Chapter 11

808 59 0
                                    

Second year college kami nung time na madalas kami mag away ni charm sobrang bihira na din kami magkita kahit na mas may time na ako ngayon dahil huminto na ako sa pag tatrabaho nagkakasalubong kami minsan pero hindi naman kami nag papansinan hanggang sa sya na yung unang lumapit sakin

Charm: oy lance may kasalanan ka sakin

Lance: ano? Ikaw kaya yung bigla nalang di namamansin kahit text di ka nag rereply kahit tumatawag ako di mo sinasagot

Charm: ano ba sa palagay mo ginawa mo?

Lance: hindi lang naman ako nakapunta dun sa play nyo nagalit ka na agad, sabi ko naman sayo may report akong tinatapos tska marami akong quiz kinabukasan kaya kailangan ko mag review

Charm: hindi naman yun

Lance: eh ano? Ano pa ba ginawa ko?

Charm: binigay mo yung no. Ko sa iba hindi ka man lang nag paalam sakin kung okay lang ba sakin yun

Lance: teka lang ha wala akong pinag bibigyan ng no. Mo tsaka wala namang humihingi sakin tska kung meron man ipapaalam ko muna sayo

Charm: o ayan basahin mo

Unknown no.: hi charm pwede kita maging friend accept mo naman ako sa fb
Unknown no.: uy reply ka naman, ako pala si paul nakuha ko no. Mo kay lance classmate nya ko

Lance: oo classmate ko nga to pero hindi ko talaga binigay no. Mo sa kanya

Charm: pag sabihan mo yan ha mayat maya nag tetext sakin pati sa fb message ng message ang kulit

Lance: oo sige pero ang alam ko crush ka nya

Charm: tumigil ka nga uuwi na ko

Lance: hatid na kita oh wag ka na mag react kakausapin ko nalang si paul bukas

Sabay na kami umuwi ni charm at kinabukasan kinausap ko si paul na tigilan nya na si charm

Lance: paul pwede ba tayo mag usap

Paul: sige, bro sorry pala kinuha ko yung no. Ni charm sa phone mo di ko pinaalam sayo kasi alam ko di ka papayag

Lance: alam mo naman pala eh bakit kinuha mo pa

Paul: eh nahihiya kasi akong lapitan si charm kaya kinuha ko nalang no. Nya sa phone mo, gusto ko sana syang ligawan, okay lang ba sayo? Hindi naman kayo di ba

Hindi ako nakasagot nung tinanong nya sakin yun kumabog ng malakas yung dibdib ko ang weird ng feelings ko pero ang alam ko lang ayokong ligawan nya si charm pero wala ako sa lugar para sabihin yun hindi naman nya ako boyfriend

Kinabukasan pinuntahan ko si charm dun sa classroom nila napagkamalan pa nga akong boyfriend nya kasi sobrang close daw namin nakita ko sya naka upo kaya tumabi na ko nakita ko binabasa parin nya yung page ni confession

Lance: oy ano yang binabasa mo?

Charm: yung confession

Lance: akala ko naman about sa subject nyo, grabe big fan ka ba nya high school palang tayo binabasa mo na yan hanggang ngayon pala

Charm: oo ganda kaya ng mga pinopost nya, teka nga sabi ko sayo ifollow mo sya bakit di mo ginagawa nung high school pa tayo nung sinabi ko sayo yun

Lance: ayoko ang korni kaya nya

Charm: hindi kaya nakakakilig kaya sya kaya lang until now hindi nya dw maamin yung nararamdaman nya dun sa girl na gusto nya

My Secret Crush (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon