Chapter 2

167 13 0
                                    

Mae shin POV

Kakatapos lang ng third subject namin at finally break time na kaya naman naglalakad kami ngayon ni jade papunta sa cafeteria.

Nakakapagtaka lang kasi na walang masyadong tao ngayon sa hallway na nilalakaran namin ni jade kasi usually maraming tao kapag ganitong oras dahil break time pero ngayon ibang iba. Kakaonti lang talaga ang stupident which is good naman para iwas sa ibang stupident.

"Anong kakainin mo?" Tanong sakin ni jade.

"Gusto ko mag burger. Eh ikaw?" Sabi ko.

"Ganun nalang din" sabi niya at umorder kami ng burger tsaka naghanap ng pwesto na mauupuan.

Kakaonti lang din ang mga stupident na nandito sa cafeteria. I wonder kung nasaan sila?

Habang kumakain kami ni jade at biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ko at nakita kong may message saakin si mommy.

[Mama:

Baby shin nandito ako sa school mo now, puntahan mo ako sa president's office]

Iyon ang nabasa ko sa message ni mommy kaya naman nagpaalam ako kay jade na mauuna na ako sakanya.

Habang tinatahak ko ang daan patungo sa president's office ay napapaisip ako kung ano ang kailangang gawin doon ni mommy.

Wala naman akong nilabag na rules sa school na 'to. Hindi din ako nagkukulit sa mga professors. Kinakabahan tuloy ako.

NG makarating ako sa tapat ng pintuan ng president's office ay kumatok muna ako bago pumasok at nakita ko doon ang isang babae at oh my gosh!

Yung gwapong lalaki! Tsaka si mommy!

What is he doing here!?

"She's here" nakangiting sabi ni mom ng makalapit ako sakanila.

"Anak meet your tita lexi at ang anak niyang si skyler" pagpapakilala ni mommy sakanila.

"Nice to meet you po" sabi ko at tipid na ngumiti.

"How are you shin?" Tanong ni tita lexi.

"Ayos lang po" sabi ko.

"Kaibigan ako ng mama mo at kauuwi lang namin ng asawa't anak ko dito sa pinas" sabi ni tita lexi.

"Ah okay" awkward kong sabi.

"Anak sila ang may ari ng University na ito" sabi ni mommy.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni mommy at napatingin kay skyler nahiya naman ako ng makitang nakatingin din siya sakin.

Owemji!

Itong gwapong lalaki na to ang anak ng may ari ng Saint antonette at pinagkaguluhan lang naman siya kanina ng mga stupidents.

"Kasama ka ba kanina sa mga babaeng baliw na baliw sakin?" Sabi niya.

"Uy hindi ah hindi ka naman ganun ka gwapo eh" sabi ko naman.

"What!? Hindi ako ganun kagwapo?" May iritasyon sa tono ng boses niya ng sabihin niya yun.

"Oo!" Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"Okay that's enough baka magaway pa kayong dalawa" sabi ni mommy.

"Bumalik na kayo sa klase niyo" sabi ni tita lexi na agad naman naming sinangayunan.

Lumabas kaming parehas sa office at sabay na naglakad. Ang awkward lang kasi nakikita kami ng ibang students at pinagbubulungan kami.

Nakakairita tuloy! Baka iniisip nila na inaagaw ko yung Skyler nila.

Ang oa mo shin!

Hindi ko aagawin sakanila si Skyler noh sakanila na ang lalaking to saksak pa nila sa baga nila eh.



Kringgggg!

Finally at natapos na din ang klase namin. Kinuha ko ang bag ko at sabay kaming lumabas ni jade sa classroom.

Wala pa yung sundo namin ni jade kaya tumambay muna kami sa garden ng S.A.U

"Anong pinunta ng mommy mo dito kanina?" Tanong ni jade sakin.

"Pinakilala niya lang ako sa kaibigan niya na kauuwi lang galing U.S" sabi ko.

"Bakit naman dito pa sila sa school nagkita?" Tanong ulit niya.

Oh well. Hindi ko pa kasi nasasabi kay jade yung about lay skyler at kay tita lexi.

"Eto na magkukwento na ako" sabi ko at umayos ng upo. "Ganito kasi yon. Nung makapunta ako sa president's office nandoon si Skyler at yung kaibigan na tinutukoy ni mommy. Yung kaibigan ni mommy which is si tita lexi at anak niya si Skyler. So nalaman ko na ang parents ni skyler na si tita lexi at ang asawa niya ay ang may-ari nitong university na 'to" sabi ko sakanya.

Napatingin si jade sakin at nanlaki ang mga mata nito sa nalaman niya.

"Kaya naman pala famous ang lalaking 'yon!" Sabi niya. "Jusko! Anak naman pala kasi ng may ari ng school na to" sabi naman ni jade.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang message saakin ng driver namin.

"Girl mauna na ako sayo andyan na yung sundo ko eh" paalam ko kay jade.

"Sige sis text mo ako kapag nakauwi kana ah! Bye! Labyu!" Sabi ni jade at nag flying kiss pa na tinanggap ko naman.

Aish! Baliw talaga kami kaya magkaibigan kami ni jade dahil parehas kaming baliw.

NG makauwi ako sa bahay ay nadatnan kong may bisita kami si tita lexi at si Skyler.

"Nakauwi kana pala anak. Mag bihis kana at bumaba ka ulit dito" sabi ni mommy na tinanguan ko lang.

Umakyat ako papunta sa kwarto ko at tinext ko si jade.

[To jade:

Sis nandito si Skyler! Tsaka si tita lexi!]

Habang naghihintay ako sa reply niya ay nagpahinga muna ako ng ilang minuto at naglinis ng katawan.

Para fresh naman ako sa bisita namin hihi.

PAGKATAPOS kong maglinis ng katawan ay nagbihis na ako at nagayos ng sarili ko bago ako bumaba ay chineck ko muna ang phone ko kung nag reply na si jade pero ang gaga hindi parin nagrereply!

Bumaba ako sa living room at naguusap sila mommy at tita lexi.

"Skyler bakit hindi muna kayo pumasyal ni shin para naman kahit papaano ay makapag usap kayong dalawa" suggest ni tita lexi.

"Oo nga anak, pumasyal muna kayo ni Skyler" sangayon ni mommy na sinunod naman namin ni skyler.



To be continued.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon