Chapter 2

13 1 1
                                    

"Hoy Gunner! Tulungan mo naman akong pumili dito. Alam mo namang wala akong kaalam alam dito." inis kong sabi sa kanya na nakairap lang sa akin habang pumipili ako ng damit.

"Sabihin mo muna kasi kung anong meron!" wala na akong ibang magawa kundi ang sabihin sa kanya ang plano ko para bukas.

Nagpasama ako sa kanya dito kasi mas may alam kasi sya sa mga ganito. Mayamin eh. Wala naman kasi akong alam sa mga fashion fashion basta may isusuot, okay na. Pero ang gagawin ko bukas ay special kaya dapat paghandaan ko talaga 'to.

Tapos 'tong kasama ko naman dito ayaw pa akong tulungan napakawalang puso. Ayy dejoke lang. Hahaha :D

"Kung kanina pa lang sana sinabi mo na tapos na sana tayo ngayon!" sumbat nya pa sa akin na ngayon ay pumipili na ng damit.

"Ang dami mo pa kasing arte!" hasik ko pa sa kanya na busy pa din sa pamimili. Habang ako nakatingin na lang sa kanya.

"Oh ito! Isukat mo!" at inilahad nya sa akin ang mga napili nyang damit. Ang dami.

Nakailang labas-pasok sa loob ng fitting room bago nya sabihing okay na ang isinuot ko. Kapagod pala ang pumili ng damit. Bibili pa sana kami ng sapatos pero umaangal na ang loko dahil umano gutom at pagod na sya. May madaming sapatos naman daw sya dun sa bahay nya kaya 'yun na lang. Tss. Ano akala nya sa akin? Di ko na lang din tinanggihan dahil sabi pa nga nila masamanag tanggihan ang grasya.

Kumain muna kami sa isang restaurant bago kami umuwi. Ang mahal nung mga kinain namin. Tubig na lang nga sana ang oorderin ko kasi sya 'tong umorder ng marami, hindi pa nga namin naubos eh mabuti na lang sya ang nagbayad. Malaki ang naging savings ko nang dahil sa kanya. Hahaha medyo malaki laki pa ang naiwan sa inipon ko. To the rescue talaga 'tong kaibigan ko.

Pagdating namin sa bahay nila ay kinuha nya kaagad ang cellphone sa bulsa nya at may kung anong hinalukkitkit at nagfocus na doon. Binalewala ko muna sya at inayos ang mga dala namin kanina sa isang tabi bago ako lumapit sa kanya.

"Sobrang focus mo dyan ah? Ano ba kasi yan?" kung makatingin kasi sa cellphone nya wagas.

"Wag ka na lang maingay. Kung gusto mo manood ka na lang din." sabi nya na hindi man lang tumingin sa akin.

Gaya ng sinabi nya ay sumilip ako sa pinapanood nya. Pero dahil sa gulat sa nakita ko ay naitulak ko sya na naging dahilan para mapakamot sya sa inis at halatang nagpipigil.

"Bakit ka nanonood ng ganyan, Gun? Kailan mo pa natutunan nyan? Matagal na ba ha? Di mo ba alam na masama 'yan?" sunod sunod kong tanong sa kanya sa gulat. Di ko lang kasi maisip na gumagawa sya ng ganyang mga bagay.

"Alam mo? Napakainosente mo masyado. Alam mo, tol... natural lang naman sa ating mga lalaki 'to eh. Ano ka ba? Wala namang mawawala sayo kapag gagawin mo'to. Masarap pa nga sa pakiramdam eh. Nakakawala ng stress." pagpapahinahon nya sa akin habang pinatingin sa akin ang video na nasa cellphone nya. Hindi lang basta video kundi porn talaga.

"Pero hindi pa rin pwede na gawin ang bagay na'to, Gunner." banat ko pa sa kanya.
"Teka lang. Tapatin mo nga ako, paano ka ba natoto neto, ha?" tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo.

Halos araw araw kasi kaming magkasama nila Reese, Marga at ako  pero di ko man lang napansin na may tinatagong libog pala ang lalaking 'to. Tsk tsk tsk.

"Nakakahiya mang sabihin... pero si Marga ang nagturo sa akin nyan tol eh." mahinang sabi nya habang nagpalingo lingo. Sarap pektusan ng loko. At ano daw?

"Gago! Dinamay mo pa si Marga!" malakas na bulalas ko sa pagmumukha nya at sinuntok ang braso ng mahina. Si Marga ay girlfriend nya at sa hinhin ng babaeng 'yun? Impossible!

"Ayaw mong maniwala?" maangas at matapang na tanong nya sa akin na para bang hinahamon ako dahil hinahamon nga pero lumingo lingo lang ako dahil di talaga ako maniniwala.
"Ayaw mo talaga?" sa pangalawang pagkakataon ay lumingo ulit ako.
"Ayaw mo talaga ah. Oh ito! Tignan mo!" at matapang nya ngang inilahad sa akin ang cellphone nya.

Nagulat na lang ako sa nakita ko dahil si Marga nga mismo ang nang akit sa kanya at nagpadala naman ang loko. Habang pinapanood ko ang video nilang dalawa ay nakadilat talaga ang mata ko sa gulat. Di ko kasi maimagine ang ginawa ng isang mahinhin na Marga'ng kilala ko. 

Nung nandun na sila sa part na simula ng isang kababalaghan ay patapon kong ibinalik sa kanya ang cellphone nya. Nakakakilabot kasi 'yung ginagawa nila at parang nag iinit yung buo kong katawan at biglang nanindig ang balahibo ko. Dagdagan mo pa na parang hinihila pataas yung buhok kasabay ang malakas na pintig ng puso kaya di ko talaga kinaya. Nakakabaliw.

"Hoyy! Denver Veicina! Parang hindi na man lalaki tol." natatawang sabi nya sa akin at pinulot yung cellphone nya.
"Ano naniniwala ka na? Meron pa ako neto oh." dagdag nya na may hinanap na naman sa cellphone nya.

"Okay na. Okay na!" awat ko sa ginagawa nya. Sapat na 'yun para maniwala ako. Ayaw ko nang makakita pa ng kung anong kababalaghan na naman.

"Tol?" biglang seryusong sambit ni Gun.

"Oh?"

"Open minded ka ba?" napakunot lang 'yung noo ko sa sinabi nya.
"Tigang ka na ba?" nasuntok ko sya sa braso dahil sa kung ano aning mga sinasabi. Gagong lalaking 'to.

"Subukan mo na!" dagdag nya pa at sinabi din nya ang mga gagawin ko pero di ko muna iisipin 'yun. Ang bukas muna ang iisipin ko, tsaka na muna 'yung kalokohan ni Gunner.

I am Denver Veicina, the conservative friend of Gunner Salsalejo, the seductively angel.

Heaven at First, Hell at LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon