Chapter 27

702 39 5
                                    

Habang nag papahinga ako sa bahay binuksan ko ulit si confession umaasang meron akong matitinong message na makuha para dun sa gagawin naming libro ni lawrence.

Confession

From Dennise: Hi confession gusto ko lang po i confess na virgin pa po ako

Okay lang yan ate hanap ka ng kapwa mo virgin tapos party kayo

From Jerome: Hello confession gusto ko lang i confess na inlove ako sa bestfriend ko, pero hindi ko kase masabi sa kanya dahil may boyfriend sya at alam kong mahal na mahal nya yung boyfriend nya.

Wag mo nang iconfess sa kanya baka makasira ka pa ng relasyon move on ka nalang bro tapos hanap ka ng iba, pero mahirap mahirap talagang ma inlove sa bestfriend mo

From Robin: hi confession ayoko na po yung course ko pero hindi ko masabi sa parents ko sigurado po kase akong magagalit sila at baka hindi na nila ako pag aralin

Mahirap talaga yung ganyan, pero mas magandang sabihin mo nalang para hindi ka nahihirapan wag mong antayin na maging complicated pa yung situation bago mo aminin sa kanila

From Claire: bakit po push up bra yung tawag sa ibang bra kapag po ba sinuot ko to kailangan munang mag push up ako

Aba malay ko Hindi ko alam hindi naman ako nag babra tanong mo kaya sa nanay mo for sure nag babra yun, tapos sabay kayong mag push up

From Karla: Hello confession gusto ko lang i confess na minsan nag cheat ako sa boyfriend ko at until now kami parin pero hindi nya alam yung about doon, hindi ko alam kung pano ako mag coconfess sa kanya baka kapag nalaman nya hiwalayan nya ako, hindi ko yata kaya yun.

Walang sikretong hindi nabubunyag kaya habang maaga pa at may pag kakataon kang mag paliwanag sa kanya sabihin mo na wag mo ng antayin na sa iba nya pa malaman, tsaka kung mahal mo talaga sya or nagmamahalan talaga kayo dapat walang secret

Parang kabigat naman ng mga confession nila pero atleast may sense ang kailangan ko nalang gawin basahin pa lahat ng may sense at mag post na kung pwede ko bang isama sa gagawing libro yung mga confession nila kung okay lang sa kanila ilalagay ko na din yung mga advice ko sa kanila

Kinabukasan nilapitan ako ni charm habang nag papahinga ako dun sa tambayan ko, may nakalimutan daw syang itanong pa sakin.

Charm: sabi na andito ka eh

Lance: bakit anong kailangan mo?

Charm: may dalawa pa akong question na naalimutan kong itanong sayo, pero last na talaga to, okay lang ba?

Lance: oo sige, wala naman akong choice

Charm: ano yung pinaka kinakatakutan mong mangyari sayo?

Lance: except sa mawala yung family ko, mawala yung trabaho ko

Charm: bakit?

Lance: except sa ito yung source of income ko, madami akong hirap na pinag daanan para lang marating ko kung nasaan ako ngayon.

Charm: pwede ka bang magbigay ng example

Lance: rejection, ilang beses din akong na reject sa trabaho sinubukan kong lumipat noon pero walang tumanggap sakin kase dw lack of experience kahit pa marami akong dish na kayang i present sa kanila na ako yung mismong gumawa, discrimination masyado pa dw akong bata kaya ayun reject nanaman ako, hanggang sa bumalik din ulit ako kay chef tan, at dun ko pinag patuloy yung mga nasimulan ko na hanggang sa ito na ako ngayon, meron pa pala yung pressure sabi nila natural lang na ma pressure ka kahit ano pa yung trabaho mo pero may pressure kase na nakaktulong talaga ng malaki habang nag sisimula ka meron naman hindi nakaka tulong kase mas na didistract sila tska mas pinanghihinaan ng loob

My Secret Crush (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon