Nagising si Denver sa sinag ng araw pero hindi sapat na dahilan 'yun para tuluyan nyang ibuka ang kanyang dalawang mata. Hinugot nya gamit ang paa ang kumot na nasa paanan nya at tinaklob yun sa katawan nya kasabay ang pagharap nya sa katabi kaya pati ito ay nabalot ng kumot. Niyakap nya ang babae at tinandayan. Ni walang pakealam kung ano o sino ang binalot ng kanyang katawan dahil nakapikit pa rin ito.
Pareho silang walang malay na magkatabi na pala silang natutulog.
Napaungol naman si Reese sa kanyang pagkatulog dahil sa bigat na bumabalot sa kanya. Nang maisip nya kung ano ang nangyari ay mabilis pa sala alas quatro ang pagdilat ng kanyang mata. Gulat na gulat itong nakaharap itong tumingin sa kisame na parang nanigas ang kanyang katawan.
Nang maramdaman nya ang bisig at binti na bumabalot sa katawan nya ay naitulak nya ito. Ito naman ang naging dahilan upang magising ang lalaki. Gulat silang napatingin sa isa't isa nang makitang tanging damit panloob at shorts lang ang suot nila.
Agad na kinuha ni Reese ang kumot para itakip sa katawan nya na hindi man lang inalis ang paningin sa kaharap nyang lalaki.
"A-anong nangyari?" sambit ni Ree nang makabawi siya sa kanyang pagkagulat. Tanging naalala lang nya ay 'yung nag iinmun sila tapos... wala na. Wala nang ibang pumasok sa isip nya na nangyari sa kanila.
Napayuko naman si Denver nang wala ding maalala kasama nito ang sobrang hiya na nararamdaman sa kasintahan.
Pareho silang walang imik dahil sa awkward na kanilang nararamdaman. Ni hindi din sila makatingin sa isa't isa.
"Pst! Tol?"
Naglalakad ako patungo sa labas ng bahay kubo na'yo nang tinawag ako ni Gunner na nasa kusina.
"Oh bakit?" Kunot noong tanong ko sa kanya na nakasandal sa lababo habang sumisimsim sa kape.
"Ginamit mo?" Pinagdilatan ko sya dahil sa tanong nya pero ngumisi lang ito nang nakakaloko.
Kagabi kasi nang nagpaalam ako saglit para magCR ay sinundan nya pala ako at ang gag* binigyan ako ng condom for protection kuno daw kung baka sakali. Extra nya daw 'yun. Pero nang umalis sya ay tinapon ko lang 'yun sa basurahan dahil ko naman magagamit at baka makita pa sa akin 'yun ni Ree. Ayaw kong isipin nya na may balak ako sa kanya.
Pero nung makita namin ang sarili kanina na halos wala ng saplot ay nakaramdam ako ng takot at hiya sa kanya. Di naman ako makapaliwanag dahil wala akong maalala sa nangyari kung may nangyaru nga ba o wala. Magsosorry sana ako kaso 'di ko alam kung saan ako magsisimula at talaga namang inuunahan ako ng hiya kapag nakikita ko sya.
Kanina, nauna akong lumabas ng kwarto dahil syempre babae sya at naiilang din siguro sya na makitang wala din syang saplot maliban sa panloob na suot nya. Ni walang salita ang lumabas sa bibig namin, parehong gulat sa nakita.
"Oyy tol. Kinakausap kita. Siguro 'di ka makamove on sa nangyari 'no? Ano masarap 'di ba?" Napabalik ako sa katinuan ng inambaan ako ni Gunner ng mahinang suntok sa braso ko. Nawala pala ako sa ulirat. Aysh!
"H-ha? Ano sabi mo?" Tanging tanong ang lumabas na lang sa bibig ko.
"Iwan ko sa'yo! Nasobraan ka kita. Bahala ka na nga dyan!" Napalingo lingo sya habang nakangisi ng nakakaloko bago ako iniwan sa kusina.
Nasabunot ko ang sariling buhok. Nakakainis. At pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi pero walang pumapasok sa isip ko na makakapagpaliwanag sa nangyari. Sa sobrang inis ay nasipa ko ang trash can sa gilid dito sa kusina bago lumabas. Isinisumpa ko sa aking sarili na hindi na ako iinom at maglalasing.
POV OF REESE
Pagkalabas ni Denver sa kwarto ay agad akong napabalikwas nang tayo at sinundan ang pinto na nilabasan nya para i-lock yun.
Pagkatapos nun ay pinakiramdam ko ang sarili ko kung may masakit o kakaiba akong naramdaman. Pero wala, normal lang lahat sa akin tanging sakit ng ulo lang ang nararamdaman ko na dulot ng alak na ininom namin kagabi.
Tinignan ko din ang kama kung may kung ano ba dito na magsasabing nabawasan na ang pagkatao ko, sabihin lang natin na ang pagkababae ko. Pero wala din. Pinulot ko ang mga damit at sinuot ang mga 'yun.
Maingat akong naglakad palabas ng kwarto na para bang may pinagtataguan at natatakot na makita. Dahil meron nga naman. Dumeretso ako sa dalampasigan at umupo sa ilalim ng punong talisay.
Napakaganda ng dagat. Sayang lang at hindi ko naabutan ang sunrise. Napakaaliwalas ng paligid at ang peaceful din tignan ang dagat. Parang walang problema ito.Kung gaano ka peaceful ang karagatan ay ganun naman kagulo ang isip ko. Malayo ang isip. Ang isiping kung ano ang nangyari sa amin. May tiwala ako kay Denver pero 'di ko pa rin maiwasang kabahan. Dahil kapag nangyari 'yun at magbubunga ang pagkakamaling 'yun ay mawawala na parang bula ang pangarap ko na makapagtapos ng pag aaral.
Mga ilang oras din akong nakaupo lang dun at malayo ang iniisip nang may tumabi sa akin at may inabot itong chocolate at tatlong white roses. Napangiti ako dito na kaagad ko na mang binawi dahil di ko pa rin maiwasang mailang nang maalala ang ikinilos namin kanina.
Tahimik ulit ang namutawi sa aming dalawa. Wala ring topic na maiopen up ko. Kaya hinayaan ko na lang ang katahimikan.
"Naguguluhan ka din ba? Maraming tanong din ba ang bumabalot sa isip mo?" Basag nya sa gitna ng aming katahimikan.
Napaisip ako sa tanong ni Denver. "Din" ibig sabihin pati sya? Hindi lang ako. Kaya gulat akong napalingon sa kanya.
"Pati ikaw din?" Gulat na tanong ko sa kanya. Ginantihan lang naman nya ako ng ngiti. Mapait na ngiti.
"Mahal kita, Ree at may respeto ako sayo. Pero ang nangyari sa atin kagabi. I don't know. Wala akong maalala. I'm really sorry, Ree. Kung ano man kalabasan ng kagaguhan at katangahan ko kagabi, I'll accept it. Sorry, Ree."
Alam kong sincere si Denver sa mga sinabi nya, ramdam ko 'yun at kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano sya nagsisi sa nangyari.
May pangarap din sya, alam ko 'yun dahil naging magkaibigan kami bago pa man kami nagsimula sa ganito. Malaki ang pangarap nya at alam kung mabuting tao si Denver.
That's why I love him. Hindi sya tulad ng ibang lalaki na s*x lang ang habol o papasok sa isang relasyon para lang may maipakita o maipagmalaki. He really serious in relationship matter and an innocent one.
