Chapter 28: Kidnapped

3.9K 136 55
                                    

Lilinawin ko lang, si Kibum ng Super Junior at hindi si Key ng SHINee ang gumaganap dito. Di rin ako pamilyar sa mukha ng SuJu, ang nakikilala ko lang ay si Donghae, Siwon Shindong at si Eunhyuk

Maikli lang ito at ang next update ay hindi ko alam kung kailan. Pero mag a-update ako, promise xD

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

'Seohyun's POV'

Unti unti kong minulat ang mga mata ko, ang unang bagay na nakita ng paningin ko ay ang mukha ni Yeol.

Natutulog siya sa sofa? Eh diba ako yung natulog sa sofa dahil bigla nalang akong dinapuan ng antok.

Inikot ko ang mga mata ko para makita ang paligid. Sa palagay ko kwarto toh ni Yeol.

Dinala niya pa talaga ako sa kwarto niya at ipinatulog sa kama niya. Habang siya nasa sofa.

Ang bait niya ah.

Bigla nalang may kanta na tumugtog galing sa kabilang bahay. Pumunta ako sa may bintana at nakita ko na pinapaligiran ng EXO at SNSD si Kai Oppa at Yuri Unnie.

Malakas ang tensyon na pumapagitan sa dalawa. Bababa na sana ako para makita kung ano talaga ang nangyayare pero nadulas nalang ako.

Nahagip ng mata ko ang mga bagay na nasa ilalim ng kama ni Yeol.

Kinuha ko ang mga ito, gitara at isang box ang nakuha ko. Hindi ko alam marunong pala mag gitara si Yeol. Sabi niya kasi saakin dati na hindi daw siya marunong gumamit ng kahit anong instrument.

Baka naman tinatago niya lang ang gitara kahit hindi siya marunong? Baka nga.

Tiningnan ko ng maigi ang gitara at napansin ko na may nakasulat dito.

Nilapit ko ito sa mukha ko para mabasa ko ng mas maayos.

Chanyeol ang nakasulat tapos may heart pa, ang sumunod ay Dara.

Chanyeol heart Dara?

Sinong Dara?

Medyo kumirot ang puso ko. So may gustong babae si Yeol? Never niya naman nabangit saakin ang tungkol dun.

Kahit nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na sakit, dinampot ko parin ang box.

Sa cover nito ay selfie ni Yeol at nang isang babaeng sa palagay ko ay si Dara.

Kinakabahan ako sa baka kung ano ang makita ko pero tinalo ako ng curiousity kaya unti unti kong binuksan ang maliit na kahon.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay mga pictures agad nilang dalawa ang tumumbad saakin. Mas lalo akong nasasaktan pero isinantabi ko nalang ang aking nararamdaman.

Isa isa kong tiningnan ang bawat litrato, kapansin pansin naman na tuwang tuwa si Yeol. Nakikita ko ang sparks sa mga mata niya kapag nakatingin kay Dara.

Sa ilalim ng mga litratong ito ay ang isang necklace ang nakita ko. Alam ko na mamahalin ito at ang ganda. Plano niya ba toh ibigay kay Dara?

May nakuha rin akong papel at dahil hindi ko na mapigilan ang curiousity ko, binasa ko ang sulat.

To Park Chanyeol,

Ako ito, si Dara. Naka ipit sa sulat ang necklace na binigay mo saakin. Ayaw kong tanggapin yan dahil unang una hindi naman kita mahal. Saka mura lang siguro yan. Gusto ko ng makipag hiwalay sa'yo. May nahanap kasi akong binibigay lahat ng gusto ko, kaya sakanya nalang ako kakapit. The past few months na magkasama tayo are like hell to me. Hindi ko alam kung bakit ko natiis na magpanggap na mahal kita. Yuck, hindi ako maiinlove sayo noh! Ikaw naman itong napaka tanga at mahal na mahal ako. Kayang kaya kita paikutin sa mga daliri ko. So to set things straight, pupunta kami ng MILYONARYO kong boyfriend sa Amerika at dun na kami mamamalagi. Wag mo na ko hanapin. Hindi rin naman kita mahal. Thank you sa mga pera na ibinigay mo. Thank you sa pagiging tanga at pagsusunod saakin. Thank you sa memories? NO!! Buong buhay ko pagsisisihan ang mga sweet acts natin. Yes, acts. By now naman siguro alam mo na na ginagamit lang kita. Ang tanga mo Chanyeol. Ayaw na kitang makita sa buong buhay ko. Ayoko rin mag goodbye sa'yo kasi di ko na talaga kaya pa. Pero sige, para narin sa kasiyahan mo eto sasabihin ko na.

SM Academy (ExoShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon