Chapter 7: Heartbeats

7.8K 267 18
                                    

Kris and Jessica in the multimedia. Bagay na bagay sila noh? Cr.to the onwer :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tao's POV

Lumapit ako dun sa babaeng tumawag saakin ng panda. Ano nga pangalan niya? Sooyoung?

"Oh." inabot ko sakanya yung cellphone niya. Remember naiwan niya yan nung nagkabangaan kami?

"Thanks. Ay, saka sorry nga pala. Dahil sakin napunit yung Gucci bag mo..." sabi niya.

Inirapan ko nalang siya. Hindi porket binalik ko yung cp niya ay ibig sabihin bati na kami noh! Napunit yung Gucci ko! Mayaman naman ako kaya pwede alo bumili ng isa pang Gucci bag diyan! Pero yun yung favorite ko eh!

Di ko nga alam kung paano napunit yung bag ko. Pero ang alam ko siya ang may kasalanan nun. Tss.

"Hmp. Ang taray. Parang babae." narinig ko bulong nung babae. Kaya naman humarap ako sakanya at lumapit ulit sakanya.

"Anong sinabi mo miss? Ako babae? Porket ba mahilig ako sa Gucci ibig sabihin babae ako? Porket ba galit ako at nagtataray ako sayo ibig sabihin babae ako?" - tanong ko sakanya habang nilalapit ang katawan ko sakanya. Tumayo siya at handa na siya makipag away saakin. Bilang mas matangkad ako kaharap niya yung dibdib ko.

"Tss. Edi sorry! Hindi ka rin naman nakatingin nung time na yun ah! Akala mo ako lang ang may kasalanan nun. Bwisit." sabi niya at itutulak niya sana ako pero dahil nag wu-wushu ako, agad ako naka react kaya nahawak ko yung kamay niya.

Hinigpitan ko yung hawak sa kamay niya kaya nagpupumiglas na siya.

"Wag mo kong gaganyanin. Mas malakas ako sayo. Babae ka lang." sabi ko. Hindi ko naman talaga plano na maliitin ang mga babae. Sadyang masasama lang ang mga words na lumalabas saakin kapag galit ako.

"Ay ganun? So porket babae ka, ibig sabihin wala kang laban sa lalake. Hindi ganun ang buhay Panda." - sabi niya. Tss, wala siyang karapatan tawagin akong panda. Hindi kami close.

"Don't call me Panda." hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. She hissed at me. Nag glare rin siya saakin.

Pinagdikit niya ang kamay niya at itinulak ako. Ang lakas niya ah! Infairness.

"Okay, sorry, PANDA." inemphasize niya yung word na panda. Babawi pa sana ako kasi lang pinigilan ako nila Jessica at Duizhang.

"Ano nangyayare dito? Sooyoung okay ka lang?" sabi ni Jessica habang nakatingin dun sa Sooyoung. Yung Sooyoung naman naka glare saakin. Ganun din ako.

"Okay lang ako, Jess." sabi niya. Humarap naman saakin si Jessica. "Ikaw naman, bakit ka nang aaway ha?"

"Wala yun. Sorry president." sabi ko at nag head down. Wala kong laban sakanya eh. Student Council President siya.

Para rin siyang si Duizhang...

Taeyeon's POV

Natapos na yung pag sasabungan ni Shikshin at nung panda. Kung titingnan mo ng maayos, bagay sila.

Eto ako, kausap ko si Junmyeon, na miss ko tong lalakeng toh! Siya yung pinaka unang boy best friend ko! Ang saya ko ngayong nakita ko siya ulet. Magkakilala kasi yung companya namin kaya kapag may meeting yung company niya at yung company ko, naglalaro lang kami. Napaka close nga namin dati, kaso lang nahiwalay kami ng namatay yung parents ko.

"Ah~, na miss talaga, Taeng!"

"Ako rin, Junmyeon!"  nagyakapan kami. Hindi parin nawawala yung kabog sa dibdib ko. Uhy, secret lang ah! Pero crush ko si Junmyeon. Simula bata pa, hangang ngayon.

SM Academy (ExoShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon