"Ang unfair naman ata dapat makatikim din si Reese nito." pagmamaktol ni Marga na itinaas ang baso na may laman ng alak.
"Isa shot lang, Denver.""Ako na la--"
"Di. Okay lang, Ver." agad nyang kinuha ang baso sa kamay ni Marga na halos nangalahati ang laman ng baso at walang pag alinlangang nilagok ang laman nun. Napaubo syang ibinaba ang baso at di maipinta ang mukha.
Bakas na bakas sa mukha nya na hindi nagustuhan ang laso. Mahigpit syang napahawak sa'king braso at maasim na kinilig.
"Sabi ko naman sayo akin na lang yun eh." pag aalo ko sa kanya habang hinahagod ang likod nang napaubo na naman ulit sya. Itinaas nya kamay na sinasabing okay lang.
Kaya ngayon, apat na kaming umaangkin sa baso. Paikot pa rin ang sistema at kasama na sya. Mukhang nasanay na nga ang dila ko sa lasa ng alak eh. Pero di pa rin maiwasang mangasim ang mukha ko sa sama ng lasa.
Kung ano-ano na lang din ang napagkwentuhan namin. Lalo na ang mga karanasan namin ni Gunner nung high school pa kami. Kinuwento ko din kung paano nya naging crush si Marga at kung ano ang mga palihim nyang damoves. Angal na angal pa nga sya dahil wala syang pangkontra sa akin dahil di ko naman sinabi sa kanya noon kung gaano ko kagusto at minahal si Ree simula noon hanggang ngayon.
Di rin nakaligtas ang pagkwento nila nung karanasan nilang dalawa. Nakakailang para sa aming dalawa ni Ree na walang alam sa mga sinasabi nila. Pero sa kanila parang wala lang. Sabi pa ni Marga okay lang naman gawin 'yun dahil gumagamit naman daw sila ng proteksyon. Ngiting natatae lang ang reaksyon ko at kahit na si Ree ay ganun din sa kwento nila. Nakakakilabot.
Ngiti-ngiti lang si Ree sa tabi ko at minsan sumasabay sa ibang pinag uusapan namin. Habang si Marga naman ay kinikilig na natatawa sa pinaggagawa ni Gunner noon.
Ang sarap balikan ang mga alaala lalo kung ito'y nagpaparamdam sayo ng matinding ligaya. Mga alaala na puno ng pagmamahal. Ang sarap sa pakiramdam. Napangiti na lang ako sa mga naisip ko at ibinaling ang paningin sa aking katabi. Napalawak ang ngiti ko nang makitang nakangiti syang nakatitig sa akin.
Niyakap ko sya't hinalikan ang kanyang noo at buhok. Masaya kong ibinalik ang paningin sa kaharap namin na hindi din magpapatalo sa kasweetan.
"Tama *hik* na! Di ko na *hik* kaya!" pagsuko ko. Dahil parang lumulutang na ako sa ere.
I feel like I'm in the outer space escapade the beauty of the universe like an astronaut. Hehehe d^____^b
Feeling ko umiikot ako sa ibabaw mundo habang kayakap ang taong mahal ko na si Ree kasama ang mga kaibigan namin na sina Marga at Gunner na masayang naghaharutan din.
"Konti na lang oh!" tutol naman ni Gunner habang itinaas ang bote na di ko alam kung may laman o wala na ba 'yun.
Kahit na masyado blured na ang paningin ko nahagip pa rin ng mata ko ang babaeng mahal ko na nakapulupot sa braso ko. d*_*b
"Hmmm.. Ver? Nasa *hik* outer space ba tayo?" tanong ni Ree sa gitna ng aming paglalakad patungo sa kwarto namin.
Di ko na mabilang kung ilang beses na kaming nabunggo at natumba. May nasipa pa nga ako't biglang sumabog eh. Fireworks siguro yun. Tapos nabunggo na naman ako sa isang matigas bagay.
Siguro andaming kahoy sa outer space, andami kasing humaharang sa paglalakad namin. Pero saan naman 'yun tutubo? Hayst. Nakakabobo. Baka may floating soil dito sa outer space at dun tumubo.
"Mukha *hik* nga, Ree. Madami *hik* pa lang kahoy *hik* sa outer space." Wala sa sariling sabi ko at pareho naming ibinagsak ang sarili sa kama.
"Nakakapagod pa lang *hik* pumunta sa *hik* sa outer space, Ver." Bumuga ng hangin si Ree at humikab senyales na inaantok na nga sya.
×××THIRD PERSON'S POV×××
"Balik na tayo *hik* sa earth, *hik* Ree." Halinghing ni Denver na nakapikit na ang mata.
"Ang init ng earth!" Biglang sigaw nya pa't pasuraysuray na tumayo sa pagkakahiga.Dahil sa init na nararamdaman nya sa kanyang katawan, wala sa sariling inalis nya isa isa lahat ng saplot sa kanya at tinapon sa kung saan tanging ang summer short lang naiwan na saplot sa kanya bago bumalik sa pagkakahiga nya.
Feeling nya kasi sinapian ng yokai ni naruto ang mga bagay sa paligid nya, nagtimes two times two. Suko na rin ang katawan nya kaya humiga na sya at walang pakialam kung ano man ang naging posisyon nilang dalawa.
They position theirself to the bed parallelaly.
"Nasa *hik* Mercury na ata *hik* tayo, Ver. Suppahot!" Halinghing din ni Reese na paikot ikot sa higaan hanggang sa nahulog sya.
"Awts. *hik* Tumama ang ulo ko *hik* sa Mercury. Shakeyt! *hik*" Bumangon sya pero kaagad naman syang natumba sa hinihigaan ni Denver na lupaypay din. Di na lang sya bumangon ulit subalit nakahiga nyang hinubad ang T-shirt at skirt nya tanging short at bra lang natitira sa kanya."Ver, ayoko ko nang *hik* bumalik dito sa *hik* Mercury. Shohawt!" Huling halinghing nya't tuluyan nang nakatulog sa tabi ni Denver.
Sa kabilang kwarto este banda...
MARGA's POV
Tumama nga sa amin yung tatlong bote ng alak sa amin. Habang papasok kami sa kwarto namin ay pasuray suray kami ni Gunner na yakap yakap ako't walang tigil sa paghalik tenga't leeg ko.
Napahalinghing na lang ako sa sensasyon na aking naramdaman sa kanyang ginagawa sa akin.
Pagpasok namin sa kwarto ay agad nya akong siniil ng halik. Di ko man lang namalayan na wala nang kahit anong saplot ang natira sa aming mga katawan. Sa isang iglap lang, ang maiinit naming katawan na pala ang aming pinagsasaluhan sa gitna ng gabi.
Magkatugma ang aming nararamdam.
Ang makamit ang kaligayahan.
Dulot ng nag iinit na katawan.
Nang dalawang taong nagmamahalan.
Sa gitna ng kadiliman.
Ito'y kanilang pagrausan.