Chapter 24: Tsuper Dyunyor

5.8K 157 36
                                    

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Seohyun's POV

Binuksan ko ang mata ko pero sinara ko rin naman agad. Nakakasilaw. Ng medyo naka adjust na ang mata ko,unti unti ko itong binuksan.

Asan ba ko? Lahat puti tapos may  mga lumilipad. Di ko ma intindihan kung ano yun, pero feeling ko mga anghel sila.

Teka, nasa heaven na ba ko? Wala naman ako naalala na magiging sanhi ng pagkamatay ko ah.

Tiningnan ko ang damit ko. Suot suot ko ang isang dress na color white. (Yung sinuot ni Seo sa Time Machine MV.)

"Patay na ba ko?" umupo ako dahil hindi naman siguro tama na humiga sa isang lugar na hindi ka pamilyar.

"Hahaha, hindi ka pa patay."

Napatigil ako.

Yung boses na yun. Hindi ako magkakamali. Boses niya yun.

Tinaas ko ang ulo ko para tingnan ang lalakeng nag mamay ari ng boses na napaka espesyal sakin.

Ayan siya, nakatingin sakin. Naka smile.

Hinding hindi ko makakalimutan ang curly lips niya. Ang mata niya. Di ko namalayan tumulo na pala ang luha ko.

Akala ko hindi ko na siya makikita ulit.

Akala ko hindi ko na maririnig ang boses niya.

Na miss kita.

"Jongdae."

Tumayo ako at niyakap agad siya.

"Ba't ka umiiyak? Sino nagpaiyak sa Joohyun ko?" hinimas niya ang buhok ko.

"Ikaw kaya may kasalanan. Iniwan mo ko." pinalo ko ng slight ang dibdib niya. Ayaw ko pa lumayo, gusto ko manatili sa yakap niya.

"Galit ka sakin?" may tono ng slight disappointment sa boses niya.

"Hinde. Alam mo namang kahit anong gawin mo hindi ako magagalit sa'yo ng matagal."

"Alam ko yun." hinalikan niya ang noo ko.

"Sorry. Alam ko kasalanan ko kung bakit hindi ka ganun ka saya. Kung bakit umiiyak ka tuwing gabi."

Hindi na ko sumagot. Ano ba dapat ko sagutin? Pasayahin niya ko ulit? Paano?

"Sabi mo kanina hindi pa ako patay. Bakit kasama kita?" tinanong ko.

As much as gusto ko makasama si Chen, hindi ko alam kung bakit ko siya kasama. At kung gano katagal ko siya pwedeng makasama.

"Dumalaw ka lang. Actually, panaginip lang toh. Pag nagising ka, mawawala ako." hinawakan niya ang kamay ko.

"Edi ayoko gumising." sabi ko.

I know I'm childish. But the person I miss so much is right infront of me. I would do everything to be by his side.

"Hindi pwede lagi kang tulog. Pano nalang ang mga unnies mo?" pinisil niya ang ilong ko.

"Lagi ko naman sila kasama. Isang malaking himala nga na kausap pa kita ngayon."

"Hmmm."

Umupo kami sa damo. Sumandal ako sa isang puno at siya naman ginawang unan ang lap ko.

"Chen, totoo ba toh?" hinawakan ko ang buhok niya. Ang lambot.

"Hinde. Panaginip nga lang diba?" pinikit niya ang mata niya.

"Hindi yun. Uhm, totoo ba na ikaw talaga ang kausap ko? Na pinasok mo ang ulo ko. Or pag iisip ko lang ang gumagawa ng image mo sa panginip ko."

SM Academy (ExoShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon