Chapter 32

558 42 1
                                    

Lance: ikakasal ka na pala at gusto mo ako yung mag luto sa kasal mo

James: no hindi totoo yun sinabi ko lang yun kay chef tan baka kasi pag sinabi ko yung totoo hindi mo ko kausapin

Lance: sige dad handa na ko makinig

James: yung gabing nakita mo ko sa bahay nila charm oo pinakilala na ako ni jean sa kanila dahil nga sa ikakasal na kami pero hindi sya yung dahilan anak kung bakit nasira yung family natin ako lang yung may kasalanan and hindi nya rin alam na ikaw yung anak ko

Lance: kung hindi sya yung dahilan sino yung dahilan o ano yung dahilan?

James: ako yung may kasalanan dahil hindi ko kayo pinanindigan sinunod ko kung ano yung gusto ko hindi ko na kayo inisip ang gusto ko lang noon masunod yung gusto ko

Lance: hindi mo na mahal si mommy o minahal mo ba si mommy?

James: minahal ko yung mommy nyo maniwala ka man o sa hindi

Lance: eh bakit mo kami iniwan tapos hindi mo kami sinuportahan financially alam mo ba kung gaano kahirap para samin yun

James: yung kasal namin ng mommy mo arrange marriage lang yun dahil sa ka gustuhan ng lolo Roland mo at lolo Felix mo matalik silang magkaibigan kaya pati kami gusto nilang magkatuluyan at oo nasunod yung gusto nila kahit na ayaw namin ng mommy mo nung time na yun girlfriend ko si tita jean mo and yung mommy mo naman pupunta na dapat sa new zealand para ituloy yung pag papainting nya kaya lang hindi natuloy yun dahil ang gusto ng parents namin after college ikasal na kami

Lance: arranged marriage ano kayo chinese dahil ba sa business to?

James: walang kinalaman yung business sa pagpapakasal namin parehas naming ayaw kaya lang hindi namin magawang suwayin sila dahil wala naman kaming sariling pera noon nag aaral palang kami tapos after namin maka graduate pinaksal na kami nag trabaho ako sa hotel sa california dun kami tumira ng mommy nyo habang hindi pa kami nag kakaanak nag trabaho muna kami sa royal hotel dun din sya nag work after 2 years okay naman kami natutunan na namin pakisamahan yung isat isa naging mag kaibigan kami pero ang plano lang namin noon papasakayin lang namin sila na okay kami na mahal na namin yung isat isa na nag bubuhay mag asawa na kami akala namin okay na pag ganun pero nung sinabi nila na gusto na nilang magka apo wala kaming choice kundi bumuo na ng pamilya dahil si lolo roland mo may taning na ang buhay may stage four liver cancer sya yun yung hiling nya samin bago dw sya kunin  gusto nya makita yung apo nya samin

Lance: and si ate cheska yun?

James: oo sya nga namatay si lolo roland mo two months after ipanganaksi cheska hanggang sa nasundan na sya at ikaw nga yun at nagkaroon pa ng isa si abby minahal ko yung mommy mo

Lance: dahil wala ka ng choice

James: no dahil ka mahal mahal naman talga sya yung mommy mo sobrang bait sobrang ganda wala na nga akong mahihiling pa sa kanya pero anak may mahal akong iba sinubukan kong kalimutan sya, yung mommy mo at kayo yung inisip ko pero hindi sya maalis sa isip ko

Lance: nabuhay kami na ganun pala yung naging set up nyo ni mom sorry hindi ko alam

James: pero wag nyong isipin na hindi ko kayo mahal o hindi ko kayo minahal

Lance: kung mahal mo talaga kami bakit nawala yung suporta mo samin financially tapos pati contact namin sayo pinutol mo alam mo ba kung gaano kahirap para sakin para samin yun?

James: alam ko, nung time na nag decide akong iwan na kayo at umalis na wala sa plano ko na pati contact at financial support ko sa inyo ititigil ko na

My Secret Crush (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon