(Chanyeol's POV)
"Yah, Yah, Yah! Hyung, mali naman yang sayaw mo, eh." Sigaw ni Kai kay Kris hyung. Pa'no, saming lahat siya lang ang nahuhuling makakuha nung stepping.
2 days na lang ay school program na. Nagrequest ang madla na sumayaw kami para sa especial number kaya ito kami ngayon, nagpapagod magpractice.
"Jongin, uso magpahinga. Alamo bang pagod na pagod na ako? Alam kong hindi kapa pagod pero Jongin naman! Pagod na pagod na kami, pwedi magpahinga?" Sabi ni D.O. na nakaupo sa sa gilid habang minamasahe ang hita.
"Ha? Pasinsya na hyung ah? Sorry talaga, kala ko hindi kapa pagod. Sorry talaga Baby Soo." Kung makapag sorry naman 'tong si Kai parang wala nang bukas.
Habang nagpapahiga ang lahat, lumapit ako kay Kai...
"Kai, gusto mo ng tubig? Ito tubig mo. Pahinga ka naman Kai, baka mag-collapse ka nyan eh." Sabi ko at inabot ang tubig sa kanya. Saming lahat, alam kong siya yung mas pagod na pagod.
"Salamat hyung."
"Kai, may dala akong fried chicken. Tara kainin natin." Kinuha ko yung baonan ko na may lamang fried chicken, niluto ko'to kaninang madaling araw para sa kanya. Masarap kasi kumain kapag kasama mo idol mo.
"Wow! Hyung, pahingi naman oh?" sabi ni Sehun na aabot sana ng manok kaya lang agad kong pinalo kamay niya.
"Yah! Para kay Kai lang yan Sehun."
"Eh, hyung gutom na din ako. Thige na hyung pleathe." Nag-aegyo pa ang loko. Hindi ba niya alam na hindi ako tinatablan ng kahit anong klaseng aegyo?
"HINDI! Alis na!" Sabi ko kaya ayon, nakasimangot siyang lumapit kay Luhan hyung.
"Bakit mo naman ginawa yun hyung? Ayan tuloy, pinaiyak mo yung maknae natin."
"Okay lang yun. Pasinsya siya mas gusto kita eh." Bigla na lang siyang nabilaukan. May nasabi ba akong mali?
"Oy, ayos ka lang? Tubig, oh." Inabot ko sa kanya yung mineral ko, nainuman ko na yon. Yeeih, ito ba tinatawag nilang indirect kiss? Ang saya naman!
"Salamat."
Pinagpatuloy niya ang pagkain. Nakatitig lang ako sa kanya habang siya naman ay busy sa pagkain ng chicken. Ang cute talaga ni Kai.
"Kai, sinong paborito mong hyung?"
"Hmm?"
"Sinong paborito mong hyung? Ako diba?" Nilunok muna niya yung pagkain sa bibig niya bago sumagot.
"Sorry hyung, pero si Kyungsoo hyung mas gusto ko." WASAK!
BINABASA MO ANG
Hoy, Giant! I LOVE YOU! (Baekyeol Fanfic)
FanfictionChanbaek / Baekyeol Fanfiction. Just read for more info. ^^,