Chapter 3

1.4K 81 3
                                    

Dumaan ang ilang buwan mas naging close pa kami ni charm, nakakadaldalan ko na sya ng mas matagal hindi na kame awkward sa isat isa mas naging open na din kame sa mga kanya kanya naming buhay. Halos mas madalas ko pa sya kasama kesa kila Lawrence na barkada ko, madalas na nga kaming tinutukso mukang pinanindigan na daw namen yung loveteam namen, always present din sya sa mga game ko kahit tune up game lang sya sinisigurado nya na lagi nya akong ichecheer, madalas na din kaming magkatext kahit minsan wala ng sense yung pinag uusapan namin inaabot pa kami ng 12midnight, madalas na din nag aasaran ang tawag ko nga sa kanya payatot tapos tawag nya sakin kilay kase makapal yung kilay ko sya naman mapayat.

Fourth Quarter na malapit na magbakasyon one month nalang at bakasyon na, malapit na din yunh exam namin.

And then one day bigla nalang ako nawala siguro almost two weeks din ako di pumasok, nawalan ako ng ganang pumasok dahil eto na yata yung kinakatakutan kong araw yung tuluyang maghiwalay si mommy and daddy one week straight yon lagi nalang sila nag aaway and then nag decision na si daddy na iwan na kame naki usap ako sa kanya na wag sya umalis habang umiiyak at halos napaluhod na ako non pero hindi man lang nya ako nilingon at patuloy syang lumakad palabas ng bahay, parang gumuho yung mundo ko para akong nanghina hindi ko alam yung gagawin ko hanggang sa lumapit si mommy sa akin habang umiiyak sinabi nya na we can survive kahit tayo lang promise ko yan anak, niyakap ko si mommy ng mahigpit wala ng sasakit pa na makita mo yung nanay mo na umiiyak, kaya ang sabi ko sa sarili ko noon kung ayaw na samin ni daddy okay lang basta andito si mommy gagawin ko lahat para maging okay yung family ko.

Text message

Charm: lance hindi ka parin ba papasok?

Charm: huy lance ano may sakit ka ba?

Charm: paramdam ka naman ano buhay ka pa ba?

Charm: sagutin mo kaya mga tawag ko napaka isnabero mo na

Charm: may problema ka ba? Pwede mo naman ikwento sakin baka makatulong ako, kung hindi man atleast gumaan man lang yung nararamdaman mo.

Charm: hindi na nakakatuwa, nakakainis na kahit sa fb hindi ka nag rereply ano ba nangyare sayo?

Charm: HOY LANCE MENDEZ HINDI KITA PAPANSININ SA SCHOOL PAG PUMASOK KA TANDAAN MO YAN NAKAKABWISIT KA!!!!!!

Two days before ng exam

Kate: oy di ba mommy ni lance yon

Lawrence: oo bakit kaya sya nandito tapos galing pa sa principal's office

Kate: lilipat na kaya ng school si lance ano kaya nangyari don? Guys nag rereply ba sa inyo si lance o kaya nag tetext man lang ba?

Lawrence, Yohan, Erik, Marvin, Dennise, Fia, Thea: hindi eh

Kate: uy charm sayo nag tetext ba? Di ba madalas kayo magkasama may nakukwento ba sya?

Charm: .......... Ha anu yun kate?

Kate: ay tulala lang, sabi ko sayo ba nagpaparamdam man lang ba si lance?

Charm: hindi din eh lagi ko sya tinetext at tinatawagan hindi naman sumasagot

Long quiz

Teacher: okay class nag review ba kayo I hope nag review kayo dahil last long quiz nyo na to this school year galingab nyo para pumasa kayo, but before that mag attendance muna tayo.

Teacher: Jacinto

Jacinto: present

Teacher: Javier

Javier: present

Teacher: Lopez

Charm: present

Teacher: Mendez, Mr. Lance Mendez

Lance: present po

Parang naka kita ng multo yung mga classmate ko nung pumasok ako ng classroom lahat nagulat at nagtaka dahil halos dalawang linggo din akong absent at ni isa sa kanila walang idea kung ano nangyari sakin kahit pa yung mga kaibigan ko, mabilis akong pumunta sa upuan ko at napansin ko ni hindi man lang ako tinignan ni charm mukang galit nga sya.

Teacher: oh Mr. Mendez kamusta tagal mong absent ha?  Mag usap tayo mamaya after quiz I have a lot of things to discuss with you

Lance: yes po sir

My Secret Crush (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon