Mae shin POV
Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Skyler at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Gusto kong magtanong pero pinangunahan ako ng hiya ko.
Ang awkward tuloy namin ngayon.
"Gusto mo bang kumain muna tayo?" Basag niya sa katahimikang namagitan saming dalawa.
"Sige" sagot ko.
Tumango siya at muling tinuon ang atensyon niya sa pagmamaneho at ng huminto kami sa isang mamahaling restaurant.
"Dito tayo kakain?" Tanong ko sakanya.
"Oo, hindi mo ba gusto dito?" Tanong niya.
"Ah hindi naman pero kasi mahal sa restaurant na 'to" sabi ko.
"Isipin mo nalang na date to a dito tayo mag dedate" sabi niya at nauna ng lumabas ng kotse kaya sumunod naman ako sakanya.
Hala ka teh date daw oh!
Dapat kinikilig na ako kasi gwapo naman siya pero nah hindi ko siya type.
Ng makapasok kami sa loob ng restaurant ay inasikaso kaagad kami ng waiter at ang mga tao naman sa loob ng restaurant ay nakatingin kay skyler lalo na ang mga babae.
Ganito ba talaga ang lalaking to? Malakas makakuha ng atensyon!
Umupo kami at binigyan kami ng waiter ng menu. Binigay saakin ni skyler ang isang menu.
"Pumili ka ng kahit anong gusto mong kainin" sabi niya.
Sinabi ko naman sa waiter ang napili kong putahe at ganoon din si skyler. Habang hinihintay namin na dumating ang order namin ay kinausap ako ni Skyler.
"So saan mo gustong pumunta pagkatapos nating kumain?" Sabi niya.
"Hmm, kahit saan. Ikaw na ang bahala" sabi ko sakanya na tinanguan naman niya.
NG matapos kaming kumain ni Skyler ay siya ang nag bayad ng bill tsaka umalis na din kami sa restaurant. Kasalukuyang nagmamaneho siya ngayon at ako naman ako nakatingin lang sa labas ng bintana.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sana nakaka enjoy yung pupuntahan namin.
40 MINUTES ang binyahe namin bago makarating sa pupuntahan namin. Hindi pamilyar saakin ang lugar na ito at ang maganda pa ay kakaonti lang ang tao.
Ramdam ko din ang malamig na simoy ng hangin at rinig na rinig ang nakakakalmang paghampas ng alon.
Maganda din ang tanawin dahil kitang kita ang paglubog ng araw.
"Ang ganda naman dito" sabi ko sakanya.
"Dito kami tumatambay ng mga kaibigan ko noong hindi pa kami umalis nila mommy patungong U.S" sabi niya.
"May kaibigan ka?" Kunot noong tanong ko sakanya.
"Anong klasing tanong yan? Alangan." Sabi niya.
Oo nga naman shin anong klasing tanong yun!
"Anyway bakit kayo tumira sa U.S?" Tanong ko sakanya.
"Sila mommy ang may gusto non, we have business in U.S kaya kailangan nila mommy na doon mag stay at ayaw din naman nilang maiwan ako kaya sinama nila ako dito" sabi niya.
"Oh kaya pala" sabi ko.
"Ikaw?" Balik tanong naman niya saakin.
"Dito na kami nakatira since bata pa ako. Sila mommy at daddy lang ang umaalis noon papuntang korea dahil ang nationality talaga ni dad is korean at may business sila doon ni mommy kaya noong bata ako palagi akong naiiwan sa mga katulong namin sa bahay" sabi ko naman sakanya.
"Oh parang medyo malungkot yon since puro trabaho ang mommy at daddy mo nung bata ka" sabi niya naman.
"It's okay I understand, kapag may free time naman sila ay nagbobonding kami" sabi ko. "Ngayon ngayon lang din nakakabawi saakin sila mommy. Mas binibigyan na nila ako ng time ngayon" sabi ko pa.
"Matagal kana bang nagaaral sa S.A.U?" Tanong niya.
"Oo since elementary ako. Nagulat nga ako noong nalaman kong parents mo ang may ari ng university na pinapasukan ko" sabi ko naman sakanya.
"Yah. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag aral sa sa school na pagaari ng parents ko" sabi niya.
"Oo nga eh. Anyway kamusta naman ang pamumuhay mo sa U.S?" Tanong ko sakanya.
"Noong nasa U.S pa kami isa akong model at nag hohome school ako. Madami din akong kaibigan doon and my friends and I have ga- oh hindi pala" biglang sabi niya.
"Anong meron kayo ng mga kaibigan mo?" Tanong ko.
"It's nothing wag mo ng alamin. Kailangan na siguro nating bumalik sainyo dahil pagabi na din" sabi niya na tinanguan ko naman.
Sumakay ako sa kotse niya nagsimula na siyang magmaneho para makauwi na kaming dalawa.
To be continued.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionTotoo ngang walang mabilis o mabagal sa pagibig dahil isang araw ay mararamdaman mo nalang na nahuhulog kana lang sakanya. WARNING: "MASAKIT SA PUSO ANG UMASA SA TAONG WALA NAMANG GUSTO SAYO!" Date Started: 2/15/18 Date Finished: 8/19/18