Chapter 5

105 6 0
                                    

Shin POV

Nakatayo kaming dalawa ni jane sa isang malaking bahay. Hindi ko alam kung anong balak ng babaeng 'to dahil ayaw naman niyang sabihin sakin.

"Ready kana ba?" Tanong niya sakin.

"Ready saan?" Tanong ko naman sakanya.

"Papasukin natin ang bahay na to" sabi niya na ikinagulat ko naman.

"No way! Hindi ako pinalaking akyat bahay ng parents ko" sabi ko sakanya. "Atsaka kanino ba ang bahay na 'to? Mamaya mapagkamalan pa tayong magna eh!" Sabi ko sakanya.

"May atraso sakin ang may aring bahay na 'to" sabi niya. "Kaya tulungan mo ako" sabi pa niya.

"Anong gagawin mo? Papatayin mo?" Takang tanong ko sakanya.

"Gaga mukha ba akong mamamatay tao?!" Sabi niya sabay irap sakin.

"Maybe. I think" sabi ko sakanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Bwiset ka! Sa ganda kong 'to papatay ako ng tao. no way!" Sabi niya.

"Sino ba nag sabing maganda ka?" Pataray kong sabi sakanya. "Fyi kamukha mo lang pwet ko" sabi ko sakanya.

"Fyi ka din. Baka nga mas makinis pa ako sa pwet mo duh" sabi niya.

"Excuse me? Baka gusto mong ipakita ko sayo kung gaano kakinis ang pwet ko!" Sabi ko sakanya.

"So what" aniya.

"So what ka din" sabi ko at tinarayan siya.

"Tara na nga!" Sabi niya at hinila ako papunta sa gilid ng bahay ng kung sino man ang nakatira dito.

Sinubukan naming umakyat sa pader ni jane gamit ang dala niyang lubid. Tinali namin ito sa bakal na nakadikit sa pader.

"Baka naman may nakakita satin" sabi ko sakanya.

"Wala yan" sabi niya.

Walang kahirap hirap naming inakyat ang pader dahil sa tulong na din ng lubid na dala ng babaeng 'to.

"Anong susunod nating gagawin?" Tanong ko sakanya.

Tinuro naman niya ang nakabukas na sliding door at mula sa pinto na 'yon ay may pumasok na katulong.

"Doon tayo papasok" sabi ni jane.

"Baliw kaba? Gusto mong mahuli tayo ng katulong!?" Sabi ko sakanya.

"Hindi yan!" Sabi niya at nauna ng pumasok sa loob.

Mabilis kaming nakapasok ni jane dahil wala ang katulong pero bakit naman niya iiwang nalabular ang pinto?

Tinuro naman ni jane ang hagdan papunta sa second floor at nauna siyang maglakad papunta doon.

Lumingon muna ako sa kaliwa at kanan ko kung may tao at ng makasigurado ako ay sumunod ako sakanya paakyat.

Nakapatay ang lahat ng ilaw sa second floor kaya wala kaming makitang kahit ano kundi ang madilim na paligid dahil hindi naman kami pwedeng gumamit ng flashlight dahil baka makita kami.

"Ahh!" Napasigaw kaming dalawa ni jane ng biglang yumakap saamin at tinakluban kami ng kumot.

"Huli kayo!" Boses 'yon ng lalaki.



NAKAGAPOS ang kamay namin ni jane habang nasa kaharap naman namin ang isang gwapong lalaki.

"Sino kayo? At paano kayo nakapasok sa pamamahay ko?" Tanong niya.

Walang sumagot ni isa saamin Jane kaya lumapit siya samin.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon