Chapter 19

46 5 0
                                    

Skyler POV

TOK!TOK!TOK!

Pinagbukas ko ng pinto ang kumakatok mula sa labas ng pintuan ko

"Son lets go,di ba ngayon ang bussines meeting natin sa bicol"sabi ni dad

Tumango ako at kinuha ko ang mga gamit ko dahil isang linggo kami mag stay sa bicol dahil mag babakasyon na din kami doon

"Dad asan po si mom?"takang tanong ko

"Yung mommy mo nauna na siyang pumunta doon"sabi ni daddy

Tumango nalang ako sakanya at pumasok na kami sa kotse dahil mahaba haba ang byahe namin papuntang bicol,ang driver namin ang magmamaneho papuntang bicol

BICOL

Inumaga na kami ng dating dito sa bicol kaya naman andito kami sa isang resort na pagaari ng kapatid ni daddy dahil isa itong private resort oonti lang ang taong naririto at ang sariwang hangin at malakas na hampas ng alon lang ang mararamdaman mo at malinaw din ang tubig dito at may mga kubo,wala kang makikitang mga basurang nakakalat sa tubig o buhangin dahil maski buhangin ay malinis o tawag natin white sand

Biglang natigil ang pagmumuni muni ko ng bigla akong tinawag ni mommy

"Skyler!"tawag ni mommy

"Bakit po?"sabi ko

"Lets go!"sabi ni mommy

Tumango ako at sumunod kay mommy

Pagpasok ko sa loob ng hotel nakita ko si shin at ang parents niya na kausap si daddy at ang mga katrabaho nito ang akala ko kami kami lang nila mommy at ang mga kameeting ni daddy hindi pala dahil kasama din namin ang mga lee

"skyler,shin sa iisang room lang kayo"sabi ni mommy

"Po?!"sabi ni shin

"Sa iisang room nalang kayo ni skyler"ulit ni mom

"Okay po"sabi ko

Sa iisang room nalang din ang mga katrabaho ni daddy at si mommy at daddy sa ibang room ganun din ang parents ni shin

Pumasok na kami ni shin sa loob ng room namin

"Magpapahinga na muna ako"sabi ni shin,sabay higa niya sa may mahabang sofa sa living room

"Shin doon kna lang sa kama,ako nalang dyan"sabi ko

Tumango siya sakin sabay lakad niya palayo ngunit bago pa siya makahakbang hinila ko ang braso niya

"Shin i still want you and i love you"sabi ko,sabay buntong hininga

Hinila niya ang braso niya at naglakad patungo sa kwarto,ako naman humiga sa may sofa

*****

Nagising ako ng makaramdam ako ng lamig sa hinihigaan ko dahil sa aircon at tinignan ko ang relo ko aladiyes na ng gabi ilang oras din ako nakatulog,kaya naman naisipan kong magtungo sa tabing dagat kitang kita ko naman si shin na di kalayuan ay nakatanaw sa mga bituin

"Ang ganda ng mga bituin noh"panimula ko

Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya"nagising kana pala"sabi niya

"Oo,bakit andito ka pa pala sa labas?anong oras na ah"sabi ko

"Hindi kasi ako dalawin ng antok e"sabi niya,ako naman umupo

"Halika dito"sabi ko

Kita ko ang pagkunot ng noo niya"ano naman gagawin ko?"sabi niya

"Naalala mo ba kapag hindi ka nakakatulog niyayakap kita at nakakatulog ka nalang sa balikat ko"sabi ko

Tumango siya sakin at umupo sa tabi ko ako naman yumakap sakanya at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.hindi ako nagkamali dahil ilang minuto palang kami sa ganong ayos nakita kong nakatulog na siya kaya binuhat ko siya papasok sa loob ng kwarto at inihiga ko siya saglit ko naman siyang pinagmasdan"namiss ko yung ganito tayo girlfriend ko,gagawin ko ang lahat maging akin ka lang dahil di magtatagal sakin ka din babagsak" bulong ko,hinalikan ko siya sa noo at lumabas ng kwarto at natulog sa sofa...

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon