman siya ngumisi sa akin at mapang-asar na tumingin.
"Bakit? Miss mo na ba si kuya?" Nakangising tanong niya.
"Hoy tigilan mo ko ah! May sasabihin lang ako sa kuya mo kaya ko siya hinahanap!" sigaw ko sa kanya.
"Yun lang ba talaga?" Mapang-asar na tanong niya pa!
"Anak ng.. Gusto mo upakan kita?!" Inis na tanong ko.
"Biro lang ito naman ang seryoso mo hahaha susunduin ako ni kuya mamaya gusto mo sumama ka na para magkausap kayo kung ano man pag-uusapan niyo"
"Sige antayin ko na lang matapos klase mo"
"Sige isang subject na lang naman kami at cut ang klase sa hapon"
"Antayin na lang kita sa labas ng room niyo"
"Sige. Tara na baka malate ako"
Naglakad na kami pabalik sa room. Hindi na naubusan ng kwento si Jade dahil ang tagal raw niya inipon ng mga yon dahil gusto niya na sa akin lang ikwento ang mga bagay bagay. Puro kalokohan niya lang naman binabahagi niya. Wala pa naman prof nila pagkarating namin kaya sa loob na muna ako at nakipagbatian sa iba pa niyang kaklase na naging kaklase ko rin naman. Makalipas lang ilang minuto ay wala na raw ang prof nila dahil may meeting kaya wala na sila klase.
"Tara magikot ikot muna tayo tutal maya maya pa dating ni kuya"
"Sige saan mo ba gusto magikot?"
"Pwede ba sa canteen muna tayo? Nagugutom na naman kasi ako bitin kinain ko kanina" nakangusong tanong niya. Natawa naman ako ng bahagya sa itsura niya.
"Oo naman tara sakto gutom na rin ako" sabi ko sabay himas sa tiyan ko.
Syempre hanggang sa canteen puro kwento pa rin siya. Kulang ata ang isang araw sa kanya para makwento niya sa akin mga gusto niya ikwento. Nakisalo rin sa amin sila Pat at agad na nagtanong sa mga nangyari sa akin. Ibinahagi ko ang iba pero hindi ko na dinetalye pa sapat na yung mga kinuwento ko para magkaroon sila ng ideya. Napuno ng tawanan, asaran at kulitan ang table namin. Miss na miss ko sila at pinagsisisihan ko na ang mga ganitong klase ng tao pa nilayuan ko.
Sila yung mga tao na handang dumamay sa kanilang kaibigan kapag kailangan nito ng masasandalan. Sila yung tipo ng kaibigan na ang pag-iwan sa iyo ang huling gagawin nila. Sila yung tipo ng tao na hindi hahayaan na may mangyaring masama sa iyo. Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan ako ng pangalawang pagkakataon para maitama ang lahat. Tama sila mama at papa, hindi pa huli ang lahat para sa akin magagawan ko pa ng paraan para maisaayos ang buhay ko at para marating ko ang pangarap na inaasam ko noon pa man.
"Mag-iingat kayo ah text niyo kami kapag nakauwi na kayo" sabi ko kila Pat.
"Oo naman kayo rin mag-iingat ah. Sigurado ba kayong dito na muna kayo?" Tanong niya sa amin.
"Oo susunduin kasi ako ni kuya tapos siya naman kakausapin niya" sagot ni Jade.
"May gusto ka sa kuya niya?" Gulat na tanong nila sa akin.
"Hala w-wala a-ah" nauutal na depensa ko.
"Talaga lang ah?" Nakangising tanong nila.
"Wala ako gusto sa kuya niyan nako mala Daniel Padilla ang nais ko" pagyayabang ko sa kanila.
"Sus baka kainin mo yang sinabi mo ah" biro nila sa akin.
"Hinding hindi mangyayari yan hahaha" at nagtawanan naman kami.
"Oh siya bahala na kayo dyan mag-ingat kayo" paalam nila sa amin.
"Kayo rin mag-iingat"
"It was nice to see you again" nakangiting sabi sa akin ni Pat.
"It was really great to see you all again" nakangiti rin na sabi ko.
Nagyakap lang kami at umalis na sila. Tahimik naman kaming naghintay kay Jack na dumating.
"Crystal andito na si kuya" maya maya ay tawag sa akin ni Jade.
"Its nice to see na magkasama ulit kayo" sabi niya sa amin.
"Hindi ko matiis bestfriend ko" sabi ko sa kanya.
"Kuya may sasabihin daw siya sa iyo" biglang sabi ni Jade.
Agad na nanlaki mata ko at siniko ko siya.
Excited amp! Inunahan pa ako magsabi
Agad ako napatingin kay Jack nagtataka niya ako tinignan.
"About what?" Tanong niya sa akin.
"Sige alis muna ako ah hehe enjoy kayo sa pag-uusap niyo kahit tagalan niyo okay lang sa akin hahaha sige dyan muna kayo bye" bigla siya kumaripas ng takbo papunta sa may garden ng school.
Hindi ko pa nga alam sasabihin ko amp. Bahala na kung ano masabi ko.
BINABASA MO ANG
Four Seasons
Cerita PendekLife is full of ups and downs as you walk down the road you are taking. But what if your life is full of downs and the wheel never went up?? Would you give up living your life or would you create a reason to survive?? This is a story of life and fri...