Chapter 4
[Author]
Special chapter para sa valentines hahahaha babala lang di ako marunong magsulat ng love story. But I will try my best sa pagsulat. hope you like it!
[Aize]
Araw ngayon ng sabado at Napakagulo ng utak ko. Nalaman kong pinag arrange marriage ako ni mama kay Tresh na anak ni tita.
Wala naman akong problema sa mukha at di ako choosy. Sadyang ang sama lang talaga ng ugali!
Parang anghel, kung andiyan sina mama at tita pero ng kami nalang ay parang demonyo umasta.
Kunti nalang at makikita niya talaga hinahanap niya!
"Hoy Nerd!!" tawag niya saakin.
Sinusuot ko pa din, kasi ang makapal na salamin ko. Actually di naman talaga malabo mata ng binatang nasaniban ko. Ewan ko ba o tinatago niya ang taglay netong kagwapuhan.
"Bakit?" tanong ko.
"Naglalaro kana ba ng QOTGO?" tanong nito.
"Ahh yeah, bakit?" sabi ko.
"Wala siguradong low level ka palang puro libro ka kasi!" saad neto.
Nagbabasa kasi ako ng isang libro its about science and stuff.
"Kung alam mo lang *smirk*" saad ko sa isipan.
"Hoy Nerd samahan mo ko!" utos neto.
"Saan naman?" tanong ko, ngunit di tumitingin sa kaniya.
"Alam mo nakakainis ka sa lahat ng tao ikaw lang yung lalaking di tumitingin o nauutal pag kausap ako tapos parang wala kang-" di, niya na tinuloy ang sinabi niya.
Kaya medyo, nacurious ako.
"Walang.... " sabi ko tapos tumingin sa kaniya na parang nagsasabing ituloy ang kaniyang sasabihin.
"Basta!" sabi niya sabay hampas saaking braso.
Pero ito ang nagustuhan ko, sa kaniya sarap niyang tuksuhin.
"Wait lang magbibihis lang ako." sabi, habang tumatawa.
[Mall]
Kasalukuyang nasa mall kami dami niyang pinamili.
Tapos kung saan saan niya ako dinala nagsine kami. Nanood kami ng horror. Kala mo kung sino matapang yun pala matatakutin naman. Buong oras hanggang sa matapos yung palabas ay nakaakap sa mga braso ko.
Ang sakit nga kasi minsan kinukurot niya lalo pa pag grabe ang takot niya.
"Gutom na ako..." reklamo ko.
Pinaningkitan niya naman ako ng mata.
Tapos may tumunog na tiyan.
Nakita ko namang namula siya at napaiwas ng tingin.
"Di ako yun!" pagtanggi niya.
Napangiti naman ako at hinawakan siya sa kamay niya.
Nakita ko, namang parang nagukat siya. Hinila ko siya patungo sa isa sa mga restaurant sa mall.
Umupo kami sa bakanteng lamesa. Pang dalawahan lang ito.
Pinaupo ko na siya sa kabila at umupo ako sa kabila niya bale magkaharap kami.
Tinawag ko na ang waiter upang makapag order ng pagkain.
Isang sandwich at juice lang sa kaniya, saakin naman ay isang hamburger at coke.
BINABASA MO ANG
Quest Of The Goddesses Online[THE WORLD]
Ficção CientíficaMarami akong nababasa na mga reincarnation books kaya nagawa ko to. A human Hero Transfered in a Fantasy World but how about kung ang isang fantasy character transfered in a Human World called Earth? Ito ang kwento ng isang Dragon King, dahil sa is...