Chapter 1

6.1K 139 18
                                    

Hi I'm Lance Mendez and this is the story of my secret crush

June 11, 2007 first day of school, second year high school ako at syempre masaya nanaman kase may may baon nanaman at andyan uliy ang makukulit at magugulo kong barkada kaya magulo nanaman yung classroom namen daldal dito daldal doon kanta dito kanta doon kalat dito kalat doon

7:30 am nag ring na yung bell it means start na ng klase kaya ayon balik na sa mga kanya kanyang upuan, pumasok na si Ma'am Cruz pero hindi sya nag iisa may kasama syang studyanteng babae mukang may bagong transfer

Ma'am Cruz: Good morning class, I want you to meet your new classmate, please introduce yourself

New Classmate: Hi everyone my name is Chandria Carmela Lopez you can call me "charm" for short

Ma'am Cruz: Okay Ms. Lopez you can seat beside Mr. Mendez

Ohh my God sabay laki ng mata, yun yung reaction ko nung sinabi ni mam na magiging katabi ko sya

Lawrence: uyy Lance may bago ka nang dadaldalin hahaha

Lance: Naku ayoko inglisera eh baka ma nose bleed ako hahaha

Tapos ayun na nga umupo na sya sa bakanteng upuan sa tabi ko hindi ko alam kung pano ko sya kakausapin parang ang awkward, kase nga bago lang sya, kaya ayun suplado lang yung peg ko that time hahaha and then nag start na yung class hanggang sa nag recess na kame pero hindi ko parin sya kinakausap habang break time nilapitan sya ng mga kaklase kong babae tapos inaya din syang kumaen sumama naman sya kaagad, inisip ko non parang di naman yata suplada or mahirap maging ka close kaya sabo ko sa sarili ko non kakausapin ko sya after break time hanggang sa nag bell na ulit nag resume na ulit yung klase, pero hindi ko parin sya kinausap naunahan yata ako ng hiya o ewan ba, eh napaka daldal ko pa naman suki ako sa listahan ng noisy non pero kausapin lang sya di ko pa magawa.

After two weeks hindi ko parin sya kinausap akala nyo close na kame hano, hahaha and then one day nagkaroon ng chance na kausapin nya ako hindi ko na matandaan kung anong araw yun basta ang alam ko lang nanghingi sya sakin ng papel o diba haba ng usapan namin ganda ng topic diba nanghingi lang sya ng papel tapos binigyan ko naman sya sabay thank you tapos nag sulat na sya.

Sabi ko tuloy sa sarili ko ay parang boring to tapos parang namimili sya ng kausap kaya hahayaan ko nalang sya di na ako mag eeffort na kausapin sya.

Lawrence: bro hindi yata effective charm mo kay charm hahaha, hindi mo yata kayang i-bully o pasunurin to

Lance: ayoko nh boring bro tska pinipili nya lang yung kinakausap nya suplada pa, pero mag antay ka lang magiging close din kame nyan mag uusap din kame nyan.

Lumipas ang ilang buwan siguro mga three months din yun dun palang kame nag usap, ikukwento ko kung pano kame nagka usap okay sige ganito kase yun

My subject kame na kailangan gumawa ng play parang short story sya about "adolescence" teenage pregnancy yung focus namin, tapos hinati na kame sa dalawang group akala ko ka group ko sya nun yun pala yung group 1 hanggang L lang syempre sya yung last kase Lopez surname nya tapos start ng group 2 simula sakin.

Hindi ko alam kung bakit parang nalungkot ako at parang disappointed yung feeling ko, pero di ko nalang pinansin yun basta ang focus ko that time yung play namen at dapat maganda yon at dapat manalo kame.

Kate: Okay group 2 ayusin na naten yung mga role nyo

Hanggang sa ako yung pinili nilang "Lead actor" o diba parang artista lang hahaha, pero kulang pala kame sa babae at nagkataon kulang naman ng lalake yung kabilanh group, kaya ayun parehas na nag decide yung dalawang group kung sino yung pag papalitin.

Kate: si vincent yung ibibigay namen kaya samin na lang si charm.

Agad namang pumayag yung kabilang group hanggang sa kabilang na si charm sa grouo namin.

Ang weird ng feelings ko nung naging ka grouo ko sya hindi ko alam kung excited, kinakabahan o masaya, pero ang weird nga dapat di ko nararamdaan yun kase hindi ko naman sya gusto hindi ko naman sya crush.

Yung araw na yun napaka weird unforgettable yon di ko alam bakit ganun nararamdaman ko eh hindi ko naman sya crush isa lang sya sa mga ordinary girl na nag aaral sa school wala naman unique sa kanya in short di ko sya type.

After three days ng pag iisip at pag aayos ng concept na gagawin namin sa play.

Kate: Lance ikaw yung bida at syempre dapat may partner yung bida

Lance: sinong partner ko

Kate: uyyy excited sya group mates sino guato nyong partner ni lance

Group 2: si charm si charm charm

Kate: okay nag decide na sila charm ikaw yung partner ni lance, bali sainyo iikot yung buong story so dapat ngayon palang maging close na kayo para hindi awkward pag nag start na kayo.

Group 2: uyyyy may bagong love team ang school Charm+Lance= ChaNce uyyyy may chance ba na maging kayo

My Secret Crush (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon