Nandito kami sa isang beach na kung saan may iba't ibang rides dito.
"Guys, sakay tayo sa zip line." aya ni Marga sa amin at nagwink pa sya sa akin.
"Tara!" masayang tugon ko din.
Nauna nang naglakad sina Gunner at Marga habang nakasunod lang kami sa kanya.
"Ahm. Ver? Kayo lang ang sasakay ah?" biglang sabi ni Reese sa tabi ko at nahihiyang ngumiti. Ang cute nya talaga lalo na kapag ngumingiti sya mas mas lalong sumisingkit ang dalawa nyang mata.
"Eh? Bakit?" Aba! Hindi pwedeng hindi sya sasama dahil hindi magtatagumpay ang plano ko.
"Natatakot kasi ako."
"Wag kang mag alala. Sasamahan kitang harapin at lampasan ang kinakatakutan mo." malambing kong sabi sa kanya na ikinangiti nya.
Tumuloy na kami papunta kung nasaan may zip line. Gaya ng plano sina Gunner at Marga ang nauna at kami ang susunod sa kanila. Habang sinesecured ng crew na safe kami ay mahigpit ang pagkakahawak ni Ree sa kamay ko kaya ngumiti ako sa kanya para gumaan ang loob nya.
"Woahh!" huming muna sya nang malalim bago kami binitiwan ng crew.
"Wooooaaahhhhhhhh!" sabay naming sigaw. Nakakaba na masarap sa pakiramdam pala ang feeling kapag nagzip line ka. Para kang nauubusan ng hininga sa simula pero sa kalaunan ay naeenjoy mo na rin.
"Thank you." paglabi ni Ree sa akin. Nagthumbs up lang ako sa kanya at ngumiti.
Ngayong malapit na kami sa finish line ng zip line na ito ay nagsisimula na akong kabahan.
"Wow! Ano yan?" mangha nyang tugon nang makitang nagpupulahan ang paligid dahil sa rose at heart balloons na gawa ko. Hindi na lang ako umimik pa instead mas kinabahan pa ako lalo.
Sinimulan na akong tulungan ng crew para makababa. Umangal naman si Ree nang biglang umalis ang crew nang makababa na ako at siya hindi pa. Pero tumahimik naman sya kaagad nang sinimulan ko nang kaskasin ang aking gitara.
~ Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka makasama ka
Yan ang panalangin ko~~Tinignan ko sya mismo sa kanyang mga mata habang kinakanta ang mga katagang 'yun. Natuptop nya bigla ang bibig nya habang nakadapa pa rin sa ere at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
~At hindi papayag ang pusong ito
Ang mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin~~Hindi ko na hahayaang may ibang ibang umangkin sa 'yong puso, Ree. Hindi ko na hahayaang mawala ka naman sa piling ko. At hindi ko na hahayaang may manakit sa iyong muli, Ree.
~ Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag ibig nating dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita~~Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka lang Ree.
~ Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka
Yan ang panalangin koAt hindi papayag ang pusong ito
Ang mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin~~Wala naman talaga ako ibang hiniling kundi makasama ka. Kaso may hindi lang ako naglakas loob kaya naunahan ako't nasaktan ka pa.
Pero sa pagkakataon na 'to sana na may tanggapin mo ang puso ko.Sa pagtatapos nang aking pagkanta ay pagtayo ko at paglapit sa kanya na ngayon ay maluha luha na. Ang cute nya kasi para na naman syang batang iniwan sa ere kaya umiiyak. Ngumiti muna ako sa kanya bago nagsalita.
"Ree, alam kong mahaba na ang pagiging magkaibigan natin. Pero mas mahaba ang panahon na minahal kita at mamahalin ka. Hindi ko na hahayaang umiyak ka naman dahil sa ibang lalaki baka di ko matansya ang magagawa ko. Mahal kita, Ree noon pa man. Naging torpe ako pero ngayon hindi dahil sasabihin ko at saksi ang mga tao dito na MAHAL NA MAHAL KITA!" huminto muna ako saglit sa pagsasalita at pinunasan ang mga luha nya.
"Itinaga ko sa bato na hindi ka na iiyak, Ree pero kung tears of joy 'yan... sige umiyak ka lang basta't ako ang dahilan." sabi ko sa kanya na ikinatawa naman nya.
"Ree? Ma.."
"I love you too, Ver. Pero pwede mo bang dagdagan ng bilis dahil parang nangangawit na ako dito eh." di ko pa naman sya tinanong ay inunahan na nya ako kaya napatawa ako sa ikinikilos nya.
"Masyado ka namang mabilis, Ree..." hindi ko naman natapos ang sasabihin ko nang magsalita na naman sya.
"Kung may itatanong ka, itanong mo na. Daliii! Bago pa magbago ang isip ko. One... two..." atat na atat nyang sabi kaya di ko na din sya pinatapos.
"Can you be my girlfriend?" agad na tanong ko sa kanya.
"Oo at Oo at Oo dahil Oo dahil nangangawit na ako at Oo matagal na kitang gusto pero torpe ka at Oo sa walang sapilitan at Oo dahil mahal din kita at Oo..."
Hinalikan ko sya sa harap ng maraming tao para tumigil na ang bunganga nya kasabay nun ang pagtanggal ko sa belt na nakapalibot sa kanya para makababa na sya.
"Andami mo pa kasing sinabi, OO lang naman ang simpleng sagot sa tanong ko." bulong ko pa sa kanya habang tinatanggal pa rin ang mga belt. Ang dami pala nito.
"ILOVEYOU,REE. No space for others." bulong ko nang matapos kong tanggalin lahat ng belt na nakabalot sa kanya at yinakap sya nang mahigpit.
Ito na ata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko, ang tanggapin ng babaeng pinakaminamamahal ko ang puso ko. At dinggin ang tanging panalangin ko sa buhay.
Ikaw lang ang mamahalin ko, Ree. Ang corny man pakinggan pero 'yun ang tunay na nararamdaman ko.
