Shin POV
Kararating lang namin ni skyler sa bahay at pagpasok namin sa loob ay naroon na din si daddy.
"Siya na ba si skyler?" Tanong ni daddy kay tita lexi.
"Oo siya nga" nakangiting sabi naman ni tita lexi.
"Wow ang laki na niya, what a good looking man" namamanghang sabi ni daddy.
Since naguusap pa ang mommy ni Skyler at ang parents ko ay tumambay muna kaming dalawa sa garden.
"Wow nice who planted all of this?" Tanong ni skyler saakin dahil nakita niyang puno ng magagandang bulaklak ang garden namin.
"Si mommy. Mahal na mahal niya ang mga bulaklak niya every morning ito agad ang pinupuntahan niya at tuwing uuwi din siya galing sa work" sabi ko.
"Beautiful" sabi ni skyler. "Pero mas maganda ka" biglang banat ni Skyler.
"Bolero mo" sabi ko.
"Hindi ah, nagsasabi ako ng titoo" sabi niya.
"Edi wow" sabi ko naman at umiwas ng tingin sakanya.
Edi wow, edi wow kapa diyan shin! Ayaw mo lang aminin na kinikilig ka!
Nakaupo kaming dalawa ni Skyler habang pinagmamasdan ang nag gagandahang bulaklak na alagang alaga ni mommy.
"So ano ang hobby mo?" Tanong ni skyler sakin.
"Shopping" sabi ko sakanya.
"Ang gastos mo naman kung ganun" sabi niya sakin.
"Yah i know right. Eh ikaw?" Balik tanong ko sakanya.
"My hobby is hmm.. playing basketball" sabi niya. "Masyado akong active sa sports" dugtong niya pa.
"Oh, boys nga naman." Sabi ko. "Pero amg basketball player daw ay magaling maglaro ng feelings" sabi ko pa sakanya.
"Luh? Hindi noh. Siguro yung iba pero I'm not like that noh" sabi niya sakin.
"Ows" sabi ko naman.
"Oo nga, try ko sayo gusto mo?" Nakangising sabi niya.
"Try mo mukha mo" sabi ko sakanya sabay irap.
"Sungit mo" sabi niya. Dumating ang katulong namin na may dala dalang pagkain para samin.
"Ma'am shin kumain daw po muna kayo ni sir skyler sabi po ng daddy mo" sabi ng katulong.
"Sige po manang. Salamat" sabi ko at tumango lang ito tsaka pumasok na ulit sa loob.
Kumuha naman si Skyler ng tinapay at kinagatan niya iyon tsaka uminom ng juice.
"Gwapo ba akong uminom?" Tanong niya. Ngayon ko lang narealize na nakatingin pala ako sakanya. Gosh!
"Hindi natatawa nga ako sa itsura mo eh" sabi ko at nagkunwaring natatawa.
"Tss." Anas niya.
NG matapos kaming kumain ay bumalik na kami ni skyler sa loob. Naguusap parin sila mommy at tita lexi mukhang namiss talaga nila yung isa't isa.
Bigla namang nabaling ang atensyon ko kay skyler ng mag ring ang hawak niyang cellphone at sumenyas naman siya na lalabas muna upang sagutin ang tawag.
Ako naman ay nagtungo sa living room at umupo sa tabi ni mommy.
"Mom mauna na ako sayo" sabi ni skyler ng makabalik siya.
"Tita una na po ako" paalam niya kay mommy.
"Where are you going anak?" Tanong ni tita lexi. Saglit itong napaisip ng sasabihin niya.
"I have to do something important" sabi niya.
"Osige mag iingat ka" sabi ni tita lexi.
Lumabas na si skyler ng bahay at sunakay sa dala nitong kotse.
10 pm na nakauwi si tita lexi at ang asawa nito ang nag hatid sakanya.
Ako naman ay nasa kuwarto ko at naghahanda ng matulog ng biglang tumawag saakin si jane.
"Bakit ka tumawag?" Sabi ko sakanya.
[Sis labas ka dali] sabi niya.
"Bakit? Gabi na sis hindi na ako papayagang lumabas" sabi ko sakanya sa kabilang linya.
[Sis may kailangan tayong puntahan dalian mo] sabi niya pa.
"Osige sige hintayin mo ako. Magbibihis lang ako" sabi ko sakanya at inend na ang tawag.
Nag suot ako ng jacket na may hood at nakapajama lang ako. Hindi ko alam kung ano nanamang kagagahan ang tumatakbo sa isip ng kaibigan ko.
Lumabas ako ng kwarto at tahimik akong bumaba ng hagdan. Ng makababa ako ay tinignan ko muna kung may katulong pa na gising at ng masigurado kong walang tao ay dumiretso ako sa pintuan at dahan dahan iyong binuksan.
Ng makalabas ako ay binuksan ko ang gate at sakto namang nasa tapat lang si jane ng gate namin.
"Ano bang nasa isip mo sis?" Tanong ko sakanya.
"Basta sis may pupuntahan tayo" sabi niya naman at hinila ako.
Tumawag naman si jane ng taxi at ng may huminto sa harap namin ay sumakay kami doon.
To be continued.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionTotoo ngang walang mabilis o mabagal sa pagibig dahil isang araw ay mararamdaman mo nalang na nahuhulog kana lang sakanya. WARNING: "MASAKIT SA PUSO ANG UMASA SA TAONG WALA NAMANG GUSTO SAYO!" Date Started: 2/15/18 Date Finished: 8/19/18