2 weeks after. Nasa loob kami ngayon ng music room. Kasama ko sina D.O., Chen at Luhan hyung. May practice kasi kami. Kasali kasi kami sa music club, hindi sa pagmamayabang pero maganda naman boses naming.
"And now that you've come back
Turned night into day
I need you to stay~"
Ang ganda talaga ng boses ni Luhan hyung, kasing ganda niya.
"So now I come to you with open arms
Nothing to hide believe what I say
So here I am with open arms
Hoping you'll see
What your love means to me
Open arms, ohh~
Hoping you'll see
What your love means to me
Open arms~"
Kinanta namin ang dulo. Habang kumakanta kami, I can sense na sa'kin nakatingin si Chen. Nakikita ko siya sa peripheral view ko.
"Ang ganda talaga ng boses mo Chen-ssing, may pinaghuhugutan, ah?" Sabi ni D.O, si Chen lang pinuri? Napatingin ako kay Chen at nagulat ako dahil sa'kin din siya nakatingin.
"Alam kong maganda boses mo, pero mas maganda parin ako." Sabi ko sa kanya at inirapan ko siya, ngumiti lang siya sa'kin.
"Oh pa'no, aalis na ako, ha? Hinihintay kasi ako ni Sehun. May bubble tea date kami." sabi ni Luhan hyung. Yan ang tunay na manly xD
"Sabay na ako sayo Luhan hyung. Baka may ginagawa na naman kasi si Kai na hindi maganda. Sige alis na kami."
Umalis na silang dalawa. Niligpit ko na din yung mga gamit ko, lunch na kasi. Ayokong maubosan ng pagkain sa cafeteria.
"Baekhyun, gusto mong kumain? Treat ko." alam kong weird kinikilos niya nitong mga nakaraan pero kahit na, siya parin si Chen. Ang kaibigan kong si Chen na troll.
"Talaga? Kailan kapa natutong manlibre? Tino-troll mo na naman ba ako? Sinasabi ko sayo Chen, tumigil ka kung hindi tutusukin kita ng eyeliner ko." Banta ko sa kanya saka pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko.
"Eh, Baek naman eh. Totoong ililibre kita pero next time, ikaw muna ngayon. Sige na." Sabi na eh. Nakailang next time na ba to sa'kin?
"Tigilan mo nga yang pag-aegyo mo, hindi bagay sayo. Lumayo ka nga!" Nakakapit kasi siya sa braso ko habang nagpapacute. Trying hard lang ang peg?
"Oo na! sige na, lilibre na kita matigil ka lang."
"Yes! sabi na e, dimo rin ako matiis."
Paalis na kami ng biglang dumating si Chanyeol na ang lawak ng ngiti. Not to mention na nakakatakot siyang ngumiti.
"Hi guys."Lumapit siya samin - I mean, sakin pala. Tiningnan ko si Chen na nakayuko na naman. Natakot 'ata sa derp face king ng grupo namin.
"Bakit Chanyeol? Kakain kami ni Chen ng lunch, sama ka?"
"No. Baby smurf, come with me. May ipapakita lang ako sayo. Chen hiramin ko muna baby smurf ko ah?" Bago pa man ako makasagot ay nahila na niya ako at dinala sa isang room na kami lang tao. Oh My!
"Hoy Giant, ano to?"
"Ahm, room?" Sagot niya kaya napapoker-face ako.
"Gegu, alam ko. Ano bang ginagawa natin dito?"
"Baek, chill lang. Gusto ko lang iparinig sayo yung rap na kakantahin namin sa school program natin next week." Oo nga pala, may program kami next week at lahat kami kasali. Hindi niyo naitatanong, sikat kami sa school.
"Yun lang? Pambihira, sana sinabi mo na kaagad. Pwede mo namang kantahin yan sa bahay. Gutom na ako, Chanyeol."
Talaga namang gutom na ako, naiwanan ko pa doon si Chen. Napatingin ako sa kanya ng may isang box ng cookies ang nilagay niya sa table.
"Baby smurf, sorry. Gusto ko lang namang sa'yo ko unang iparinig eh." Nagpout siya. Dug dug dug. Walang hiyang puso ka, magbehave ka nga! "Tsaka alam kong gutom ka kaya nagpatulong ako kay D.O. na gumawa ng cookies para sayo. Masarap yan promise." Okay na sana. Kikiligin na dapat ako kung di lang siya nag derp.
Nagsimula na siyang magpatugtog. Two moons yung title ng kanta. Hindi ko maiwasang hindi siya tingnan, ang gwapo pala talaga niya. Napatingin siya sa'kin kaya nagkatitigan kami, pakshit! Si heart nagwawala na naman!
"Baby smurf, okay ba?"
"Ha? Ah, oo. Galing! A-ang galing mo Chanyeol, haha." Sabi ko, 'di ko namalayang tapos na pala siyang kumanta. "Sige alis na tayo." Tatayo na sana ako nang hawakan niya braso ko. Bakit baa ng hilig nitong humawak ng braso?
"Baby smurf, kantahan mo rin ako please. Yung lucky gusto kong ikanta mo sakin."
"Ha?"
"LUCKY. Kantahan mo ako ng lucky tapos kunwari tayo yung tinutukoy sa kanta."
'Yon nga nangyari, kinantahan ko siya habang siya naman ang nagge-guitar. Nang patapos na yung kanta ay bigla niya akong sinabayan.
"So lucky, my love
So lucky to have you
So lucky to be your love, I am hmm~"
Napatingin ako sa kanya. Ang swerte ko dahil nakilala ko siya, naging kaibigan pero magiging lucky parin ba ako pag nalaman niyang—
"Yah. Tayo na, kanina kapa tulala jan."
"Ha? Ah oo, t-tayo na."
Pabalik na kami sa room namin. Hindi ko siya kinikibo kasi naman si heart nagluluko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong akbayan at nilapit sa kanya.
"Baby smurf, you're so lucky." Napatingin ako sa kanya.
"Ha? Anong lucky?"
"So lucky to have Me." Namula ako dahil sa sinabi niya at napayuko, kaya lang. "So lucky to have a best friend like me."Dugtong pa niya. Oo nga pala. Bestfriends lang kami. Dapat matuwa ako kaya lang... Bestfriend lang ba talaga?
- -
(Edited.) Vote and Comment.
BINABASA MO ANG
Hoy, Giant! I LOVE YOU! (Baekyeol Fanfic)
FanfictionChanbaek / Baekyeol Fanfiction. Just read for more info. ^^,