Hapon na nang napagdesisyunan kong pumunta sa bahay ni Gunner para ayain sana syang lumabas. Wala naman akong ibang magawa sa bahay dahil umalis si nanay para mamalengke.
Nang makarating ako sa kanila ay agad kong binuksan pintuan at pumasok. Tss. Ang tahimik na naman ng bahay nila siguro umalis na naman yung parents para sa kanilang business. Napalingo lingo na lang ako sa naisip ko. Naawa kasi ako sa kanya kong 'to bukod sa akin, kay Reese at kay Marga ay wala na syang nakakasama pang iba dahil palaging busy yung parents nya, 'yung ate naman nya may asawa na din at nandun din nagstay sa ibang bansa kaya sya lang talaga mag isa dito sa napakalaking bahay nila.
Umakyat na lang ako para puntahan ang kwarto nya at naabutan ko nga syang nakabulagta sa kama nya na mahimbing na natutulog. Tinignan ko ang palagid ng buong kwarto nya at ang kalat kalat na naman. Kailan ba nong huli naming nilinis 'tong kwarto nya? Nung nakaraang araw lang ah? Tapos ngayon? Hay naku, Gunner! Napakamot na lang ako habang tinignan sya.
"Nagpakasarap ka talaga ng tulog dyan ah!" mahinang sabi ko habang nakangisi sa naiisip ko. Di man lang napansin ang pagdating ko.
Tumakbo ako patungo sa kanya at padapa kong ibinagsak ang sarili sa bandang tyan nya na agad namang napabangon ang ulo nya.
"Ugh! Ta*na!" mariin nyang ungol sa sakit siguro habang napapikit pa rin. Hahaha :D
Napahagikhik na lang ako sa ginawa ko. Trip ko talagang badtripin sya minsan pero mahal ko pa rin naman 'to no. HAHAHA lols. Itinulak nya ako kaya muntik pa akong mahulog sa kama nya. Nakakunot pa rin ang noo nya.
"Pano ka nakapasok dito?" inis nyang sabi sa akin na halos di pa rin nakabuka ang mga mata nya.
"Dumaan sa pinto, syempre!" pilosopo kong sagot sa kanya.
Pero tama naman 'yun diba? Sya 'tong patanga tanga dahil di marunong maglock ng pinto kaya kung may magmamasamang loob man dito sa bahay nila, kasalanan na nya yun dahil sya pa mismo ang nagbigay ng chance sa mga masasamang loob.
"Tss. Anong kailangan mo?"
Di ko na lang sinagot ang tanong nya, hinila ko na lang sya papunta sa banyo nya at itinulak sya sa loob para maligo. Nagpabigat pa ang loko dahil halos di makahiwalay sa kama nya at kailangan ko pa talaga syang hilahin ng buong pwersa.
"Bilisan mo! May lakad tayo!" sigaw ko sa tapat ng pinto ng banyo nya para magising ang diwa nya.
"Dami mong alam! Disturbo!" pagdadabog nya pa sa loob. Dinig na dinig ko kasi ang mga kalampag sa loob. Hahaha sarap asarin ng bagong gising.
"Bilisan mo na lang, pwede? Dami pang satsat."
Sinagot lang nya ako ng malakas na kalampag sa loob ng banyo. Hahaha pikon. Habang hinihintay syang lumabas sa banyo ay ihiniga ko ang sarili ko sa malambot nyang kama at dinampot ang isang libro na nasa side table para basahin. Nagbabasa din pala ng love story ang mokong na'to akala ko kagaguhan lang ang nalalaman.
Malapit na ako sa ending ng binabasa ko at di pa rin lumalabas si Gunner sa banyo. Ang tagal namang maligo akala mo kung sinong babae e napakalalaking nilalang.
"Hoyy, Gunner! Natulog ka naman ba dyan?" sigaw ko sa tapat ng pinto ng banyo nya habang malakas na kinatok ito.
"Ahhhh. Ano ba? M-malapit na ako." tss. Totoo? Inaantok pa rin sya?
"Mag iisang oras ka na dyan sa loob. Bilisan mo!" sa muling pagkakataon ay mahina kong hinampas muli ang pinto.
"Oh-ohhhh n-ngah!" anong nangyare sa lalaking 'yun? At mukha ngang inaantok pa. Hay naku! Baka hindi pa nakasimulang maligo yun.
Kasi naman diba? Kapag naliligo kasi tayo mawawala na 'yung antok. Aba! Iba din talaga trip nito. Kinayang matulog sa banyo. Tsk tsk tsk.
"Wooahh! Success!" bulalas nya kaagad nang makalabas siya sa banyo.
"Huh? Success?" takang tanong ko sa kanya. Ano naman daw 'yun? Weird. Ang weird ng lalaking 'to.
"Wala. Saan ba tayo?" pag iiba nya pa nang usapan habang nagsusuot ng damit.
"Labas tayo, tara." sabi ko at inakbayan ko sya para igayak papalabas ng kwarto.
"Sandaliiii!" pagpumiglas nya pa at kinuha ang cellphone nya muntik pang maiwan.
"Ano ba kasing gagawin natin dito sa mall? Madami naman akong damit, sapatos at ano pa man dun sa kwarto ko?" angal nya pa nang papasok na kami sa mall.
"Wag ka ngang maingay. May bibilhin lang ako, okay?" sabi ko sa kanya at pinagdilatan sya ng mata. Napakamot lang sya sa kanyang ulo at sumunod na lang sa akin kung saan ako pupunta.
"Ginawa mo lang akong buntot dito eh!" Tsk. Ang ingay naman nito.
"Pwede bang manahimik ka muna dyan? May ipapakita lang naman ako sayo kung okay ba o hindi eh! Excited lang?" nagmake face lang sya habang inis akong nagpapaliwanag sa kanya. Tss. Parang bata talaga.
Excited na ako kung ano man kinalalabasan ng gagawin ko at the same time kinakabahan rin baka kasi hindi uubra at masasayang lang ang effort ko. Ngayon ko lang 'to gagawin kaya dapat todo na. Bahala na talaga si Batman. Sana naman kumampi ang tadhana sa akin kahit na sa pagkakataon lang na 'ito.
Sana ako na naman ang mananalo dahil sawa na akong matalo sa larong ito. Kung hindi man ako pagpalain ngayong araw sa larong 'to ay di ko na ito papasukin pang muli. Nakakapagod ang palaging masaktan.