Chapter 5

9 0 0
                                    

Pagkatapos nya akong sagutin kanina parang ayaw ko nang kumawala pa sa kanya. Kahit saan magpunta palagi kong hinahawakan ang kamay nya, akbayan sya at minsan napapayakap na lang ako sa kanya sa sobrang saya. Wala na atang mapaglagyan ang saya ko sa araw na'to.

Ngayon nandito kamisa isang bahay kubo dito sa beach na binayaran ni Gunner para dun kami mag overnight. Hindi lang naman kami ang nag overnight dito medyo marami ding couples ang nagdedate since Valentines day ngayon. Sa kubo na na binayaran ni Gunner ay kaming apat ang mag e-stay. Oh diba? Libre na naman. Another savings na naman 'to.

May dalawang rooms ang kubo na 'to at kada room ay may dalawang bed kaya okay lang na magsama kami sa iisang kwarto dito ni Ree at sina Marga naman at Gunner.

"Your turn, babe. Spin the bottle." ani ni Marga na kakatapos lang ginawa ang dare sa kanya ni Gunner na i-kiss sya. Gag* talaga!

Nandito kami sa sala ngayon at nagpapalipas ng oras habang naglalaro ng truth or dare. Kanina pa kami dito, tuwang tuwa naman ako dahil panay sa kanilang tatlo lang tumatapat ang baba ng bote.

Si Reese naman panay truth lang kapag sa kanya tumatapat. Awkward nga eh kasi yung mga nararamdaman nya sa akin noon ang tinatanong nila. At yung dalawa naman nagbabatuhan lang dare. Di man lang iniisip na nandito kami ni Reese nakatingin sa kanila. Feeling nila sila lang naglalaro.

Nilakasan ni Gunner ang pag spin kaya medyo matagal itong huminto at kamalas malasan nga naman sa akin pa tumapat.

"TRUTH or DARE?" sabay sabay nilang sigaw at excited sa pipiliin ko halata mga mata ni Gunner na may binabalak.

Medyo natagalan pa bago ako nakapagdesisyun. Iwan ko ba! Laro lang naman 'to. Pero kinakabahan ako sa pipiliin ko. Hayst.

"DARE!" matapang kong sagot sa kanila. Pinili ko ang dare kasi.... ahm... bakit nga ba? Bahala na nga.

"Ako na magdare. Hehehe" presenta ni Gunner na kumikislap ang mga mata. May binabalak. Ano na namang kagaguhan kaya ang maiisip nito?

Nilagay nya pa ang hintuturo nya sa kanyang baba para bang pinagplanuhan at pinag isipan ang dapat nyang sasabihin sa akin habang nakangisi pa. Tsk.

"Magromantic dance kayo ni Reese. Sa harap namin, Marga. Ako ng bahala sa music." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya habang nakataas baba pa yung kilay nya. Sumang ayon naman kaagad si Marga sa kanya na nagpapalakpak pa.

Nagkatinginan kami ni Ree na agad ko ding binawi. Siya ma'y gulat din. Ayoko! Di ako marunong nakakahiya.

"I-iba na lang, Gunner." nahihiyang ani ni Ree.

"Wag na kayong mahiya. Para namang hindi kayo." sabi pa ni Marga.
"Ganto na lang." Tumayo sya at pumunta sa kusina na kung ano man ang hinalungkat dun.

Tahimik lang kaming tatlo na naghihintay kay Marga. Pero naiilang ako sa mga titig at ngisi ni Gunner sa amin ni Reese na may pinapahiwatig na kung ano man. Di pa rin mawala yung pagtaas baba ng kilay nya kapag nahuhuli nya akong tumitingin sa kanya. Binigyan ko sya ng ano-look pero ngumisi lang sya lalo.

"Ahh cr lang ako saglit." Paalam ni Ree na di makatingin ng deretso sa amin. Siguro naiilang sya sa mga kinikilos ni Gunner na abnormal.

Sakto namang pag alis ni Ree ay ang pagdating ni Marga na may dala dalang tatlong bote. This is not good. Di ako mahilig sa ganyan.

"May reserved ako! Syempre!" Masayang sabi ni Marga habang inilapag ang tatlong bote na hard alcoholic drink at ngumiti sa akin.

"Oh ano yan? Wag nyong sabihin..." di nakatapos si Ree na kararating lang sa kanyang sasabihin nang pinutol ito ni Marga.

"Yes, Reese! Tsaka minsan lang naman 'to eh. First time nga din namin 'to, diba babe?" Nagwink lang sa kanya si Gunner at hinalikan sya sa gilid ng labi bago nagsalita.

Nakakailang ang ginagawa nila.

"Umupo ka na dyan sa tabi ni Denver." dagdag pa ni Marga at iginiya paupo sa tabi ko si Reese.

"Wag na kayong KJ. It's just a celebration for the both of you. Masyadong effort ang ginawa ni Denver kaya kailangang e-celebrate ang pagwagi ni Denver. Chilax lang, guys." Napalingo lingo na lang ako sa sinabi ni Gunner at sinimulan nang magsalin sa baso ng alak. Una syang lumagok at sumunod naman si Marga.

Parang wala lang sa kanila ang nilagok nilang alak. Mukhang sanay na sanay sila sa mga ganitong bagay. Nagsalin ulit si Gunner at ibinigay yun sa akin. Nagdalawang isip pa ako kung kunin ko ba o hindi.

"Kunin mo na." alok nya ulit sa akin. Wala na akong magawa kundi inumin ang laman sa basong 'yun.

Napangiwi kong ibinagsak sa center table ang baso sa pangit ng lasa. Kahit na may tseser pa ito, nangingibabaw pa rin ang lasa ng alak.

Kay Ree na sana dapat ang baso pero inagaw ko ito sa kanya at itinaas.

"Tutubusin ko na lang para kay Ree." presenta ko at agad na nilagok ang laman nun na ikinagulat nya.

Humalinghing ang mapang asar na mga salita at boses sa paligid na galing sa dalawang tao na kaharap namin.

Paikot ang baso sa aming tatlo pero nang mangalahati na kami sa bote ay parang unti unti ding umiikot ang mundo ko.

Heaven at First, Hell at LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon