TOP ACHIEVERS:
1- Yvann Donessa
2- Margherita Fabiola
3- Jazed Kang
4- ***
5- Ar-john Ren Ken
6- Ar-jane Rain Ken
7- Kacper Devon
Nakaupo ako sa glass table, nasa kabila naman sila Kuya Kacper at Vann. Nag-hi sa akin si Kuya while snob naman ang Halimaw. Nalaman ko rin na walang teacher na pumapasok, you just have to study on your own. Kapag natanggal ka sa top, goodbye Seventh Circle. At dahil bago ako, nasa ika-pito ako. Top 2 si Rita and nakakagulat man ay top 1 si Vann.
Tumingin ako sa nag-uusap kanina ngunit wala na doon si kuya.
"Puntahan ko muna 'yung mga alaga ko, baka may nag-away na naman. Kung hinahanap mo si Kacper, malamang nasa kusina s'ya." Agad akong nagtungo doon at naabutan ko ang kumikinang sa puti nilang kusina. Lumaki ang butas ng ilong ko nang makaamoy ako ng nilulutong fried chicken. Hmm! Biglang lumitaw ang mga pinggan patungo kay Kuya. Tila lumilipad ang mnga kutsara papunta sa kanya. Oh, right. Telekinesis.
"Nandyan ka pala, Cara. Nagluto na ako, baka dumating na 'yung iba."
Bumalik kami sa sala at nandoon na si Vann na nagbabasa ng libro at si Rita na may hawak na unggoy.
Napatingin ako sa pinto nang mapansin kong may dadating, isang lalaki at isang babae. Nang makapasok sila ay laking gulat ko nang makitang magkamukha talaga sila. Kambal?
"Good morning! Ah- Kuya Kacper!" Agad silang tumakbo at yumakap kay Kuya. Eh?
"Wag kang magselos, close lang talaga sila sa kanya kasi s'ya ang tinuring nilang kuya dito." Kumunot ang noo ko. Ako? Nagseselos?
"Uy, hindi ah!" Tumawa lang siya.
"O sige, sabi mo 'e."
"Ah... hello po, ate," sabay na sabi ng kambal. "Ako po si Ar-john pero tawagin n'yo po akong Ren," "at ako naman po si Ar-jane, pwede n'yo po akong tawaging Rain."
"Hello, ako si Cara, Cara Devon." I smiled at them.
Kung hindi lang mataas ang buhok ng babae ay hindi ko talaga malalaman kung sino ang sino. Makikita mo sa mata nila ang pagiging inosente pero pinapahiwatig ng mga mata nila ang pagiging malakas.
Tinignan ko ang mga mata ni Vann, it's authorative while Rita's eyes shows her joyfulness.
Ngunit kung hindi ako nagkakamali ay may kulang pang isa, si...
"Hello, peeps! Nandito na ang gwapong si Zed!"
"At sino namang nagsabing gwapo ka, aber?"
"Ano ka ba, Rita, given na yan, 'e. Hmm, MERON NANG PAGKAEN?" Napa-face palm si Rita.
"Siya si Jazed Kang, and pinaka-SPG sa amin."
"Hoy, narinig ko 'yon! Cara, 'wag kang maniwala kay Rita, inggit lang s'ya sa akin kasi gwapo ako. WAHAHAHAHA." Pumunta agad siya sa kusina para tignan ang naluto.
"Whoo! Fried chicken!" Na-iimagine ko ang kumikinang niyang mga mata.
"Hayaan mo na, ganyan talaga siya." Napatingin ako sa kusina.
"A-anong stryka niya?" Tinignan ako ni Rita.
"He has enhanced senses. Not just senses but all parts of his body, it is like a combination of Ribina and Ivana. He can enhance his sight or even his speed."
"Siya ang pinakamalakas sa inyo?"
"No, it's Vann."
****
Madlang peeps! Ngayon lang talaga ako nakapag-update. Huhu, hanggang dito na muna kasi nagutom ako bigla sa fried chicken ni Kacper. Hahaha. Till next update! Mwa. ❤
BINABASA MO ANG
Kaius Academy: University Of Peculiar Abilities
FantasíaIsang nakaraan ang babagabag sa kanya. Ang nakaraang pilit niyang tinatakasan. Knowing her real identity, can it really help her? "I don't even know myself. Am I really one of them? Will I fit in? Is this the place I belong? Kaius Academy is my new...
