Ability #6

31 1 0
                                    

SEVENTH CIRCLE. Isang grupo ng mag-aaral na kung saan nangunguna sila sa bawat aspeto. Nagmula ito sa kanilang ninuno na si Yvankovv, ang namumuno ng Seventh Circle noong una itong nabuo. Binubuo ito ng malalakas na estudyante galing sa iba't-ibang uri ng stryka.

Habang binabasa ko ang tungkol dito, hindi ko maintindihan kung bakit papasalihin ako ni Ms. Raven dito. Ni hindi ko nga alam kung ano ang stryka ko. Naalala ko noong sinabi iyon ni Ms. Raven.--

"You'll start your class tommorrow- at the Seventh Circle."

"What?! No! Hindi niya pwedeng palitan si Meve agad! Hindi nga namin alam kung ano ang stryka niya." tinaas ni Ms. Raven ang kamay niya kaya natahimik si Vann.

--

Galit na galit si Vann noong panahon na iyon, hindi ko alam kung bakit. Sino nga ba si Meve?

Pupunta ako sa dorm ko ngayon. Madaming tao ang nasa hallway, nagtatawanan at nagbibiruan.

I hope I could be like them. I hope I can laugh without thinking about the past.

Dumating ako sa dorm ko agad. I saw Rita playing a jigsaw puzzle.

"Ano ba 'to? Ang hirap naman!"

"Hala! Ano yan?"

"Ay, Cara! Nandyan ka na pala. Tulungan mo naman ako, nasira ko kasi."

"Sige, madali lang naman ito." Binuo ko yung puzzle at agad namang natuwa si Rita.

Noong bata pa ako, laging may dalang jigsaw puzzle si Daddy para sa akin, tapos tulong-tulong kami sa pagbuo. Naalala ko naman yung mga panahong yun.

"Wow! Ang galing mo naman, Cara. To think na madami yung mga pieces. Ang taas siguro ng IQ mo." Natawa ako kasi parang kumikinang yung mata niya.

"Hindi naman lahat ng magaling dito, mataas na ang IQ." Napanguso siya.

"But still..." Napatawa naman ako sa kanya.

"Rita, may tanong sana ako."

"Ano?"

"Alam mo ba yung Seventh Circle?" Napatingin siya sa akin.

"Oo, actually, I'm one of them." Biglang kuminang ang mata ko.

"Really?!" Nabigla naman siya sa reaksyon ko.

"Bakit naman?"

"Ano kasi... simula bukas, papasok na ako dyan." Katulad ng akin, kuminang di yung mga mata niya.

"OH MY GOSH! Waaaaaa~! Finally!"

"Anong finally?"

"Finally, may kakampi na ako. Hihihi."

***
"Gising, Cara! Gising!" Pagbukas ng mata ko, bumungad na agad sa akin ang mukha ni Rita, katatapos niya lang ata maligo.

"Malilate na tayo, bilis!" Pagtingin ko sa orasan, it's already 6:30. Oh, goodness.

Nag-ayos kami but still, late pa rin kami. Akala ko, dahil sa akin kaya kami malilate, yun pala, dahil kay Rita. Ang tagal niyang kumilos.

"Sorry talaga, Cara. Sabi ko naman sa'yo malilate tayo."

Nakarating kami sa room safely. Pero syempre, joke lang yun. Nadulas kasi si Rita, hawak niya ako kaya kasama niya akong nafall. Walang sumalo kaya nasaktan kami. Pak ganern.

Pero kidding aside, nakarating kami sa isang malaking greenhouse. Luckily, kaming dalawa pa lang ang nandoon. Umupo kami sa glass table.

Malaki ang lugar dito, maraming puno at may kitchen sa likod. I can't believe na kumasya ito dito.

May biglang dumating na tao, at nagulat ako nang sabay silang dumating. Si Kuya Kacper pati si Vann. Well, maybe they're doormates. Just a hunch. Pero bakit kaya sila nag-aaway? Is it because of me?

"It's not beacause of you." Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Rita. She always read my mind, seriously.

"Isira mo kasi yang ulo mo, your thoughts are flowing."

"Pwede ba yun?"

"Yes, just think that your brain has a door, it is always open. Close it."

I imagined what she told and I hope it worked. I tried reading Rita's mind and went in to her mind's door.

"Nag-aaway nanaman sila, baka ma-awkward na si Cara! Tsk."

"Don't worry, I'm not having an awkward time." I laughed.

"What the-! Did you just read my mind?"

"Hindi naman halata?" We laughed together.

Kaius Academy: University Of Peculiar AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon