Chapter 31: Reunion in the Cell

3.5K 138 13
                                    

Nanay ko yung nasa multimedia XD

Another short ud. Hahahaha, wala eh. Gusto ko paabutin ng more than 50 chapters toh.

Love ya Hyo

Dedicated to ate KNAimee! Hi ate, ikaw ang favorite reader ko. Andami mo kasing nakakatuwang comments. Thank you for the comments. :)

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Taeyeon's POV

Ilang araw na nawawala ang members ko at si Kyungsan. To be exact, three days na ang lumipas simula ng nawala sila.

Mamatay ako sa pag aalala. Apat na members namin ang nawawala!! Pati si Kyungsan nawawala rin! Sino pa bang kakalma sa ganito?! Fck!!

Pagkarating namin dito mas naging makalat ang bahay. Hinanap na rin namin sila sa kwarto at kung saan man pero wala sila. Tri-ny namin sila tawagan pero laging busy.

Sht!!

Sabi na nga ba dapat hindi kami nag hiwalay eh. Dapat sama sama kami lagi para wala ng mawala pa.

Hindi ko alam kung anong nangyare pero nahanap ko nalang ang sarili ko na nakasubsob ang mukha sa dibdib ng Bakla.

"Asan na sila?!" nagpapaka hysterical na si Luhan. Kanina si Tao lang ang galit na galit, pero ngayon? Pati na si Kai, Chanyeol at Luhan.

May nasuntok si Chanyeol na vase kaya nabasag agad ito.

"Yeol! Ano ba?! Kumalma ka nga! Kayo rin Tao, Kai at Luhan!"

Inawat sila ni Xiumin na ngayon ay nakayakap rin kay Sunny na umiiyak na rin.

"Fck!! Pano ko kakalma?! Ang fiance ko nawawala!! Pati na rin yung ibang girls! Sht!" mura ng mura si Luhan sa inis.

"Naiintindihan ko na nag aalala ka. Pero hindi tayo makakapag isip ng paraan para mahanap sila kung napapangunahan ka ng galit, inis at pag aalala. Mas maayos yung nag iisip kesa nag aalala! Atleast may progress tayo, kaya pwede ba kumalma na kayong apat?!" sigaw ni Junmyeon sa members niya.

Ang galing niyang leader, di katulad ko...di katulad ko na napapabayaan ang members ko. Kaya nagkaganito eh. Kaya nasa pahamak si Soo, Fany, Yul at Seo. Kasalanan ko...kasala-

Wala kang kasalanan.

Wala kang kasalanan.

Wala kang kasalanan.

Wala kang kasalanan.

Nag replay saakin ang sinabi ni Hyo. Napaisip rin ako, sa mga sinabi ni Junmyeon. Hindi lang yun para sa members niya. Para saamin rin yun. Kailangan ko kumalma. Wala akong kasalanan.

Wala akong kasalan...

"Yeah, it's not your fault."

Hinimas ni Baek ang buhok ko. Napatingin tuloy ako sakanya. Magkayakap parin kasi kami, at basang basa na ang damit niya sa luha ko.

"Pano mo nalamang sinisisi ko ang sarili ko?" I asked

"Sus, I know you. Girlfriend kaya kita." nag eyesmile siya sakin.

Normally, maiinis ako sa pagtawag niya ng girlfriend saakin kasi hindi naman totoo. Pero ngayon, I just need someone who I can lean on to.

Sinubsob ko ulit ang mukha ko sa ABSolutely no ABS na katawan niya.

Medyo kumalma na nga ako, hinahabol ko nalang ang hininga ko dahil nawalan ako ng hininga nung umiiyak ako.

"Kailangan natin tumawag ng pulis." narinig kong sabi ni Sica.

SM Academy (ExoShidae)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon