Maricar POV..
Sunday Morning Sa bahay ng mga Xavier..
"iha ito na yung magiging kwarto mo "
Simula na daw ng trabaho ko dito sa mansyon ng mga xavier. Kadadating kolang galing sa boarding house ko nun. Umalis na qu nun kase nga dba may free stay naman pag all around maid dito eh. Buti nalang bawas gastos na din to. Medyo ok din naman yung kwarto . Parang pang bisita .May malaking kama ,may maliit na walk in closet ,may sariling banyo, may telepono, may study table, may maliit na terrace. Seryoso sila na maid ako dito?? Iba talaga kong mayayaman. Maids room palang bongga na. Anu pa kaya yung masters Bedroom.
"Manang, lahat po ba ng maids room dito ganito ka bongga??"
"ahh ou iha, kaya madami talagang nag tatagal na kasambahay dito dahil sa mabuting turing ng mga xavier samin. Masayahin ang mga nakatira dito .Kaso medyo nag iba nung umalis si Madame Carmela at pumunta sa ibang bansa si Master Walter."
"Kapangalan pa ng mama ko yung Madame nyu , ang galing.hehehe. Teka po si Madame Carmela po ba yung nasa portrait na nasa Living room?"
"Ou, siya nga. Pinagawa yun ni Master Walter para sa kanya, Pinapakuha na nga yan ni Young master clark eh. KAso ayaw naman ni Master Walter"
Napalingon ako kay manang. Pinapakuha? May tampo siguro si Clark sa mama niya. Pareho pla kami.hmmm
"bakit daw po??"
"ahh ehh.. Di ko alam iha eh. Sige. alis na qu. Madami pa akong gagawin eh. Nga pala ang una mong gagawin eh. Gisingin si Young Master Clark at Young Master Carl."
Tumango tango nalang ako kay manang na halata namang iniiwasan niya talagang sagutin yung tanong kung yun. Siguro Confidential na yun. Anu ba yan!! Ako pa pala mang gigising sa mga taong yun.
Okay!! First stop sa mayabang na lalaking si Clark!!
*KNock* *Knock*
"Young Master Clark??Gising na po..9 am na po"
Aba Aba ayaw pa magising oh! tsk pahirapan. Nakailang katok na din ako. Hmmpft. Napasandal nalang ako sa pintuan ng kwarto niya habang hinahawakan yung mahabang laces ng maids uniform. Imagine nyu nalang yung maids uniform na parang pang cosplayer. Bongga dba?? Yan yung mga suot ng mga medyo mga teenager pang mga maids dito. At isa ako sa swerteng nakapagsuot!! hahaha..Sa sobrang pagkasandal ko di ko namalayang bukas pala.
"Aray ko naman!"
Napa aray nalang ako sa pagkabagsak ko sa sahig. Bukas pala tong pinto. Nakakaloka. Tumayo ako at iginala ang paningin ko .Nasa loob ako ng kwarto ni Clark. Black and White ang theme ng kwarto. Madaming Abstract Painting sa wall. Ang ganda naman. Siya kaya nagpaint nito . Doble pa sa laki ng kama ko yung kama nya. May malaking glass door at sa labas nun eh yung Malaking Terrace. Linapitan ko na siya sa kama niya. Ang himbing lang ng tulog eh. Makapulupot sa kumot wagas. tsk tsk. Hmmm panu ko kaya gigisingin to.
"Hoy, Young Master gising kana.. Breakfast na po"
Tinapik tapik ko sya sa braso niya. Gumalaw naman siya kaso parang may mga luha sa gilid ng mata niyang nakapikit.Hmm nanaginip siguro .Napako ang tingin ko sa mukha niya. Ang perfect ng shape ng mukha. Ang gwapo niya.
"Mom ! Pls. Stay!! Pls. Stay!!"
"huh???"
Mom?? ...Napapaniginipan niya yung mama niya ngaun. Madalas din ako managinip ng tungkol sa mama ko . Kaya lang yung mga Good Memories naman lahat yun.
"ahhhhhhhhhhhh"
Potes!! Hinila niya ako palapit sa Chest niya!! And ngaun kolang na realize, Wala siyang damit!! Mahigpit niya akong yinayakap ngaun .ahhhh.. The abs men!! woooooohh namamanyak na ang isip ko.!!!!
*dug dug dug dug*
>_________< waaahh abnormal heart beat!!!
"a-ah Clark?? Clark?? Bitawan mo na ko pls. Di na ko makahinga.."
"No!! Dont leave me mom!! huhuhu"
Hala umiiyak na nga siya. Panu ba to. Hinimas himas konalang yung likod niya para di na siya umiyak. Anu kaya nangyari at iniwan siya ng mama niya. hmm. Siguro nalungkot din siya ng sobra . Mahirap ang lumaki ng walang ina. Lalo na kung di mo alam kung anu dahilan ng pag alis at pag layo niya. Hayss. Pero kahit papano nakakayanan ko nanaman eh. Hindi na ako nagkakaroon ng eagerness na balang araw makikita ko siya. Pinaniwala ko na ang sarili ko na di na niya ako babalikan.
"WHATT THE...."
"M-maricar??Kuya??"
Napalingon ako sa mga nagsalita.. Si carl at isang pamilyar na babae ang nasa pintuan . Yung babae parang gusto akong sugurin sa mga tingin niya sakin. Hala anu ba kasalanan ko jan? Ay teka nga.....
"WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH.. OY CLARK AY ESTE YOUNG MASTER BITAWAN MO NA AKO!!!"
"JEEEEEEEEEZZZZZZZZZZ.. WHAT THE BAT KAYAKAP KITA???!!!"
=__________= Shunga to. Ako pa tinanong kung bat siya nakayakap sakin. Baliw!!
BINABASA MO ANG
Psst! Panget I Love You![ON GOING <3]
RomanceA Deja vu Yet pinaglaanan ng Effort na story ng isang Panget na Babae, XD Pag aagawan daw ng Dalawang Cutiee and at the same time Hottie na magkapatid. Tamo! ang swerte ng ating bida.^^_ Ang isa eh may gusto na talaga sa kanya from the start. Habang...