(Baekhyun's POV)
"Hoy Bacon, 'di kapa babangon jan?"Rinig kong sabi niya sa'kin. Hindi ko siya pinansin, kanina pa ako gising kaso tinatamad lang muna akong bumangon.
"Hoy, Bacon! Pag hindi ka gumising jan magtatampo ako sayo." Napangiti na lang ako, nai-imagine ko kasi mukha niya. Bakit naman siya magtatampo, aber?
"A-aray! Ano ba Channie! Umalis ka jan, ang bigat mo kaya." Walang hiya naman kasi, dumagan sakin, eh, ang laki niyang tao kumpara sa'kin.
"Ayaw mo kasing bumangon eh— Teka! Sino yung Channie na tinawag mo? Walang hiya naman baby smurf eh! Ako yung kasama mo tapos iba pinagpapantasyahan mo? Pa'no ako?" Nakapout siya nung hinarap ko siya. Naku, tumigil ka baka mahalikan kita jan.
"Ang laki-laki mong tao, ang tanga mo. Ikaw kaya yun! Chanyeol, Channie. Parehong ikaw yun." Sabi ko at bumangon na... hindi siya nagsalita kaya tiningnan ko ulit siya. What the F? Ang pula niya!
"Teka! Anung nanyari sayo? M-may sakit kaba? Channie, ano may lagnat kaba ha?" Nag-aalala kong tanong at lumapit sa kanya. Hahawakan ko sana mukha niya kaso tinakpan niya.
"Baby smurf naman, eh." Sabi niya na nakatakip pa din ang mukha. Juice colored! Ano bang nangyari dito?
"Teka. Ano bang nangyayari sayo?"
"Channie..." Nahihiya niyang sabi.
"Ha?"
"Eeh, kinikilig ako. Ang cute naman ng tawag mo sakin. Channie, ang cute!" Seriously?
"Hoy, heganti. Ano bang nangyayari sayo? Ang pangit mo namang kiligin kung gano'n." Syempre joke lang yun, ang cute kaya niya. Tatayo sana ako ng bigla niya akong hilain pabalik sa kanya. Ito na naman po ang hila niya.
"Wag yan. Mas gusto ko yung Channie." Napatingin ako sa kanya... Pigilan niyo ako, baka mahalikan ko 'tong kaharap ko.
"Tatawagin kita sa kung anong gusto ko, okay?" Sabi ko sa kanya saka lumabas ng room namin. Narining ko pa siyang tinatawag ako, bahala siya jan! Baka mamatay ako sa kilig no.
- -
"Okay guys! Kayo na ang sunod. Galingan niyo ha? Good luck!" Sabi nong teacher namin, kami na ang susunod na magpeperform. Nakakakaba naman ito!
"Baek, galingan natin ha?" Napatingin ako kay Chen na nakataas ang kamay. Nginitian ko siya.
Dahil nasa backstage kami, sumilip ako sa mga audience. Jongina! Bakit ang daming tao?? Isa lang naman hiling ko ngayong araw na ito eh, na mapanood niya akong kumanta. Bakit may mga EXTRA?? Tapos ang dami pa?
"Kaasar! Diko pa siya makita." Bulong ko habang nakapout.
"H'wag mo ngang ginagawa yan." Napatingin ako sa nagsalita.
"Channie?" Hindi ko mapigilang ngumiti, kasi naman andito siya. "Buti naman at manunuod ka. 'Kala ko di kana sisipot dito." Sabi ko sa kanya saka nagpout ulit.
BINABASA MO ANG
Hoy, Giant! I LOVE YOU! (Baekyeol Fanfic)
FanfictionChanbaek / Baekyeol Fanfiction. Just read for more info. ^^,